Shot Two

6 2 0
                                    

"Hoy Jacklyn Binucboc Palma, Why are you late kanina, aber?" Sita ng matalik na kaibigan ni Jacky na si Memi.

Hindi naman napigilan ni Jacky ang kiligin at mapangiti na lang ng bigla-bigla nyang naaalala ang mga pangyayari kanina.

Late si Jacky ng 20 minutes sa pangalawang klase nya kanina, mabuti na lamang at mabait ang guro nila at pinapasok sya sa klase.

At ngayon naman ay tanghalian na, kaya nandito sya kasama ang matalik na kaibigan na si Melanie Milon "Memi" for short sa canteen para mananghalian.

Sa buong klase nya ay lumulutang sya sa ulap dahil sa kilig, kaya wala sya gaanong natutunan sa tatlo nyang klase.

"Hoy!"

"Aray.... Bakit ka naman nananapok dyan? Ansakit ahhh" himas sa batok na turan ni Jacky nang sapukin sya ni Memi dahil sa hindi pakikinig nito sa kaibigan.

"Bakit ka ba tulala dyan, at bigla-bigla na lang ngingiti na parang... kinikilig? Hoy Jacky ha, bestfriend mo ako. Umamin ka nga, may boyfriend ka na?" Gulat na tanong ni Memi nang maisip nya ang mga kinikilos ng kaibigan na para bang inlove.

NBSB naman silang dalawa, kaya nakakapagtaka na makita nya ang kaibigan na kinikilig. Wala rin naman sila naging crush , kaya malaking palaisipan kay Memi ang kinikilos ni Jacky.

"Uiii lahhh ka dyan, wala ahhh... Pero... pwede na rin siguro. Liligawan ko pa ehh hehehe--- Aray, wahhh nakakadalawa ka na ha" bulyaw ni Jacky nang makatanggap ulit sya ng sapok.

"Ikaw kasi, kababae mong tao tapos ikaw manliligaw. Ano ka, tomboy para ikaw ang manligaw" pangangaral ni Memi saka sumipsip ng juice na iniinom nya dahil sa kalokohan ng kaibigan.

"Ikaw naman Memi, masyado kang seryuso. Bawal bang magbiro? Saka, late po akong nagising kanina kasi napasarap tulog ko plus na wala pa akong masakyan kasi laging puno, minsan naman nauunahan. Okay na?" Mahabang paliwanag ni Jacky saka kinain na ang natitirang pagkain.

Hindi nya kasi makain ng maayos dahil sa pag iisip don sa lalaki.

"Sige payag..." nasabi na lang ng kaibigan saka ipinagpatuloy ang pagkain.




Patapos na sila nang...


"Waaaahhhhhh... Girl nabalitaan nyo ba?" -Girl 1 (pakikay)

"Ang alin ba?" - Girl 2 (maarte)

"Huwag ka nang pabitin" - Girl 3 (pabebe)

"May new tranferee daw, at balita ko super pogi daw nito" - Girl 1

"Ohhh talaga?? Wahhh" - Girl 3

"Naku, huwag ka ngang magpa-uto dyan. Mamaya fake news yang balita mo oh tapos ano, nganga?" - Girl 2

"Ang nega mo naman, hayaan mo na nga lang sya Girl 1. Teka nasan ba yung transferee? Tara puntahan ta para malaman natin na pogi nga sya" - Girl 3 na kinikilig pa.

Napatingin naman ang magkaibigan at tinaas balikat na lang ang pinag uusapan nung tatlo na kaeskwela lang din nila.

"Kahit kailan talaga yang tatlong yan, laging updated pag pogi ang pinag-uusapan. Pag sa klase, outdated. Tsss, ehh kung pag aaral baga inaatupag nila lalo na yung dalawa naku, magpaparty ako kapag nangyari yun. Pero As if na mangyari hahahaha" Sabi ni Memi na sinabayan pa ng tawa saka sinimulan ng ligpitin ang pinagkainan nila.

"Uii grabe ka naman Memi, hinaan mo nga yang bibig mo, mamaya marinig pa tayo nyan. Balita ko magaling sa rambulan yang tatlong yan kaya iwas-iwas din bestie ha. Tandaan mo tatlo sila, isa ka lang" tinulungan naman ni Jacky ang kaibigan na magligpit.

"Solo lang talaga ako? Hindi mo ako tutulungan?" Pout na sabi ni Memi

"Hindi, good girl ako. Iwas ako dyan" binigyan nya ng mapang asar na ngiti ang kaibigan saka tinaas-baba nya ang kilay na para bang nang-aasar.

"Haisstt ano klase kang bestie, hmmpp..." kunwaring nagtatampong sabi ni Memi.

Tinawanan na lang ni Jacky ang pagiging isip bata ng kaibigan at patuloy na lang sa paglilinis.

*****

"Good Afternoon Class"

Napatigil naman sa pagdadaldal sina Jacky at Memi na magkatabi sa upuan nang pumasok na ang kanilang guro.

"Good Afternoon din po Ma'am Rebecca" bati nilang lahat.

"It's been one and a half month when the class started and since nasimula pa lang, you have a new classmate. Ngayon lang sya nakapasok na hapon kasi marami syang inasikaso kaninang umaga, so Hijo. Please come in and introduce yourself to us"

Pumasok naman ang tinutukoy ni Ma'am Rebecca na ikinatili at ikina-ingay ng klase especially ng mga babae.

Natigalgal at natulala naman si Jacky sa inuupuan nya.

Samantalang seryuso pa ring nakapamulsahan ang dalawang kamay ng lalaking bago nilang kaeskwela.


"I'm Keith Curdy"

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon