Shot Eight

3 2 0
                                    


Halos tatlong buwan na ang nakalilipas and still Jacky's fighting spirit is strong kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya gumi-give up kay Keith kahit ilang beses na siyang sinupladuhan, binasted, iniwan at kung ano-ano pang pagpapahiya ay hindi sya nagpatinag at tuloy-tuloy pa rin siya sa kaniyang pangungulit dito.

Jacky: Ehhhh sige na Dy turuan mo na ako huhuhu

Keith: No, and stop calling me Dy.

Nakuha ni Jacky ang palayaw nya kay Keith sa apelyido nitong Curdy

Jacky: Yahhh by partners naman baga ito, gusto ko rin naman may maitulong sayo... Sige na Dy

Actually naman may maitutulong naman sya, sadya lang talaga na gusto niyang turuan sya ni Keith.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Keith na ikina-pout nya... Kaya hinayaan na lang nya ang binata.

Sa tatlong buwan na kasama nya si Keith, yan na lang madalas ang ginagawa nilang dalawa.


And for 3 months past ay may improvement sa pagsasalita ni Keith, medyo humahaba na 😂😂

Teacher: Okay class dismiss.

Nagtayuan na ang lahat, at as usual hinihintay ng mga babae na makalabas muna si Keith pero nadismaya sila nang makasabay nito si Jacky na sobrang lapad ng ngiti dahil siya lamang ang may lakas loob na makisabay sa suplado pero gwapo nilang kaklase.


Girl 1: Tsss kahit kelan talaga yang si Jacky, papansin. Kala mo kung sinong maganda para makisabay sa Papa Curdy ko. Hmmpp

Girl 2: Kaya nga. Kala nya balang araw, babastedin din sya ni Papa Keith at pag nangyari yun, tatawanan ko sya ng bonggang-bongga.


Bulungan ng dalawang babae nang makalabas ng room sina Keith at Jacky pero nasa loob pa si Memi kaya narinig nya ito. Bali silang tatlo na lang ang natira kasi yung dalawa nagpapaganda pa, samantalang si Memi ay nag-aayos pa nang gamit nya.

Memi: Hoy(3×) kayong dalawa, wala na ba kayong mapag tsismisan at kaibigan ko ngayon pinag pipyestahan ng mga bunganga niyo. FYI nag effort ang kaibigan ko para pansinin siya, ehh kayong dalawa wala na kayong ibang ginawa kundi magpaganda pero ano, nganga diba? Puro kasi salita kulang sa gawa... Mga tsismosang to... Umalis na nga kayong dalawa at baka di ko kayo matantya.

Nag role eyes na lang ang dalawa saka padabog na umalis.


Memi: Mga etchusirang yun... Haisstt

Inis na lang niyang sabi sabay alis na ng classroom nila.



*****

Jacky: Wahhhhhh

Napatigil naman si Keith nang bigla-biglang sumigaw ang kasama niyang makulit na babae tapos patakbong tinungo ang bulletin board ng kanilang school.

Hindi niya alam kung bakit kusa na lang ang mga paa niyang sumunod dito.

Marami kasing mga babae ang nakaabang sa kanya, ehhh pag kasama niya si Jacky lagi itong tinataboy kaya siguro sinundan niya ang dalaga kasi ayaw niyang lapitan siya ng ibang babae. Siguro yun nga ang dahilan.


Jacky: Tingan mo Dy ohhh... May try-out sila sa Basketball. Oo nga pala malapit na pala Intrams ta. Dy sali ka, perfect ang pangangatawan at build ng katawan mo sa basketball, for sure magiging varsity ka agad nyan tapos ang year ta ang mananalo yeyyy!!!

Masayang pilit ni Jacky kay Keith. Gusto kasi niyang makita kung gaano ito kagaling sa basketball.


Keith: I don't want to.


Saka nakapamulsang umalis.

Malungkot naman na sinundan na lang ni Jacky si Keith.

Napansin naman ni Keith na hindi gaanong nag-iingay yung kasama niya kaya tiningnan niya ito at nakita nga niyang malungkot na tulala ang dalaga.

Hindi niya alam, pero ayaw niyang nakikita ang dalaga na tahimik. Kasi hindi siya sanay.

Ngayon lang pati niya nakita na malungkot ang dalaga, not like before marami syang ginawang paraan para palungkutin at lubayan siya ng dalaga pero hindi naman nagpatinag. Pero ngayon, ayaw lang niyang sumali ng basketball ay nalungkot na sya kung kelan nasanay na siyang maingay at masiyahin ang dalaga.

Keith: Tsk... When and where is the try-out?

Napaangat naman ng tingin si Jacky sa narinig mula kay Keith pero still nasa unahan pa rin ang tingin ng binata.

Jacky: Ma-mag tatry-out k-ka na?

Hindi makapaniwalang tanong ni Jacky na ikinatango na lang ni Keith...

Jacky: Waahhhh halika na, ngayon na ang try out saka sa basketball court....

Hinatak mana niya ang braso ni Keith saka pinipilit na patakbuhin papuntang court.

Saglit na ngumiting napa-iling naman si Keith saka nagpahatak na lang. Siguro mas gugustuhin niya na lang na maingay ang dalaga kesa tahimik na para bang wala siyang kasama.

Sa totoo lang, sa tatlong buwan nilang laging magkasama never pang nakikita ni Jacky na ngumiti si Keith dahil nangiti ito kapag hindi nakatingin ang dalaga o kaya naman ay patago.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon