Nash's POV
Si Sharlene na talaga yung pinakacold na taong nakilala ko. Ang hirap namang makipagfriends dun sa babaeng yun. Di ko nga alam kung babae yun eh. Wala man lang kaarte arte sa katawan. Haaaayy nakoooo. Nakakastress yung babaeng yun. Teka! Matext ko nga si Alexa. Alam niyo na. Getting to know each other.
Fr. Nash
Hello Alexa :D
-Sent-
Ayan na nasent ko na. Hintayin ko na lang yung reply.
After 1 hour
Juskoooo. Isang oras na akong naghihintay ah. Ang tagal namang magreply. Makatulog na nga lang.
Ay! Teka nagvavibrate phone ko. Matignan nga kung sino.
Alexa calling....
Uyyyyy si Alexa tumatawag.
Nash: Hello Alexa! Napatawag ka?
Alexa: Nash...
Nash: Uy! Alexa! Umiiyak ka ba? Uy?
Alexa: Nash.. Puwede ka bang pumunta sa Park malapit sa school?
Nash: Ah sige sige! Hintayin mo ako diyan!
Ano kayang nangyari dun kay Alexa. Bakit ako kinakabahan? Tae naman oh!
Alexa's POV
At dahil ayokong maging kaibigan ni Sharlene si Nash, siyempre gagawa ako ng eksena. Gagawin ko lahat para lang hindi sila maging close! Nakita ko sila after ng class. Friends na sila ah? Well for an hour lang. Hahahaha.
Ayun na pala si Sharleng. Time for drama.
Alexa: "Hoy Sharleng!"
Sharlene: "Oh?"
Alexa: Aba. "Sumasagot ka na sa amo mo."
Sharlene: "Ayokong maging bastos. Pero puwede ba itigil na natin to".
Alexa: "Alam mo Sharlene, masyado kang attention seeker. Lahat na lang ng tao gusto mong maging kaclose. Ganun ka na ba talaga kadesperate? Kasi wala ka nang magulang tapos mag-isa ka na lang. Kawawa ka naman Sharlene."
Nakikita kong galit na siya. Hahaha. Nagwowork ang aking evil plans :D
Sharlene: "Huwag mong idamay magulang ko. "
Alexa: "Ayan lang ba maisasagot mo Sharlene? Ibig sabihin lahat ng sinabi ko totoo."
Sharlene: "Ayoko ng gulo. Sige una na ako".
Aba. Walang hiya itong babaeng ito ah. Kinakausap ko tapos tatalikuran ako.
Alexa: "Alam mo, tatahimik tahimik ka lang pero nasa loob yung landi mo."
Ayan humarap na siya.
Alexa: "Hahaha. FC much ka pa kay Nash. Crush mo no? Grabe. First day na fist day ng school lalaki agad ang hinahanap. Palibhasa kasi mana ka sa nanay mong malandi!"
Sharlene: "Sumusobra ka na!"
PAK!
