Chapter 70

2.6K 67 16
                                    


I will consider The President as a completed story now kahit wala pa ang Epilogue. I don't know when I will post the Epilogue dahil mawawalan na ako ng load at mukhang di ko siya matatapos sa isang araw lang dahil marami-rami iyon. Hanggang Chapter 70 tayo kaya expect na sobrang haba rin ng POV ni Wave. I might divide it into two chaps dahil minsan naghahang ang wattpad kapag 5k – 7k words ang meron sa isang chapter. Sa case ni Wave, baka 8-10k words siya.

Anyway. Maraming salamat sa pagsubaybay sa The President mula umpisa hanggang dulo. I will be forever thankful to you, Miracles. J I love you.

Chapter 70

Pamilya.

Ano nga ba ang pamilya para sa iba?

Kasi kung para sa akin, sila lang naman iyong mga taong bumuo sa akin habang lumalaki ako. Sila iyong mga taong unang sumuporta sa akin. Sila iyong mga taong pinuno ako ng pagmamahal at naging karamay ko sa mga problemang dumating sa buhay ko.

Noong bata pa lang ako, hindi ko alam kung anong pakiramdam na magkaroon ng tunay na magulang dahil lumaki ako sa bahay ampunan. Napakaclueless kong bata hanggang sa inampon ako nila mommy.

Doon ko narealize kung ano ba talaga iyong tinatawag na pamilya at laking pasasalamat ko na nakilala ko iyong mga taong naging pamilya ko habang lumalaki ako. Doon ko narealize na kahit hindi mo kadugo, pupwede mo ituring na kapamilya. At sa totoo lang, masasabi ko na pinakamasayang parte ng buhay ko ay iyong inampon nila ako.

Pero aminin ko man sa sarili ko o hindi, sinubukan ko alamin ang totoo sa tunay kong magulang. Alam kong paulit-ulit na ako pero ayun nga, habang lumalaki ako, nagtataka ako kung bakit hindi ko sila kasama. Kung bakit may mga taong gugustuhin na abandonahin ka? Naisip ko tuloy na siguro kaya ako iniwan nila ay dahil hindi naman talaga nila ako gusto. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit para sa kanila kaya siguro noong nalaman ko na dumating na ang tunay na magulang ni Kiel ay ganoon na lang ang galit at lungkot na naramdaman ko. Kasi buong buhay ni Kiel, ako na ang nag-alaga sa kanya. Tinuring ko siyang kapatid ko tapos basta-basta na lang siya kukunin sa amin porket natagpuan na siya ng magulang niya.

Pakiramdam ko nawalan ako bigla ng kapamilya pero syempre kailangan ko maintindihan na may iba't ibang side ang istorya. Maaaring ang alam mo ay iniwan ka at inabandona pero sa kanila ay hindi. Maaaring kinuha ka sa kanila ng pwersa.

"Anak..." naiiyak na sabi ni Mrs. Andrada.

Matapos namin malaman pareho ang resulta ay kaagad siya nakipagkita sa akin kasama si Mr. Miguel, iyong asawa niya. Pinuntahan ako ni Wave sa ospital pagkatapos ko makuha ang result. Dumeretso kami sa bahay ng Andrada para ipaliwanag lahat-lahat ng nangyari noon.

Buong akala ko ay sa teleserye lang nangyayari ang ganito pero nakalimutan ko nga pala na parang teleserye rin ang buhay ko sa dami ng nangyari sa buong taon.

Ipinaliwanag nila kung paano ako nahiwalay sa kanila. Nagmamatch ang sinabi ni Sister Mary sa mga sinabi nila pati iyong si Lola Rosie. Na nasunog ang isang bayan sa Santa Elena kung saan sila nakatira noon. May kumuha sa akin habang nagkakagulo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahanap kung sino 'yon. O kung bakit niya ginawa 'yon pero para sa akin ay hindi na importante pa ang mga ganoong bagay.

Mas gusto ko na ipinagdadasal na lang ang mga ganoong tao. Kasi naniniwala ako na ang mga ganoong tao ay iyong mga tipo ng tao na may malalim na pinoproblema at hindi makahanap ng katahimikan. She or he probably have an acceptable reason behind that dahil imposibleng walang dahilan para gawin niya 'yon.

"P-Pwede ba na dito ka na tumira sa amin? Gusto kong bawiin lahat ng mga taong nawala na hindi kita kasama," naiiyak na sabi ni Mrs. Andrada.

"Keila, huwag mo siya biglain..." suway ni Mr. Andrada.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon