Trisha's POV
"Trisha, halika rito." Saad ni mama. Nasa bintana siya. Lumapit naman ako. Binuhat niya ako para mapaupo sa gilid ng bintana. Agad bumungad sa akin ang magandang tanawin sa labas.
"Wow!" Saad ko.
"Ang ganda diba?"
"Opo, mama."
"Lalong lalo na dahil nandito kana." Ngumiti naman ako kay mama at niyakap siya.
"Di na ako aalis, mama."
"Pero, papaano ang mga kaibigan mo doon?" Napangiwi naman ako.
"Di naman nila ako iisipin at saka wala naman sa kanila kung mawawala ako."
"Paano si kuya Edgar mo?"
"Uh..." Napatingin ako aa tanawin at napasandal sa balikat ni mama. "Di naman niya ako mahal, mama."
"Mahal ka niya, anak-"
"Oo pero bilang kapatid lang." Pagpuputol ko. Naikuyom ko ang kamao. May naramdaman akong kirot sa puso ko. Yes, he cares. But he never love me the way I love him. Kita ko sa mata niya. Kahit nag I love you na ako sa kanya at ang sabi niya ay I love you too. Iba ang sinasabi ng mata niya. Nag I love you siya as a sibling.
"Bata kapa, anak. Baka infatuation lang yan." Umiling ako at di ko namalayan na tumulo na ang luha ko.
"Sana nga, ma. Infatuation lang. Ang sakit sakit na kasi."
Nakita ko ang pag daan ng lungkot sa mukha ni mama ngunit agad din iyong nawala at napalitan ng ngiti. Bumalik ang tingin ni mama sa tanawin.
"Baby, gusto mo bang umalis?" Natigilan ako sa sinabi ni mama. Ayokong umalis. Hindi dahil sa ayaw ni kuya Edgar sa akin pero nandito si mama.
"Hindi."
"Hindi mo na akong iiwan?"
"Hindi na, mama." Sabay yuko ko. Guilty parin ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya dati. Di kami magkakalayo kung hindi naging matigas ang ulo ko.
"Baby, I want you to stay but you have life there." Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. "But it's your choice."
Umalis siya sa bintana at umupo sa upuan. Sinandal niya ang kanyang sarili sa sandalan ng upuan.
"Choose wisely, baby."
Edgar's POV
"She's awake." Saad ni sir Rafael. Agad akong tumayo at lumabas sa opisina ni sir Rafael kung saan ako naghintay.
Gising na siya! Akala ko... Akala ko talaga...
Agad kong binuksan ang kwarto kung nasaan siya. Lumapit ako sa kanya. Ang layo ng tingin niya. Halatang mahina pa siya.
"T-trisha?" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.
Ba't ganoon? Parang may mali? Saan ang mali?
"Kuya..." Why do I feel pain while seeing her with those eyes?
Yeah... That's right. Her eyes, wala yung emosyon but maybe I'm just over thinking maybe she's just tired.
"You okay?" Hinawakan ko ang pisngi niyan. Ngumiti ako sa kanya para naman kahit pa-paano makita niyang maayos ako.
"Nakita ko si mama ko." Mahina niyang sabi. Sabay ngiti. There! Nandiyan na ang ngiti! "Ang ganda niya parin." Tumango naman ako. Hinawakan ko ang kamay niya. "Naalala ko pa dati kung papa-ano niya ako alagaan. May pagmamahal at pag-iingat. Mahal na mahal daw niya ako." Hinayaan ko siyang magkwento sa ina niya kasi hindi pa niya iyong nagagawang e-kwento. "Nakatira kami sa isang maliit na bahay. Na may maraming puno sa paligid. Ang ganda ng tanawin sa bintana. Naalala ko pa ang amoy ng umaagos na tubig sa batis. Maayos kami doon maya lang may lalaking pumunta sa bahay. Lagi akong pinapaalis ni mama dahil masamang tao raw yun maya umalis ako. Dumadaan ang araw at dumarami ang mga lalaking kaya lagi akong umaalis. Naduduwag akong harapin sila at aayos naman yun kay mama kasi Bata pa naman ako, normal lang na matakot ako." Tumawa siya at biglang nangilid ang luha niya. "M-malabo ang nangyari pero habang nasa labas ako at nagtatago narinig ko si mama na isinigaw ang pangalan ko at nang bumalik ako wala na si mama. Malabo ang nangyari pero nagising ako na nandito na."
Ano ba ang nangyari?
Hinawakan niyan rin ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya.
"Mahal kita, kuya."
"Mahal rin kita-"
"Mahal kita hindi bilang kuya, mahal kita bilang ikaw, gusto kong maging girlfriend mo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin ngunit kita ko ang lungkot sa mata niya. Binitiwan niya ang kamay ko.
"Alam ko namang di ganoon ang tingin mo sa akin." Tiningnan niya ako sa mata. "At wala akong hinihinging kapalit."
"B-baka... N-nagkakamali ka lang. Baka-"
"Sana nga. Nagkakamali lang ako." Huminga siya mg malalim. "By the way. Pwede mo bang hanapin ang lalaking may pangalan na Romolo Questro. Sabihin mo na inalagaan mo ako. Kilala niya ako. Sana nga kilala niya ako." Bumuntong hininga niya. "Gusto ko ng happy ending, kuya. Ayokong maging malungkot. Ayokong natatapos ang storya ko dahil lang sa mamamatay na ako."
"Di ka mamamatay."
"Pero ako ang magdedesisyon kung susuko ako o hindi, diba?"
"Ayos kana. Nagising kana kaya ayos kana."
"Nakita ko si Mama. G-gusto kong sumama sa kanya." Her mother is dead. Alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Maybe some other time. Di mo ko iiwan." Matigas kong sabi. Ngumiti naman siya at umupo para magkapantay kami.
"I love you but you can live without me."
"Ano bang pinagsasasabi mo?! Ayos kana! Di ka mamamatay!" Ngumiti siya at humiga ulit.
"Until we met again... Kuya." Pumikit siya at bigla nalang may tumunog.
A-ano yun?
BINABASA MO ANG
My matured wife in a 8 year old body
Teen FictionShe's my fiance in a 8 year old body. Para siyang nakulong sa isang katawan ng bata. Matured siya mag isip. Baka nga may magic na naganap para makulong siya sa isang bata