Chapter 8

2.8K 76 2
                                    

Chapter 8

"HOW TO CHEER UP A FRIEND pala ha? Hindi ko alam na sobrang concern ka sa akin," natatawang sabi ko kay Wave na ngayon ay kakabalik lang galing sa CR. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Tinago pa niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng pants niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niya habang pilit itong hinaharap sa akin.

"Bitiwan mo nga ako." Inirapan niya na naman ako kaya lalo akong natawa. May halo na rin inis ang kanyang boses na lalo lamang nagpangiti sa akin. Namumula kasi ang boss ko ngayon at napaka-rare na makita ko siyang ganito. Kapag kasi nasa opisina kami, palaging seryoso si Wave na para bang pasan niya ang buong mundo sa dami ng problema niya.

"Wait. Nahihiya ka ba?" natatawang tanong ko. Umirap ulit siya sa akin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang pang-iirap ang natanggap ko ngayong araw mula sa kanya. Siguro kung hindi nakakatawa ang sitwasyon ngayon ay baka tarayan ko rin itong si Wave dahil sa walang hanggang pang-iirap niya sa akin. Lumalabas na naman kasi ang pagkagirlalooo niya. Hindi niya siguro alam na mas mukha pa siyang babae kapag ganitong iniirapan niya ako. Sa iba kasi, manly tignan iyong pang-iirap ng mga lalaki kaso si Wave naman 'to.

Kung inisin ko kaya 'to araw-araw para lumabas ang tunay na kulay para hindi na kami magpanggap pa? Pero joke lang pala, baka sisantehin ako eh.

Sinundot-sundot ko siya sa tagiliran dahilan para matawa ulit ako. Ayaw niya kasi talaga ako tignan. Natawa pa nga ako lalo nang subukan niya ako iwanan dito. Buti na lang ay nahabol ko siya kaagad at nahawakan sa braso.

"Hui! Tumingin ka nga sa akin."

Humarap siya na nakakunot ang noo at masama na naman ang tingin. Wala bang alam itong si Wave kundi samaan ako ng tingin? Pwede naman kasi ngumiti.

Napapailing akong tumingkayad sa kanya at inabot ang kanyang nakakunot na noo. Pinaglayo ko lang naman ang kilay na malapit na ata magdugtong. Napansin kong natulala pa siya sa ginawa ko pero nawala rin iyon dahil basta na lang itong tumalikod sa akin. May pagkabastos din talaga itong boss ko minsan eh. Kinakausap ko ng harapan tapos tatalikuran ako?

"So kaya mo ako rito dinala kasi concern ka sa akin?" tanong ko ulit sa kanya pero wala na naman akong nakuhang matinong sagot. Ngumiti na lamang ako dahil alam ko naman na ang sagot kahit hindi niya sabihin. Gusto ko lang talaga manggaling mismo sa bibig niya at i-record para paulit-ulit kong papakinggan iyong pagiging concern niya sa voice recorder. Pwede ko rin amitin pangblackmail iyon sa kanya.

"May pusong mamon ka pala Wave."

Inirapan na naman niya ako sa kumento ko tungkol sa kanya.

Atleast, nalaman ko ngayon na hindi parin pala talaga nawawala iyong Wave na nakilala ko noon. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos namin magkahiwalay noong mga bata pa kami? Ang dami kong gusto itanong sa kanya pero nahihiya ako. Alam ko kasi na si Wave iyong tipo ng tao na hindi gustong binabalikan ang nakaraan.

"Tapos ka na mang-asar?" Nakataas na ang kilay ng magaling kong boss. Hindi ko na nga pala siya boss kasi wala naman na pala kami sa opisina. Kasama kasi 'yon sa napag-usapan naming dalawa noong gumagawa kami ng Rules and Regulation habang magkarelasyon kami sa harap ng mga tao na akala ng lahat ay bakla siya.

Imbes na sagutin si Wave ay ngumisi na lamang ako para lalo siyang asarin.

"Tara na nga!" May bahid na inis na naman sa kanyang boses. Nauna na naman siya maglakad kesa sa akin kaya tumakbo na naman ako. Hinila ko siya sa braso at mabilis na iniharap sa akin. Nakaawang ng bahagya ang labi niya sa ginawa ko habang titig na titig ito sa akin. I should thank him kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi sasaya ng ganito ang araw ko.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon