Shot Twelve

14 1 0
                                    

Humahangos namang tinahak ni Memi ang room kung san naka-confine si Jacky.

Memi: T-tita, a-ano pong nangya-yari ka-kay Jacky?

Naiiyak na tanong ni Memi sa ina ni Jacky ng makapasok ito sa kwarto. Saka hinawakan ang walang kabuhay-buhay na kamay ng kaibigan... Ang life support na lang ang bumubuhay sa dalaga.

Ina ni Jacky: Na-nabangga siya hija... A-at ngayon, 50/50 siya. *Iyak*. Hi-hindi ko a-alam ang gagawin k-ko k-kapag nawala si-siya s-samin hija.

Mas lalong umiyak ang ina ni jacky sa huling sinabi.

Yumakap naman si Memi sa ina ng kaibigan at parehas silang umiyak ng umiyak.

******

Ina ni Jacky: Hindi ka ba papasok ngayon hija?

Tumahan mana ang dalawa at ngayon ay nakatitig na lang sa walang malay na si Jacky

Umiling naman si Memi na hawak-hawak pa rin ang kamay ni Jacky.

Memi: H-hindi ko po iiwan si Jacky! Dito lang po ako sa tabi niya.

Ina ni Jacky: Pero paano ang pag-aaral mo hija? Kailangan mo pa ring pumasok.

Memi: Alam ko po tita, pero gusto ko pong nandito lang muna ako for now. H-hindi ko po kayang pumasok ngayon na alam kong nakahimlay ang kaibigan ko dito sa hospital at nag-aagaw buhay. Na-natakot po ako na *sniff* hi-hindi ko na siya ma-maabutan.

Nagsisimula na namang tumulo ang kanyang luha, kaya niyakap siya ni Mrs. Palma.

Ina ni Jacky: Shhh hija... Ta-tahan na, kilala mo naman yang si Jacky. Pa-palaban yan, lalaban siya, magi-gising pa siya hija. Ipagdasal na lang natin sa diyos na magising na siya.

Tumango na lang si Memi at taimtim na nanalangin sa isip.

*****

*1 week later*

Monday, afternoon.

Isang linggo...




Isang linggo.... na lagi na lang magulo.




Isang linggo..... na lagi na lang nagtitiis




Isang linggo nang hindi matahimik ang buhay ni Keith.

At isang linggo na rin siyang nag-aalala para kay Jacklyn. Isang linggo na kasi niyang hindi nakikitang pumapasok si Jacky. Mas lalo siyang nag-alala nang isang linggo na ring hindi pumapasok ang kaibigan nito.

Bawat araw na wala si Jacky ay tiniis niya ang magugulong babae na lagi na lang lapit ng lapit sa kanya, salamat na lang sa tatlong tinuring na niyang kaibigan ay kahit papano hindi siya gaanong nahihirapang ipagtabuyan ang mga babae.

Pero bawat araw na hindi niya kasama si Jacky ay nawalan siya ng gana sa mga bagay-bagay. Dahil ang maingay at kakulitan na lang nito ang kanyang hinahanap-hanap.

Oo noon. Noong hindi pa niya nakikilala si Jacklyn ay sanay na siya sa tahimik na kapaligiran, ayaw niya sa maingay at higit sa lahat ayaw niya sa makulit.

Pero binaligtad ito nung dumating at sinimulang ibahin ang pananaw niya ni Jacky.

Mas gusto na niya ngayong may nangungulit sa kanya at nagdadaldal, kasi narealize niya na mas masaya at makulay ang buhay kapag kasama mo ang taong andyan lagi para sayo at hindi ka iniiwan kahit anong mangyari.

Pero bakit ngayon lang niya narealize at pinansin..






















Na unti-unti na niyang nagugustuhan si Jacklyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon