Jacky: What? Bakit bawal akong manuod?Jack: Sabi kasi yan ni Pareng Keith, hindi daw sya ma-try out kapag manunuod ka, kaya dito ka na lang muna sa labas. Pwede ka nang manuod kapag malaban na lang.
Sabi ng isa sa mga ma-try out sa kanya after siyang paghintayin sa labas ni Keith.
Jacky: Ehhh yun ba ang gusto niya? Ahmm sige, hihintayin ko na lang siya dito. Salamat
Pilit na ngiti ni Jacky nang magpaalam si Jack saka pumasok na ulit sa loob.
Napabuntong hininga na lang si Jacky saka upo sa may upuan sa labas ng court.
Nabalitaan ng dalawang kaklase ni Jacky na matry out ang papa Curdy o Keith nila kung tawagin, kaya agad-agad silang nagpaganda at pumunta nang court para mapanuod si Keith.
Jess: Uiii Shei... Is that... Jacky?
Nagtatakang tanong ni Girl 2 kay Girl 1.
Shei: OMG, sya nga... What is she doing here outside the court?
May mapang-asar na ngiting nilapitan ng dalawa si Jacky.
Shei: Well(3×) look whose here. Bakit nandito ka naman sa labas Jacklyn? Akala ko ba lagi mong kasama si Papa Curdy oh bakit ngayon nandito ka sa labas? Ahhhh siguro ayaw ka nyang makita habang naglalaro siya baka kasi mainis sya at hindi makapag pokus sa laro, diba Jess?
Jess: Oo nga. O ngayon, nasan na ang malapad mong ngiti ha?
Shei: Too bad, wala dito si Yiesha. Hindi niya lugod nakita itong nakakaawang Jacklyn na ito.
Bulong ni Shei kay Jess na tinutukoy nilang Yiesha ay yung kaibigan niya, si Girl 3.
Napatayo naman si Jacky at hinarap ang dalawa na nakangiti rin.
Jacky: Yeah, tama ka. Baka nga siya madistract sakin kaya hindi niya ako pinapasok. Kapag nagkataon kasi na mangyari yun, malulungkot siya ng sobra dahil hindi siya nakapasok para sakin, diba? Gusto niya kasi akong mapasaya kaya siya nag try out ehhh. Hehehe
Mapang-asar na hagikhik ni Jacky na ikina role eyes nung dalawa saka pumasok na lang, not minding what Jacky said.
Jacky: Edi tumigil din hahaha
Bumalik na lang ulit siya sa pagkakaupo saka matiyagang naghintay kay Keith sa labas.
Lumipas ang ilang minuto na puro sigawan lang ang naririnig ni Jacky dito sa labas kasi bawal nga siyang pumasok.
Maraming estudyante mostly girls ang nanuod ng try out. Kaya puro hiyawan at kiligan ang naririnig ni Jacky mula sa loob.
Nainggit naman siya kasi sila napapanood nilang maglaro si Keith samantalang siya ay nasa labas lang, naghihintay.
Napatayo naman siya bigla nang bumukas ang pintuan ng court at iniluwa don si Keith na kakatapos lang mag try-out.
Tatanungin niya sana kung kamusta ang try-out pero dinaanan lang siya nito kaya ang tanging nagawa na lang niya ay ang sundan ng tahimik ito.
Pasulyap-sulyap lang si Jacky kay Keith habang magkasabay silang naglalakad pero hindi pa sila nakakalayo ay may sumigaw na lalaki na ikinahinto nila.
Napatingin naman si Jacky sa sumigaw samantalang nakahinto lang si Keith pero hindi lumilingon.
Jack: Bro!!! Mamaya na daw start ng practice ta!
Nanlaki namang tiningnan niya si Keith samantalang tinaas na lang ni Keith ang kanan niyang kamay, pahiwatig na okay, saka lumakad na ulit.
Jacky: WAAAHHHH Sabi ko na nga ba ehhh makakapasok ka... Yyyeeeyyyy, for sure magigi ka na niyang varsity player namin. Yiieee
Hindi napigilan ni Jacky na yakapin ang braso ni Keith saka lumundag-lundag na binati ang binata.
Jacky: At dahil diyan, hindi na muna kita kukulitin ngayon hihihihi galingan mo mamaya ha... Babye!
Isang mahigpit na yakap ulit ang ginawa ni Jacky sa braso ni Keith saka tumakbo na papalayo.
Marami namang tumingin ng masama kay Jacky lalo na mga babae dahil sa ginawa nito kay Keith. Pero at the same time ay mga napangiti dahil ibig sabihin, pwede na nilang kuyugin ang binata.
Tiningnan na lang ni Keith ang papalayong Jacky sa kanya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano dahil wala nang mangungulit sa kanya ngayon.
Lumakad na lang siya palayo sa ibang estudyante at nilampasan at hindi pinansin ang mga babaeng tumatangkang abutan siya ng regalo o letter man lang. Kaya at the end, maraming babae ang nabasted sa binata.
Kapag si Jacky ay nasa tabi niya, pinapalayas agad ito ng dalaga pero dahil wala siya ngayon. Magtitiyaga na lang siyang ignorin ang mga ito.
Pumunta na lang siya sa lugar kung saan nangako ang dalaga na kukulitin siya hangga't hindi siya nito nakikilala.
Sa Mini Garden sa may likod ng campus nila, sa tinatambayan na nila parehas.
BINABASA MO ANG
Regrets
Teen FictionUmibig (Ipinilit ang sarili) Nasaktan (dahil ipinagtatabuyan) At Nagsisi (One shot love story)