Umiiyak na tinatahak ni Jacky ang daan pauwi sa kanila, papatawid na sana siya sa kabilang kalsada nang dahil sa kanyang mga luha nanlalabo ang kanyang paningin at hindi na pansin ang humahagibis na sasakyan na babangga na sa kanya.
*Bbbbeeeeppppp* -----
Sinubukan namang i-preno ng driver ang sasakyan pero too late, nabangga na niya ang dalaga. Sa lakas ng impact nawalan na ng malay-tao si Jacky habang duguang nakahandusay sa kalsada.
Maraming taong ang nagkompulan sa halos wala ng buhay na katawan ng dalaga at bumaba naman ang driver at dali-daling binuhat ang dalaga papuntang hospital.
*****
Humahangos namang tinungo ng mag-asawa ang kinaroroonan ng anak sa hospital.
Tumawag kasi sa kanila ang driver na nakabangga nang may mahanap na ID sa bag ng dalaga.
Naghintay naman silang tatlo sa labas ng ICU.
Mrs. Palma: *sinalubong ang doctor na lumabas sa ICU* Doc, Doc... *sniff* kamusta ho ang anak ko??
Doc: I am sorry misis, but your daughter is in critical condition. We can't promise she'll live but we'll do our best. Excuse me
Napahagulhol na lang ang ina ni Jacky na inalalayan ng kanyang ama.
Magdamag na umiyak at naghintay ang mag-asawa, pati na rin ang driver na nakabangga kay Jacky.
Nangako naman ang driver na sasagutin ang lahat ng gastos sa hospital ng dalaga. Humingi na rin ng patawad ang driver sa mag-asawa na ikinatango na lang nila. Wala namang patutunguhan kung aawayin pa nila, kahit awayin naman nila ay hindi nito ikagagaling ng anak.
Nawalan ng lakas ang mag-asawa sa nangyari sa kanilang anak, lalo na nang sabihin na critical at wala ng chance na muling mabuhay. Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa, kilala nila ang anak nila. Ito ay palaban, lalaban ito.
*****
*Sa bahay ng tita at tito ni Keith*
Umuwi namang tulala si Keith dahil sa ginawa kanina ng dalaga.
Hindi niya mawari pero napangiti siya at hinawaka ang mapulang labi, pero bigla ring nalungkot dahil sa sinabi ng dalaga sa kanya.
Jacky: Mahal na mahal na mahal kita. Alam kong ramdam mo ang nais nitong puso ko pero pasensya na, hindi ko pinansin ang nais naman ng puso mo which is ang tigilan ka na. Anuman ang mangyari, tandaan mo ikaw lang at ikaw lamang ang mamahalin nitong puso ko. Kaya ngayon, ang gusto naman ng puso mo ang susundin ko at hindi na ang nais ng puso ko. I'm sorry for the three months of wrecking your life. *Nagsisimula na siyang umiyak* Masakit man pero kakayanin ko, yung three months of pain ng pagbabalewala nga ay nakayanan ko ito pa kaya *fake laugh*. *Sniff* Hayaan mo, this will be the last. Huwag mo sanang isipin na hindi na kita mahal, na pagod na akong mahalin ka. Ginagawa ko ito dahil ayaw na kitang masakal pa, kasi nga mahal na mahal kita. *Pinahid nya ang mga luha*
Keith's mind: What does she mean by that? And why am I even bothered by her words?
Napailing na lang siya sa kanyang iniisip at pumasok sa loob.
Keith: Tita, I'm home!
He called. Pero naabutan niya ang tita niya na nagmamadali at nakabihis ito.
Keith: What's wrong tita?
Kieth's Auntie: Your uncle... He's in the hospital.
BINABASA MO ANG
Regrets
Teen FictionUmibig (Ipinilit ang sarili) Nasaktan (dahil ipinagtatabuyan) At Nagsisi (One shot love story)