chapter 9

663 21 0
                                    

"Ayoko nga!" Agad namang tanggi ni Trisha. Tumawa naman ako.

"Panalo na kami!" Saad ko.

"Kimmie..." Tawag nung outsider

"Hindi ako si Kimmie! Ako si Trisha!" Pagtatama niya.

"Sige na, please.." inikutan naman siya ng mata ni Trisha. Humarap si Trisha sa akin.

"Labag man sa loob ko pero sige, tatalunin kita." Ang confident niya, ah. Binigay ko sa kanya ang bola. Agad naman niya itong nasalo.

Kahit na tumayo lang ako ay alam kong di siya makakapasok. "Sige, talunin mo ako, chanak."

"Tatalunin talaga kita, bata." nairita naman ako sa sinabi niya. "Di mo ba ako babantayan?"

"Kahit nakatayo lang ako. Di no yan maipapasok." At tumawa ako.

"Woah! 2 points for that." Saad nila. Napatingin ako sa ring, gumagalaw ito dahil sa napasok na bola. Di ko yun nakita, ah.

Nanliit ang mata ko sa chanak na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Your turn." Sabay hagis niya ng bola sa akin. Inihagis ko naman ito agad sa ring. Di niya yun maaabot dahil napakalayo nun. Ang liit kasi ni Chanak! Whaha! Sa akin na ang tagumpay. Bago pa man maabot sa ring ang bola ay may kumuha na nito. Nanlaki ang mata ko nang nakuha niya ito. Aagawin ko sana nang may tumunog na cellphone. Napatingin naman ako sa paligid, kanino naman yun?! "Oh, sayo muna." Nang tiningnan ko si Trisha ay ang bola ang bumungad sa mukha ko. Nasapo ko ang napakagwapo kong mukha dahil sa sakit na dala ng bolang inihagis sa akin.

"Aray!"

"Hello?" Napatingin naman ako kay Trisha. Pati makipag usap sa phone, she seems so matured. Ang isa niyang kamay ay nasa baywang at ang isa ay hawak hawak ang cellphone. "Sorry... Nagpaturo lang." Teka? Yung boyfriend niya ba yun? Lumapit ako sa kanya at kinuha ang cellphone niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Boyfriend mo ito, noh?" Inilayo ko sa kanya ang cellphone. Nilapit ko ito sa tenga ko ngunit bago ko pa marinig ang boses ng kabilang linya ay may matigas na tumama sa tiyan ko. Napatingin ako kay Trisha na may galit na mukha. Siya ang sumipa sa akin. Napaupo naman ako. Ang sakit ng tiyan ko. Nabitiwan ko cellphone, nasalo naman niya ito.

Habang ako ay napaubo. Lumuhod ako at umubo. Doon ko lang nakita ang dugo na nagmula sa bibig ko. Para akong pinalo ng bakal.

"Dom!" Agad naman akong nilapitan nila Kent. Akala yun lang ngunit may lumabas pang dugo.

"Dalhin na natin siya sa clinic!"

"Huwag!" Narinig kong sigaw ni Trisha. Lumuhod siya sa harap ko. May sinabi pa siya kaya lang dumilim na ang paningin ko.


Nagising ako na nasa kwarto na. At ba't ako nandito?! Nang umupo ay ramdam ko ang pananakit ng tiyan ko. Si Trisha! Sinipa niya ako! Ang brutal ng batang yun! Sinipa ba naman ako para lang di ko marinig ang boses ng boyfriend niya.

Bumukas ang pinto. Sinamaan ko naman ng tingin ang chanak na pumasok.

"Ayos ka na?" Sabay upo niya sa kama.

"Alam mong di ako magiging maayos kapag nasa paligid kita." Seryosong saad ko, para naman matakot siya at para makita niyang di ako nagbibiro.

"Sorry about what happened-"

"I don't need your sorry. Sayo nayang sorry mo-" pinakita naman niya si Teddy. Hawak hawak niya si Teddy, inabot ko si Teddy kaya lang nilayo niya ito sa akin. Di ako makakilos ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko. "Akin na si Teddy!"

"Patawarin mo muna ako." Ano klase siya?

"Blackmail ba ito?"

"Oo. Di ko siya ibibigay hanggat di mo ako napapatawad."

"Ha?! Nakakainis ka!" Si Teddy. Ang tagal ko na siyang di nayayakap. "Sige. Pinapatawad na kita." Hinagis niya sa akin si Teddy, agad ko namang niyakap si Teddy. Lumabas si Trish at sa pagbalik niya may dala na siyang tray na may pagkain. "Wow! Pagkain!" Nilapag niya yun sa side table, agad naman akong kumuha at nilantakan yun. Gutom na gutom ako.

"Hinay, hinay lang, baka mabulunan ka at mamatay. Alam mo namang magpapakasal pa tayo." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasasabi ng batang ito? O ako lang talaga ang nagbibigay malisya sa sinabi niya. Tiningnan ko si Trisha. Nagtama ang mata namin. Agad akong napaiwas ng tingin. "Para kang babae, namumula." Saad niya at umalis. Nakatitig lang ako sa pintong nilabasan niya.

Bumalik naman siya agad. Umupo siya sa kama. Nilagay niya ang dalang baso sa tray at gamot.

"Uminom ka at humiga. Painkiller yan." Sinunod ko naman ang gusto niya. Umalis na naman siya. Humiga na ako, dumating na naman si Trisha na may dalang hot compress. "Hubarin mo ang damit mo para malagyan ko ng hit compress ang tiyan mo." Hinubad ko naman ang damit ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalagay niya ang hot compress sa tiyan ko.

"Titig na titig ka sa abs ko, ah." Pang aasar ko. Syempre may abs ako, noh! Akala ko papatulan niya ako ngunit parang wala siyang narinig at seryoso sa ginagawa niya. Nahuhulog na ito sa akin. Kabata-bata pa.

"Sorry, talaga." Pagsabi niya nun ay talagang napakaseryoso at napakasincere. At sa pagkakataong yun may naramdaman akong kakaiba, gutom siguro? Oo nga, gutom lang ako.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon