Chapter 16

2K 63 0
                                    

Chapter 16

BUSY ANG LAHAT sa paghahanda para sa Anniversary Party ng Cortez sa makalawa. Halos dalawang linggo rin namin ito pinaghahandaan. Hindi ko na masyadong pinoproblema ang performance namin dalawa ni Wave dahil maayos naman na. Aba, araw-araw kaya kami nagpraktis para lang maperfect kasi desesido talaga ako na pumunta at bumisita sa Santa Elena dala ang premyo sa kanila ngayong taon.

Dalawang linggo ko na rin hindi nakakausap si Wave. Paano ba naman kasi, tambak na naman ang papeles sa lamesa. Walang araw ata na hindi natambakan ang lamesa na 'yon tapos nakanerdy glasses pa ang peg niya ngayon dahil seryoso siya sa pagbabasa. Talagang sineryoso niya ang huling meeting nila ni Sir Silver. Sir na ang tawag ko kasi alangan naman na tawagin ko pa siyang manyak sa harap ng ibang tao. Baka masisante na lang ako bigla.

Break time ngayon at tapos na rin ako kumain ng lunch kaya naglaan ako ng oras na mag-online shopping. Sa makalawa na kasi ang party pero eto ako at namomoroblema pa rin kung ano ang susuotin kong damit para roon. Halos makalimutan ko na nga ang bagay na 'yon kung hindi lang pinaalala sa akin ng magaling kong kaibigan at katrabaho na si Carla. Ang sarap niya tuloy tuktukan kasi namomoroblema tuloy ako ngayon.

Ang sabi niya, maghanap na lang ako sa GMM pero mahal naman doon kaya nauwi ako sa paghahanap ng damit sa mga online shop kaso hindi ko naman trip ang mga disenyo nila ngayon.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng office ni Wave. Suot na naman niya ang paboritong nerdy glasses na sadyang bumagay sa kanya habang nakasuot ng puting long sleeve na bahagya pang bukas ang isang butones. Halata na naman tuloy ang matipunong katawan na dala ng pagdaan nito sa gym tuwing weekend. Ang palagi kong nakikitang maayos na buhok niya na parang dinilaan ng baka sa sobrang pagkatuwid ay magulo na ngayon. Naririnig ko na naman tuloy ang mga pasimple at mahihinang tili ng mga babae dito sa office dahil sa paglabas niya.

"Reene." Napatayo ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Lahat tuloy ng atensyon ng empleyado ay nasa amin ngayon.

"Come with me." Hindi na ako nagtanong dahil umalis na siya agad na hindi man lang hinintay ang sagot ko. Wala tuloy akong choice kundi ang sumunod sa kanya. Saan na naman kaya kami pupunta nito? Nakukuha pa niya maglaktwasa samantalang tambak nga siya ng paperworks sa opisina niya.

"Saan ba tayo pupunta, Wave?" tanong ko pagkasakay ko sa sasakyan.

"We'll get your dress." Dress? Dress ba kamo ang sabi niya? Eh paano ako magkakadress kung hindi naman ako sinukatan?

Tumingin siya sa akin na tila ba nabasa ang nasa isip ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at saka nagsalita bago pinaandar ang sasakyan.

"Don't worry. I know your size."

Tumango na lang ako kesa magtanong ng magtanong kung bakit alam niya ang size ko dahil wala naman akong matandaan na sinabi ko sa kanya kung ano ang vital statistics ko.

Papasok kami sa AMV nang hawakan ko siya sa braso para pigilan. "Dito ka talaga kumuha ng dress para sa akin?"

Isang tango ang isinagot niya sa akin. "Hindi ko kayang bayaran 'to."

"It's on the company." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanyang braso para ako ang hawakan niya at hilahin papasok sa loob ng nasabing shop. Hindi na tuloy ako nakaangal. Marami akong tanong pero hindi ko na iintindihin pa ang mga 'yon dahil alam kong walang sasagutin si Wave sa mga tanong ko.

Pumunta kami sa counter para kunin ang damit na sinasabi niya. May bakla naman na lumabas galing kung saan at pumalakpak nang makita si Wave. Mahaba ang kulay brown nitong buhok, maputi ang makinis na balat at may suot itong makulay na damit na maraming kolerete sa katawan habang makapal ang make-up. Ang fake eyelashes ay nagniningning dahil sa dami ng glitters nito habang pink na pink naman ang lipstick. Ito ang unang beses na nakita ko siya rito sa AMV. Wala rin naman kinukwento sa akin si Wave na may friend pala siyang ganito.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon