Shot Seven

2 2 0
                                    


Sa canteen, kumakain na ang magkaibigan at pagkatapos naman nilang kumain ay dumeritso na sila sa kanilang silid  upang ipahinga ang sarili sa natitira nilang oras bago mag ring ang bell.

"Do you really think na papasok na sya ngayon bestie?" - Jacky

"Yeah, I am pretty.... Sure na papasok na yun 😊" - Memi

At patuloy na silang naglakad papunta sa silid nila.

Nag-kwekwentuhan ang dalawa habang naglalakad, malapit na sila sa pintuan ay biglang napatigil ang kwentuhan nila nang makita ni Jacky ang kanina pa niyang hinahanap, na nagbabasa sa kanyang upuan.

"Diba, sabi ko sayo." - siko ni Memi sa kaibigan saka nag sign na puntahan na niya ito habang wala pa yung kaklase nila.

Napangiti naman sya dahil sa suportang ipinapakita ng kaibigan saka nag thank you, at pinuntahan na nga ang seryusong Keith.


Since sa bawat table ay may dalawang chairs kaya don sya sa tabi nito umupo at tinitigan nya ang binata.

"Hilig mo talagang magbasa nohhh... Ako rin mahilig magbasa lalo na kapag love story" - Jacky

No response

"Pero maganda rin naman ang educational books kasi nakakapadagdag ng kaalaman ito satin, hehehehe. Kaya pala tumatalino ka ehhh. Penge nga ng kahit konting talino *whisper* pati na rin kahit konting pagmamahal penge na rin" dreamy nyang sabi.

Napatigil naman sa pagbabasa si Keith at tumayo.

Napatayo naman din si Jacky samantalang nag-oobserba lang si Memi sa mga kinikilos ni Jacky.

Walang umano'y lumakad palayo si Keith sa kinauupuan at nilakad ang patungong pintuan.

"Uii (3×) teka lang, san ka pupunta? Ma-time na rin ahh" habol na tanong ni Jacky saka pinuntahan si Keith.

Tiningnan naman sya ni Keith ng seryuso

"You don't care" saka lumabas ng classroom nila, leaving Jacky gawk.

"I told you, mababasted ka rin." Approach ni Memi sa natulalang kaibigan sa inalalayan itong makaupo sa upuan nila.

Nang matauhan naman si Jacky ay ngumiti sya.

"Okay lang Memi, at least nararamdaman ko naman na napapansin na niya ako hehehe" - Jacky

Ikinatampal naman ito ng noo ni Memi.

' Kahit kelan talaga ohh lakas ng fighting spirit' iiling-iling na bulong sa isip ni Memi saka tiningnan na lang ang kaibigan na para nangangarap ng dilat.

*****

Uwian na, at agad naman nagpaalam si Jacky kay Memi at nagmamadaling mahabol muli ang papalayo na si Keith.

"Whoo... Grabe naman, ang bilis mong maglakad. Palibhasa mahaba ang legs mo samantalang ako hindi nabiyayaan ng mahahabang legs... Sakto lang hehehe" sinabayan na mana ulit nya itong maglakad papuntang waiting shed.

Nakapamulsa namang naglakad lang ng deritso si Keith at as usual walang nakuhang tugon o tingin man lang si Jacky kay Keith.

' Kung hindi lang kita gusto Keith naku naku, edi hindi. Basta makasama lang kita okay na ako, solve na araw ko.' - sa isip ni Jacky.

'Doesn't she feel that I don't want her company?" Sa isip naman ni Keith.

Jacky: Ano naman masasabi mo Keith dito sa school namin?

Keith: Tidy school, but Importunate students.

Nagulat naman si Jacky dahil ngayon lang nya narinig na magsalita ito ng mahaba, na ikinangiti nya.


Jacky: Ang harsh naman sa Importunate, hindi naman kami ganyan. Yung iba nga lang!

Hindi na ito ulit pinansin ni Keith at sila ay nakarating na sa waiting shed. May paparating na bus naman kaya pinara naman ito ni Jacky saka hiwakan si Keith sa braso para maunahan nila ang papasakay pang pasahero.

At para na rin masiguro ni Jacky na siya lamang ang makakatabi ni Keith sa upuan.

Nakaupo na sila at habang nasa byahe, pinagang daldalan at kwentuhan ni Jacky si Keith ng kung ano-ano para lamang may masabi at hindi mapanisan ng laway si Jacky.

Hinayaan na lang ni Keith magparadaldal si Jacky, para kahit papano ay walang nakakalapit sa kanya na ibang babae. Na kanina pa nyang nakikita na andaming babaeng nakatingin sa kanya.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon