Chapter 46

1.6K 64 7
                                    

Chapter 46

THE WEEK BECAME HELL FOR ME. Busy ako sa pagtatrabaho buong linggo dahil next week na iyong event ng Andrada para sa mga bata na nasa bahay ampunan. We really have to make it successful kasi lahat ng bata ay excited sa event kaya inayos ko na lahat nang pupwede pa ayusin.

Plus, I still have to attend a debut party on Saturday dahil paulit-ulit pinaalala iyon ni Sir Silver sa akin bilang kapalit ng pag-aalaga niya noong huling gabi. Hindi naman ako makatanggi kasi totoo naman na inalagaan niya ako. Nakita ko pa nga iyong damit niya sa dryer ko na nilabhan niya. Hindi na nga niya nakuha iyon kaya kinakailangan ko pa iyon isaoli sa kanya. Tapos pati iyong mga alak na naiwan sa lamesa noong gabing 'yon ay siya na rin ang nag-ayos.

Tita Yna called me last night and asking me where I am right now. Nang kuhain ko kasi ang mga gamit ko ay nagkataon na wala roon sila tita para pigilan ako. Syempre nagdahilan ako. I wouldn't speak ill about Wave infront of his mother but tita have sixth senses. Kahit na nagdahilan na ako, nalaman pa rin niya na nag-away kami ng anak niya. Hindi ko masabi iyong dahilan kaya sinabi ko na lang na maliit lang na bagay ang pinag-awayan namin at hindi na niya kailangan mag-alala pa.

Wala pa rin kaming pansinan ni Wave hanggang ngayon. Gusto ko na magkaayos na kaming dalawa pero mukhang kahit subukan ko siya kausapin nang matino, hindi niya ako kakausapin. Kapag naman tinitignan ko siya, mukhang ayos lang pero magagalit na naman pagkatapos ng ilang minuto. Nagiging bipolar na ata.

"Kailan kaya kayo magkakaayos ni Boss Wave, Reene?" tanong nii Josephine. Balita ko na nasigawan siya kani-kanina lang dahil sa pinakitang sales from Marketing department. Hindi raw accurate iyong sagot kaya uminit na naman ang ulo ni Wave,

"Oo nga, Reene. Baka naman pupwede mo kausapin si Sir Wave?" Si Carla na ngayo'y kakabalik lang sa upuan dahil umorder ng pagkain. Kahapon pa nila ako kinukulit na makipag-ayos kay Wave para raw hindi na mainit ulo niya. Eh kaso iba naman iyong pinag-awayan namin ngayon, masyadong malalim kaya kahit ako iyong makipag-ayos, baka lalo lang kami mag-away.

Hangga't maaari nga ay ayokong may makaalam na nag-away kami ni Wave. Para walang isyu. Kaya lang kapag galit si Wave, ako palagi ang tinatanong. Ako tuloy ang sinasabihan kapag mainit ang ulo niya. At isa pa, labas na rin naman kasi sa trabaho itong pinag-awayan namin kaya gusto ko rin isipin nila na wala sa akin ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Wave.

"Hayaan niyo na nga muna 'yon."

"Pakiramdam ko ang lalim ng pinag-awayan niyo. Pero hindi na rin ako magtataka dahil nakita ko si Ms. Tanya at si Sir Wave na nag-uusap," mahabang paliwanag ni Josephine. I just shrugged on her news. Natural lang na mag-uusap ang dalawang 'yon dahil sinabi ko kay Tanya iyong totoo. I saw how happy she is when I told her the truth... kasi alam niya na may pag-asa pa na madugtungan iyong naudlot nilang relasyon noon. I just wished na maging okay ang lahat pagdating kay Wave.

"Wala ka bang gagawin? Papanoorin mo na lang?" sunod-sunod na tanong ni Carla sa akin habang pinanliliitan ako ng mata.

"Hayaan mo sila. They need to talk."

"Eh bakit kayo? Hindi kailangan mag-usap?" Sinundan niya ako ng tingin. Mas pinili ko na lamang ang hindi umimik at hintayin na matapos ang lunch break. Pagbalik ko sa desk ko, inasikaso ko agad iyong mga natitirang gawin. So far, walang problema sa mga supplier's at sa venue na gagamitin para sa orphanage event ng Andrada.

Mula sa kinauupuan ko, nakita ko si Tanya sa loob ng office ni Wave. Medyo nakabukas kasi ng kaonti iyong blinds sa office. Napabuntong hininga na lang ako at saka umiwas ng tingin bago tuluyang napahawak sa dibdib.

"Reene, si Wave ba nasa loob?" Si Sir Drew. Tumango ako sa kanya at nagbigay ng matipid na ngiti.

"Nandyan po siya sa loob but I'm afraid that you cannot talk to him right now."

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon