Ang Math at pagmamahal ay may kombinasyon.
Pareho silang kailangan ng konsentrasyon,
At pareho silang sakit sa ulo ng mga estudyante ngayon.
May mga bagay talaga, noh, na kahit magkaiba ang depinisyon, may koneksyon.Pero teka nga! Bakit napunta na sa pagmamahal ang usapan?
Namomroblema na nga sa Matematika,
Iyang pagmamahal pa ang inuuna.
Baka darating ang panahon, bumagsak ka na pala nang hindi mo namamalayan.Sa Matematika, may tinatawag na Function.
Iyon yung may X at Y sa isang equation.
Na kahit anong gawin ay napakahirap hanapan ng solusyon.
Kahit magmukmok pa ako sa aking kwarto nang matagal na panahon.Nakakapagod yung palaging nakaupo sa silya,
Nakahawak sa isang ballpen at kaharap ang isang equation sa isang asignatura.
Jusko po! Sumasakit na ang aking mga mata.
Pati na rin ang aking mga kamay ay sumasakit na.Ang inis ay namumuo na sa aking damdamin.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin.
Fraction ang palaging nakikita kahit saan man tumingin.
Dumagdag pa 'yang square root na hindi ko man lang alam kung ano ang gagawin.Pero naiisip ko, ako at ang Math ay parang one-to-one function,
Kailangang nakatutok lang sa isang equation,
Dahil ang pagmomove-on sa ibang equation kahit hindi pa alam kung paano ginawa ang ganoong solusyon,
Ay lalong nagpapadagdag sa aking pagkalito at frustration.Kaya kahit malalim na ang gabi,
Kailangan pa ring magsunog ng kilay palagi.
Ganito parati ang nangyayari sa aking kwarto na may ilaw na patay-sindi,
Dahil sa gusto kong magtagumpay sa buhay at makamit ang minimithi.-------------------------------
A/N: This is a poem that I made not just because of boredom but a step for me to pass my Math subject. Writing a poem with just a short period of time is not my cup of tea so YEAH!
YOU ARE READING
Kaleidoscope of Emotions
RandomDifferent poems Different essays Different short stories Mixed with various emotions