"Uii bestie" tawag-pansin ni Jacky kay Memi na katabi nya lang sa upuan. Nagbabasa kasi ito ng libro habang wala pa ang teacher nila, which is last subject nila."Oh bakit?" - Memi
"Samahan mo nga ako?" - Jacky
"Saan naman? May lakad ka ba?" - Memi
"Ehh wala naman, pero may pupuntahan lang hehehe" - Jacky
Tinaasan naman sya ng kilay ni Memi.
"Ehhh kasi Memi... Ahmmm... diba nag aasikaso pa si Keith ng mga hinahabol nyang requirements?" - Jacky
"Oh tapos?" - Memi
"Ehhh gusto ko lang makita kung san sya pumupunta saka kung sino mga nakakasama nya" nahihiyang amin ni Jacky.
"WHAT?!"
"Uiii umupo ka nga. Saka pakihinaan naman ng volume anlakas ahh"
Napaupo naman si Melanie at hininaan ang boses.
"Hoy Jacklyn ha... Sinasabi ko sayo, kung anuman yang mga binabalak mo huwag mo nang ituloy. Masasaktan ka lang." - Memi
"Ehhh sabi mo kung san ako masaya, masaya ka na rin para sakin. Eh dito ako masaya ehh, saka alam mo namang ngayon ko lang ito naramdaman sa isang lalaki. Akala ko nung una attraction lang ang nararamdaman ko pero nang makita kung may lumapit sa kanya na dalawang babae as in malapitan. Ehh nakaramdam ako nang pagkabahala na yung tipong natatakot ako na baka magkagusto sya don sa isa sa mga babae kesa sakin" another confession of Jacky.
"Bestie, hindi man ako nakaranas na mainlove pero napansin ko na parang naiinlove ka na kay Keith. Pero payong kaibigan lang ha, being an observant, alam mo namang hilig ko yan. Na-oobserve ko kasi sa dream guy mo na yan na parang ayaw nya muna ng ganyan, yang love-love na yan. Sya yung tipong ilag na ilag sa babae na animo'y parang sakit para iwasan nya. Hindi ko rin naman sya nakikitang nag eentertain ng ibang babae bukod sya yung ineentertain pero hindi naman nya pinapansin" - Memi
"Ang suplado nga nya ehhh. Kaya kahit anong gawin mong pa-cute sa kanya, naku magiging katulad ka rin ng iba. Ayun basted, ignore, at ipagtatabuyan." Memi add.
"Hindi naman sa sinasama ko sya pero don lang tayo sa totoo bestie, bilang iyong kaibigan, concern lang naman ako sayo... Kaya huwag mo na lang i-entertain at baka masaktan ka lang kapag ipinagpilitan mo pa. Alam mo, ako ang mas masasaktan kapag nagkataon" - malungkot na pahayag ni Memi.
Nawala na ang pokus ni Memi sa pagbabasa dahil sa pag-uusap nila ni Jacky.
"Bestie, salamat sa pag-aalala at pag-uunawa. Pero hindi dapat natin agad husgahan ang isang tao dahil lamang sa nakikita ng hubad nating mga mata. Minsan, may mga tao talagang malihim at tago ang feelings sa iba para maprotektahan lamang siguro ang kanilang sarili. Hindi natin sya lubos na kilala kaya huwag natin pangunahan ang ating sarili na pagdudahan at husgahan sya ng maling akala. Kaya nga heto ang ginagawa ko, kinikilala ko sya hindi dahil lamang na may gusto ako sa kanya kundi na rin para malaman natin na may dahilan ang lahat kung bakit sya suplado. Malakas ang pakiramdam ko na mabait at masiyahin naman syang tao kasi yan ang nararamdaman ng puso kong nagmamahal hihihi" madadamdaming pagtatanggol ni Jacky.
BINABASA MO ANG
Regrets
Teen FictionUmibig (Ipinilit ang sarili) Nasaktan (dahil ipinagtatabuyan) At Nagsisi (One shot love story)