Shot Five

4 2 0
                                    

Isang maganda at kagalak-galak na umaga ang nararamdaman ni Jacky sa araw na ito.

"Magandang Umaga sa pinakamamahal kong mga magulang, Nang, Pang." Nakangiting pagbati ni Jacky sa magulang na naghahanda ng almusalan pagkalabas niya sa kwarto.


Labis naman na ikinabigla ng kaniyang magulang ang ikinikilos ni Jacky ngayon kaya nagkatinginan ang mag-asawa sa isa't-isa na takang-taka.

"Waahhh paborito ko ang nakahain ngayon sa lamesa ahhh... Naku Nang, malamang gaganahan at gagalingan ko pa lalo nyan sa school kung Adobong Manok lagi ang aking ulam."

Umupo na sya sa hapag-kainan at inamoy-amoy ang aroma ng kanilang ulam.

"Ako'y nak nagtataka sa ikinikilos mo ngayon ahhh. Anong meron, at tila ba parang maganda ang gising mo nak?" Nagtatakang tanong ng ina na tinanguhan naman ng ama at umupo na para kumain.

"Aysuss naman ang Nanang at Papang ko ohhh, araw-araw naman po maganda ang gising ko, at dahil po yun sa inyo. Kayo lang naman po kasi ang pinaka-unang dahilan ehhh dahil may mapagmahal at sobrang maalagain akong mga magulang na bumubungad sakin pagkagising ko sa umaga, at sobra ko po itong ipinapasalamat sa ating panginoon. Sobrang saya ko po at walang humpas na ligaya ang aking naramdaman nang kayo ang nagi kong mga magulang. At syempre po pangalawa na ang bestie ko sa bumubuo sa araw ko." Todo ngiti pa rin nyang tugon saka kuha ng plato, baso, kutsara't tinidor para sa kanilang tatlo.


Nakangiting nagkatinginan na lang ang mag-asawa at nagkibit balikat para sabihin sa isa't-isa na hindi nila parehas alam kung anong nangyari sa dalaga at naging ganun kalambing.

Pero kahit ganun ay masaya sila dahil napalaki nila ng tama, may desiplina, may respeto at pagmamahal ang anak sa pamilya, sa kapwa at lalo na sa panginoon.


Pagkatapos ng prayer na pinangunahan ni Jacky ay kumain na sila at masayang nagkwentuhan sa munting hapag-kainan.

Dahil maaga naman nagising si Jacky ay nagkaroon siya ng time para makasama at makakwentuhan ang magulang ng matagal.


"Sige po Nang, Pang alis na po ako. Paalam na po, love na love ko po kayong dalawa. *muah*"

After niyang kumiss sa pisngi ng magulang ay masaya na itong nagpaalam na ginantihan naman ng kaniyang mga magulang ng ngiti at pagkaway.





Alam niya sa sarili kung bakit siya masaya, at nagawang maglambing sa mga magulang. Narealize kasi niya na mas unahin munang lambingin ang magulang kesa sa iba, dahil sila naman ang unang nagmahal at tumanggap sayo bilang ikaw.




Anyway...



Excited siyang pumunta sa waiting shed kung saan niya unang nakita ang Mr. Dream guy nya. Nagbabakasakali baka makita at makasabay ulit si Keith papunta sa kanilang paaralan, specially sa kanilang room.




Sa malayo pa lang kung nasan ang waiting shed ay napangiti na sya ng malapad dahil kitang-kita nya na nandon ulit si Keith, nagbabasa ng libro habang naghihintay nang masasakyan.

Kaya dali-dali nyang tinakbo ang natitira pang distansya papunta sa inuupuan ni Keith.




Sa kinauupuan naman ni Keith ay may dalawang dilag na pasimpleng kinukuhaan sya ng stolen shots at sobrang kinikilig naman ang dalawa sa kanya.

Nang hindi makontento sa stolen shots ay nagbabalak itong lapitan at hingan ng number ang binata na nakaupo lang at seryusong nagbabasa.


