Hellllooooooo! Ang tagal ko ding hindi nag-update! Pasensyaaaaa. Nagsimula na kasi semester namin eh.
Belated Happy NashLene Day nga pala!!! Keep loving NashLene!!!! <3 <3 <3
Jairus' POV
Napansin kong parang hindi mapakali si Shey. Tingin siya nang tingin sa paligid at parang may hinahantay na ewan. Makausap nga tong mokong na ito.
Jairus: "Shey okay ka lang?"
Shey: "Ah eh oo naman! Ang saya saya ko nga kasi gagala tayo eh! :)"
Jairus: "Para kasing hindi ka mapakali eh. Kanina ka pa tingin nang tingin sa paligid."
Shey: "Siyempre mall ito no! Malamang iikot talaga yung mata ko baka may something akong magustuhan."
Jairus: "Ayyyy may point ka diyan."
Shey: "Hahaha, Loko ka talaga."
Mika: "Baaaaabeeee! Halika dito bilissss may ipapakita ako sayooo :)"
Sabay hila naman sa akin ni Mika. Ang kulit talaga ng girlfriend ko. Di tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kay Shey.
Alexa's POV
Sophia: "So guys eto ang schedule ngayon. Ang--"
Kobe: "Kailangan talaga may schedule?!"
Sophia: "Oo kailangan para organize!"
Kobe: "Sus gawa gawa ka naman eh!"
Sophia: "Wag ka ngang epal Kobe!"
At ayan na naman sila nag-aaway. Hay. Mapupunta ata lahat ng oras namin sa kakaaway nila eh -____-
Nash: "Teka nga! Magtatagal tayo nito eh! Nag-aaway na naman kayo."
Sophia: "Eh eto kasing si Kobe eh epal!"
Kobe: "Ah ako pa ah! Eh ika--"
Alexa: "Heeeep tama na ang away! Sige na Sophy! Ipagpatuloy mo na ang sasabihin mo."
Sophia: "Okay so ayun na nga. Ang unang gagawin natin eh kumain. Tapos mag-aarcade, tapos karaoke tapos huling huli sineee!"
Jairus: "Mukhang magandang plano ah!
Mika: "Oo nga! Sophy! I like it!"
Nash: "So ano nang hinihintay natin? Tara na sugod sa McDo!"
At ayun na nga sumugod na kami sa McDo. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Nash ang mga kamay ko. Kinikilig tuloy ako.
Nash: "Okay ka lang?"
Alexa: "Oo naman!"
Nash: "Eh bakit ka namumula?"
Alexa: "Ah eh bigla bigla ka kasing nanghahawak ng kamay eh!"
Nash: "Hahaha ayaw mo nun? Surprise :)"
