"Good morning." Nagulat naman ako dahil binati ako ni chanak. Dumiretso ako sa kusina para makakain na. Nandoon na din si dad.
"Trisha, kumusta ang school kahapon?"
"Ah... Nothing important... Mga grade 3, isip bata, iyakin, you know..." Sagot niya habang kumakain. Si dad naman alam kong di nakakanig kay Trisha.
Isip bata? Kaedad lang naman niya yun, makapagsalita siya akala mo kung sinong matanda. Natigil kami nang may tumunog na cellphone. Nag katinginan kami ni dad. Imposibleng akin yung cellphone na tumunog.
"Dom, shut it."
"But, that's not-"
"Shut it." Mariin niya utos at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong dalang cellphone. Napatingin agad ako kay Trisha. Pinakita niya ang cellphone niya. Sa kanya pala yung tumutunog. Umalis siya sa hapag kainan.
Napakamisteryoso talaga ng batang yun. Sinundan ko siya nandoon siya sa garden.
"Ganitong oras, talaga?" Yung boyfriend niya ata yun? "Stop. I don't want to hear any bullshits in your mouth. I told you, I'm 99.9% sure." Grabe, makapag english ang batang ito napaka propesyonal. Binaba niya ang cellphone at lumingon siya sa gawi ko. "You can come out now." Nakikita niya talaga ako lagi, ah? Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko. "Gusto mong maglaro ng hide and seek? Sorry, bata. Wala akong oras." Saad niya at pumasok sa loob.
"Wag mo nga akong tawaging bata, chanak!" Napahinto naman siya at humarap sa akin.
"Sa ating dalawa mas mukha kang chanak."
"Hindi kaya! Ang gwapo ko naman para maging chanak." Sabay pogi sign ko sa kanga. Inikutan niya lang ako ng mata.
"Ang mukhang iyan, pwet ko lang." At umalis siya. Naiwan naman akong nakatanga.
Makakapaghiganti rin ako sa batang yun.
~*~
Trisha's POV
Napakaingay. Yan ang unang pumasok sa isip ko nang nakaapak ako sa loob ng classroom. Ba't ba kaylangan kong gawin ito?
Pumunta na agad ako sa upuan ko. Di ko alam anong gagawin kung papaano pakikisamahan ang mga batang nandito. Nagsimula narin akong makarinig ng iyak.
"Hala, pinaiyak mo siya!"
Yun na naman atang bata ang umiyak. Umiyak siya kahapon at ngayon din? Nakakairita,ah. Pinigilan ko lang dati ang sarili ko na sapakin siya at ang nagpaiyak sa kanya.
"Lagot ka ngayon!"
"Isusumbong kita kay, teacher!"
Mas lalong lumakas ang iyak to the point na sumakit na ang ulo ko. Gago yun ah! Napahawak ako sa ulo nang mas lalo itong sumakit.
"Iyakin naman siya, eh!"
"Parang babae!"
Nakarinig narin ako ng tawanan. Ngayon nagkahalo halo na ang naririnig ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko.
"SHUT UP!" Di ko na mapigilan ang mapasigaw. Lahat sila tumingin sa akin. Agad akong lumapit sa grupo ng umiiyak at tumawa. "Sumasakit ang ulo ko sa inyo! Pwede ba tumigil kayo!" Natahimik sila ngunit agad din naman silang bumalik sa tawanan at iyakan. Ang ibang classmate namin dito nagchi-chismisan na.
"Iyakin!"
"Bading!"
"Hwaaaahhh!!" Mas lalo pang umiyak ang bata na nakapagpasakit ng ulo ko.
Kinuha ko ang kwelyo ng lalaking tumatawa. "Titigil ka o susuntukin kita?" Syempre, tinatakot ko lang ito.
"Sige! Suntukin mo ako!" Saad niya. Aamba pa niyang susuntukin ako. Mga bata talaga.
"Okay." Sinuntok ko siya mukha. Napahiga siya at umiyak. Tiningnan ko naman yung lalaking iyakin na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin. Bahagya pa siyang napalunok. "Ikaw? Tatahimik ka sa kakaiyak mo o babasagin ko yang mukha mo?" Nakatanga lang siya sa akin. Bading nga siguro ang batang ito.
Napaupo ako nang mas lalong sumakit ang ulo ko. Tinakpan ko ang tenga ko dahil mas lalo itong sumasakit kapag nakakarinig ako. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Tumayo ako at bumalik sa upuan ko. Lahat sila natahimik. Unti-unti naring nawawala ang sakit ng ulo ko.
Ito na nga bang sinasabi ko...
Nang nag uwian ay di ako sinundo ni Dom. Bahala siya diyan! Alam ko naman ang school niya, eh. Kaya lang mag aalala ako kung di niya ako susunduin. Naglakad na ako papunta doon sa school niya.
"Salamat." Saad ng isang batang lalaki na sumasabay sa akin sa paglalakad. Mas lalo kong binilisan ang paglakad ko, ayokong may batang makulit. "Salamat pala kanina!" Tumakbo na siya para lang mapantayan ako.
"It's all right. I did that for myself."
"But, thank you parin. Wala pa kasing nagtatanggol sa akin."
"Di kita pinagtanggol."
"Alam mo ba may sandwich sa bahay. Gusto mo pumunta ka?"
"I'm busy."
"Huh? Saan?" Hinarap ko siya.
"May babantayan akong bata." Nagliwanag ang mukha niya
"Oh... Baby boy ba? O baby girl?"
"Boy." But he's not a baby. He's more like ass. Ass boy.
"I have baby boy too. He's so very cute."
"Oh, really? Cu'z mine is not." Ayoko nang makipag usap sa batang ito.
"Huh? How can you say? Babies are cute." Hinarap ko siya.
"Kagaya sayo, hindi cute, iyakin kapa, ang pangit pa ng buhok mo. Sinasabi ko sayo ito, hindi bilang isang kaibigan, kaklase o ate. Sinasabi ko ito sayo bilang iyong-" nanlaki ang mata niya.
"Girlfriend." Ano bang iniisip ng isang ito?
"No. Bilang iyong ina." Simimangot naman siya. "Isipin mo lang na mama mo ako. Sinasabi ko lang ang totoo. Be a man, boy. Huwag kang papaapi."
BINABASA MO ANG
My matured wife in a 8 year old body
Teen FictionShe's my fiance in a 8 year old body. Para siyang nakulong sa isang katawan ng bata. Matured siya mag isip. Baka nga may magic na naganap para makulong siya sa isang bata