chapter 3

934 35 0
                                    

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Hinalikan din ni Julia si Trisha sa pisngi. Nainis naman ako sa nakikita ko.

"Tama na yan!" Agad kong hinila si Julia palayo sa bata. "Niloloko ka lang ng batang yan!"

"Ang cute kaya. Crush mo ako?" Mukhang ang saya-saya niya, ah. Nandito naman ako! Di ba siya nandidiri? Babae ang may crush sa kanya.

"Oo naman! Sinong di magkakagusto sa isang babaeng maganda, matalino at mabait?" Tumawa naman si Julia. Nagustuhan niya ang sinabi ng batang yun?

"Kaano-ano ka ba ni Dom?"

"Ako ang-" agad kong tinakpan ang bibig ni Trisha.

"Pinsan ko siya!" Tinaasan naman ako ng kilay ni Julia.

Kung pwede lang. Wala dapat makaalam na fiance ko ang batang ito. Paano nalang ang image ko? Masisira ang image ko! Sasabihin nilang pedophile ako. Lalayuan ako ng lahat, at lalong lalo na si Julia. Magagalit si Julia sa akin, iligtas niya si Trisha mula sa pagkakatali sa akin, mahuhulog siya kay Trisha at magpapakasal sila.

HINDIIIII!!

"Dom!" Gulat akong napatingin kay Julia. "Ba't ka sumisigaw? May problema ba?" Sumigaw pala ako?

"Pabayaan mo siya, hindi lang yan nakainom ng gamot niya." Singit ni Trisha. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "See?"

"Dom, huwag mo namang takotin ang bata." Bata daw? Mas matured pa nga yan mag isip, eh. Di ko sila pinansin at dumiretso ako sa kotse. Hinintay ko pa sila. Nagtatawanan sila habang papalapit sa kotse.

Umalis kami ni Trisha sa school. Bumalik na naman si Trisha sa pagiging seryoso niya. Napapansin ko lang ang sweet niya sa iba ngunit sa akin di man lang makangiti.

"You like her." Kumunot naman ang noo ko.

"Huh?"

"You like Julia. I can see it in your eyes." Sa gilid ng mata ko nakatingin siya sa akin. "May fiance kana. Tandaan mo." Inuutusan niya ba ako?

"Inuutusan mo ba ako?" Pang aasar ko sa kanya. Di ako tumatanggap ng utos.

"Kung yun ang tawag mo doon, ede OO."

"Alam mo, bata-"

"Trisha."

"Trisha, alam mo bang di ako tumatanggap ng utos?" Hininto ko ang sasakyan sa harap ng bahay.

"Alam ko. Congrats, ito ang kauna-unahang utos na susundin mo."

"Paano mo naman masisiguradong susundin ko yun?" Kasi di ko talaga susundin ang utos niya.

"Dahil kung hindi mo susundin yun. Mawawala ako sayo. Kapag nawala ako sayo, wala ka ng magiging asawa. Pasalamat ka nga dahil may fiance ka, may makakasama ka pang habang buhay dahil kung wala ako. Wala kang kasama sa buhay! Walang papatol sayo noh!" Saad niya at umalis sa kotse.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon