Buong klase na namang hindi makapokus si Jacky sa nileleksyon ng kanilang guro dahil kay Keith, ang lalaking nakasabay nya kanina sa bus. Ang tinutukoy nyang dream guy...Hindi lang naman si Jacky ang hindi makapokus pati na rin lahat ng babae pwera si Memi, dahil buong oras ng klase silang nakatitig sa bago nilang kaklase.
Swerte nya dahil malapit ang inuupuan ni Keith sa inuupuan nilang dalawa ni Memi, nasa kanan lang nya ang table ni Keith na seryusong nakatingin sa blackboard at nakikinig.
Sinusubukan naman ni Jacky na intindihin ang itinuturo sa kanila, kaso masyadong malaking distraction ang kapit-kaupuan nya.
"Hoy, para kang ewan dyan? Okay ka lang?" Napansin kasi ni Memi na hindi mapakali ang kaibigan kahit na nakatitig sa unahan, at alam na nya kung bakit. Kaya siniko nya ito at binabalaang tiningnan.
Tinaasan na lang sya ng kilay ni Jacky saka balik ulit sa unahan ang tingin.
"Okay, class dismissed. Goodbye class"
Tumayo na ang lahat pagka-alis ng guro kasama na don sina Memi at Jacky, at kanya-kanya silang ayos ng gamit.
Ang iba ay umalis na samantlang maraming kababaehan pa rin ang nagpa-iwan para titigan lang ulit si Keith at siguro if ever makasabay nila pag-labas.
Hindi naman pinansin ni Keith ang tingin ng mga babae sa kanya at tuloy-tuloy lang sya sa pag-aayos ng gamit at alis na rin pagkatapos.
Binilisan naman ni Jacky ang pag aayos dahil nagbabakasakali syang makasabay si Keith pag-uwi.
"Bilis na Memi, baka maubusan ako ng sasakyan. Buti sa inyo madali lang sakayan pero samin mahirap." Hila nya sa kaibigan palabas ng room.
"Ay naku Jacky, don't me, style mo bulok. If I know nagbabakasakali kang makasabay yung Keith na yun pauwi. Naku, naku umayos ka" parang nanay na habilin ni Memi sa kaibigan nya.
"Ehhh suportahan mo na lang kaya ako. Hayaan mo na nanay Memi, palagi akong mag-aayos at makakapagtapos ako ng pag-aaral na may kaalaman kahit na ma-inlove ako. Hehehe"
"Inlove ka na? Agad? Don pa sa mukhang masungit at suplado na yun? Jacky naman, sa itsura pa lang nun. Parang hindi yun maiinlove kahit kanino, lalo na sayo" nasa labas na sila ng campus.
"Ansakit naman non prend." Tila nasasaktang sabi ni Jacky sabay hawag sa bandang puso.
"Ano ka ba Jacky, don tayo sa totoo. Sinasabi ko lang ito dahil kaibigan mo ako, nagmamalasakit lang ako. Ayaw ko kasi ikaw na makitang umiyak nang dahil lang sa lalaki. Pero alam mo naman kung san ka masaya, edi don ako. Pero sana kapag alam mong wala naman talaga ehhh tigilan mo na? Okay?" Natouch naman ng sobra si Jacky sa madamdaming pahayag ni Memi.
Kaya niyakap nya ng mahigpit ang kaibigan at ginantihan naman ito ni Memi.
"Hayaan mo Memi, itatatak ko yan lagi sa isip ko pati na rin sa puso ko" pangakong sabi ni Jacky saka nag cross of heart pa sya.
"*Chuckle* anything for my bestie. O sya sige, mauna na ako. Habulin mo na dream guy mo, basta yung mga habilin ko ha huwag kakalimutan. Saka lagi mong tatandaan, maraming lalaki sa mundo pero ang kaibigan bihira na lang ang totoo. Hahahaha babye " nakangiting paalam ni Memi saka sila naghiwalay ng landas.
Napangiti naman si Jacky saka dali-daling tinakbo ang papuntang abangan ng sasakyan at baka matyempuhan pa nya si Keith don.
"Oo, Memi. Konti na lang talaga ang tunay na nagmamalasakit at nagmamahal na kaibigan sa kaibigan nito, katulad mo. Kaya anuman ang mangyari, hinding-hindi kita makakalimutan at ipagtatabuyan. Tayo lang ang tanging nakakaintindi at dumadamay sa isa't isa kapag may dumaang problema sa buhay natin. Ganyan naman ang magkaibigan diba, nagdadamayan at higit sa lahat, tunay na nagmamahalan."
"I love you Bestie Memi" nakangiting bigkas nya sa hangin na waring gustong ipadala sa matalik na kaibigan.
Napangiti naman sya lalo ng makita ang dream guy nya na still expression pa rin na nakatayo at naghihintay ng masasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/167353337-288-k424730.jpg)
BINABASA MO ANG
Regrets
Teen FictionUmibig (Ipinilit ang sarili) Nasaktan (dahil ipinagtatabuyan) At Nagsisi (One shot love story)