"Ahemm" kunwaring ubo ni Jacky ng makalapit sa may likuran ni Keith.
Hindi naman ito pinansin ng binata at deritso lang ang tingin na naghihintay.
'Ang hard to get ni kuya. Pero sorry ka, ikaw ang nakapukaw ng atensyon nitong puso kong matagal nang natutulog. Kaya sa ayaw o sa gusto mo, kukulitin ka nitong pusong nagising.' sa isip na turan ni Jacky.
Dahil nakatalikod si Keith sa kanya ay lumundag sya sa may harapan nito at success, napatingin rin sa wakas sa kanya ang binata.
"Ayan, titingin ka rin naman ehhh. Pero alam mo, mas lalo kang gwagwapo kung ngingiti ka." Nakangiting sabi ni Jacky saka tumingkayad para maabot ang mapulang labi ni Keith saka ipinilit na ipangiti ito.
Tinabig naman ni Keith ang kamay ni Jacky.
"Leave me alone!" Walang kagatol-gatol na sabi ni Keith saka lumakad palayo kay Jacky.
Dahil pinanindigan ni Jacky na si Keith ang gumising sa puso nya ay sinundan naman nya ito, ang ending magkasabay silang naglalakad.
"Ehhh bakit ba lagi ka na lang seryuso dyan? Hindi mo ba alam na nakakamatay ang pagiging serious at hindi man lang ngumingiti? Sabi ng Nanang ko, smile is one way to be healthy. Syempre kapag lagi kang masaya, kahit na maraming problema ay magiging healthy pa rin kasi kahit papano, marunong ka pa rin namang ngumiti." Magkasabay lang silang naglalakad.
Wala namang nakuhang tugon si Jacky kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Saka alam mo ba, nakakamatay ang pagiging tahimik. Kasi kapag hindi ka nagparasalita, hindi mo mailalabas ang bad breath na kumukubli sa bibig mo tapos once na magsalita ka naku, ayun naamoy ang sariling baho patay. Eecckkk" may pa kunwari pang sound effect na natitig-akan si Jacky para mas lalong umepekto ang imbento nyang kwento para mapasalita si Keith.
Pero wa epek pa rin at still no response nor seen man lang na galing sa kanya.
'Hindi napapagod ang pusong nagmamahal' paniniwala nya sa buhay noon pa man.
"*Sigh* Alam mo, wala naman masamang manahimik at maging seryuso pero hindi ba't napaka unfair naman sa part mo kung makikita mo yung iba masaya, nagtatawanan tapos ikaw ayan, tahimik at seryuso. Hindi ko naman sinasabi na kailangan mong gayahin sila, kasi kung hindi ka naman talaga masaya edi hindi. Kasi sa totoo lang mahirap talagang magpanggap." Wala nang halong trying hard sa boses ni Jacky kundi seryuso na rin at nakatingin lang sya sa daan na dinadaanan nila.
Kaya hindi nakita ni Jacky na nakatingin na sa kanya ng seryuso si Keith.
Napabuntong hininga si Jacky at nagpatuloy sa pagsalita.
"Hindi kailangang pilitin ang sarili na makibagay para sa iba para masabing belong ka kasi hindi naman sila ang magcocontrol satin, kundi ang sarili natin. Tayo ang mas nakakaalam kung saan tayo masaya at komportable, pero minsan sarili na natin mismo ang kalaban natin. Minsan hindi natin maintindihan ang sarili natin, at minsan pa nga hindi tayo nagmamalay na mismo ang isip natin ang gumagawa ng nais nila at binabalewala ang nararamdaman natin." Malungkot na pahayag ni Jacky ng kanyang saloobin.
Tahimik lang na nakikinig si Keith sa sinasabi ni Jacky na minsan ay tinitingnan nya ang dalaga.
"Pero alam mo..." napatingin bigla si Jacky kay Keith na agad umiwas para hindi mahuling tinitingnan sya at baka kulitin sya ulit ng dalaga.
"Narealize ko ngayon na, once na bigyan pansin ang ating nararamdaman which is ang puso, hindi natin namamalayan o napapansin ang mga iniisip natin, na minsan ay negative lang. Ngayon ko lang mapapatunayan na, kapag ginamit mo ang puso, ang kabutihan ng puso ang mananaig." Nakangiting tingin ni Jacky kay Keith na sa peripheral vision naman ni Keith ay nakita nya ang ngiti ng dalaga, which made his heart smile a bit.
"Hayyyy napagod ako kakadaldal kahit hindi ka nagsasalita. Hahaha at least naenjoy ko ang company mo even though na alam kong napilitan ka lang na pakisamahan ako. Hehehe Maraming salamat pa rin." Tumigil sa paglalakad si Jacky kaya napatigil rin si Keith.
Tumingin saglit si Jacky kay Keith saka humanap ng masasakyan kasi sa totoo lang nahihiya syang sumabi na napapagod na syang maglakad, kahit naman alam nyang walang pakialam sa kanya si Keith.
"Ayun ohh may paparating na bus, parahin ko na para makauwi na tayo. Gumagabi na rin, saka baka mamiss mo ako kapag tumagal pa akong magdaldal sayo, sige ikaw rin baka hanap-hanapin mo ako nyan hahahaha"
*No response*
Expected na mana nyang hindi sya sasagutin kaya pinara na nya yung bus. Dahil sa ginawa nya hindi nya nakita na ngumiti saglit si Keith sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Regrets
Teen FictionUmibig (Ipinilit ang sarili) Nasaktan (dahil ipinagtatabuyan) At Nagsisi (One shot love story)