"Kuya, kuya pwedeng pahingi ng number? Nagsusurvey lang po kasi kami para sa research namin kung ilan ba ang gumagamit ng globe, tnt, smart, TM na number. Syempre kailangan po sa research namin na hingin ang number para mapatunayan na tama pong number ng sim nyo ang ibinigay nyo samin. Hihihihi" mahabang palusot ng babaeng wavy at kulot ang buhok (na hanggang bewang ang haba) para lamang makuha ang cp number ni Keith saka inihanda ang cellphone.


*No response

"Sige na kuya ohhh number lang po saka picture na rin po for documentation hihihi" pagpipilit ng isa pang babae na ebony style ang buhok, saka pumunta sa harapan ni Keith ang dalawang dilag.



Nakita naman ito ni Jacky kaya mas lalo pa nyang binilisan ang pagtakbo.


"Hoy(3×) kayong dalawa. Anong ginagawa nyo at pinapalibutan nyo boyfriend ko." Sita ni Jacky sa dalawa nang makalapit kay Keith. Tumingin naman ang dalawa sa kanya na nagtataka.

"Boyfriend? Boyfriend mo sya?" Hindi makapaniwalang tanong ng babaeng wavy ang buhok.

"Sigurado ka Te sa sinasabi mo? Baka mamaya nyan, yaya ka lang nya ha. Grabe naman ate ang pagka ilusyonada mo nyan?" Sawsaw nung babaeng ebony ang buhok.

Nakapamewang naman na dinuro-duro ni Jacky ang dalawa kaya napaatras sila.

"Hoy!!! Kayong dalawa, ingat sa pananalita nyo. Para sabihin ko sa inyo, hindi ako yaya ng gwapong nilalang na pinapacutan nyo. Pangalawa, hindi ako ilusyonada na boyfriend ko yang kinukulit nyo. At pang huli, mas nakakatanda ako sa inyo kaya respeto lang, hindi man sakin kundi sa sarili nyo. Kebata-bata nyo pa, yan ang inaatupag nyo. Pag-aaral na lang kaya ang atupagin nyo, ikauunlad at ikararangal pa kayo ng mga magulang nyo. Hala, pumasok na kayo." Parang nanay na pangangaral ni Jacky sa dalawang highschool student.

Ikinainis naman yun ng dalawa kaya padabog na umalis ito.

"Naku(3×) hindi uubra sakin style ng mga yun. Siguro naatract kaya keaga aga imbes na nasa school na, eh nandito pa. Haisstt... Palibhasa nakakita ng gwapo ayy..."

Sinusundan naman nya ng tingin yung dalawang babae kaya hindi nya namalayan na tumayo na si Keith at pinara ang bus na paparating.


"Hey Keith bakit ba hinayaan mo na lang sila na-- Hoy hintay!!!"

Pagkalingon kasi nya ay saktong nakasakay na si Keith kaya heto, nagmadali syang sinundan ito sa loob.

"Bakit naman kasi hinayaan mo yung dalawa na manatili don. Dapat pinagsabihan mo na sila na pumasok na at baka malate." Tanong ni Jacky kay Keith nang makaupo sila.

As usual, hindi hahayaan ni Jacky na may umupong iba sa tabi ni Keith, andami pa namang nagtatangka pero hindi sila nagtatagumpay.



"I don't care" maikling tugon ni Keith saka balik ulit sa pagbabasa.

"Hayyy naku naman Keith, kung hindi pa ako dumating eh malamang nalate na yung dalawang bata na yun" - Jacky

"Shut up!" Sita ni Keith.

Napa-pout na lang si Jacky saka nanahimik at tumingin na lang sa labas ng bintana...

Minimimick nya ang sinabi ni Keith, na ikinalingon naman ng binata sa kanya nang mapansin na parang magislaw ito.

Napagtanto naman ni Keith na ginagaya lang sya ni Jacky with matching gestures pa na inembento. Kaya napa-iling sya sa ginagawa ng dalaga at napangiti ng bahagya saka balik sa pagbabasa.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon