Chapter 28

1.6K 40 1
                                    

Chapter 28

PAGKATAPOS NG GABING IYON ay bumalik na rin ako sa opisina kinabukasan. Agad ko rin inasikaso ang mga naiwan kong trabaho sa nakalipas na araw.

"Okay ka na ba?" tanong ni Carla.

Pasimple akong tumango sa kanya habang inaayos ang schedule ni Wave ngayong araw. Hindi pa rin pala nareresolba ang problema tungkol sa nawawalang pera. Nagpacheck na nga rin ako ng mga record sa CCTV, nagbabakasakaling may makita kaming tao na kahina-hinala.

"Kayo ni Wave? Okay ba? Hindi ba kayo nag-away?"

Mabilis akong umiling kay Carla. Kumunot pa nga ang noo ko dahil sa tanong nito. Bakit naman kami mag-aaway ni Wave? Nangako kami na hindi na mag-aaway o magtatago ng sikreto. We're best of friends and we're supporting each other.

"Hindi kayo nag-away dahil kay Tanya?"

Napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya. bago ibinigay ang sagot na gusto makuha nito. Hindi naman talaga kami nag-away. Hindi ko rin naman ipinaalam sa kanya na nakita ko sila ni Tanya. Ayokong magtanong. Alam ko na nangako kami sa isa't isa bilang magkaibigan na wala ng sikreto pero alam ko rin naman na may mga bagay talaga na hindi madaling sabihin lalo na at mabigat iyon.

Ayoko isipin ni Wave na nangingialam na naman ako. At saka isa pa, sa kanya pa rin naman manggagaling ang desisyon kung sasabihin niya sa akin lahat, at kung hindi man niya sabihin, I will respect that. Hindi naman lahat kailangan sabihin lalo na kung hindi ito kumportable. Oo nga at open kaming dalawa sa isa't isa pero may mga bagay pa rin na dapat pag-isipan kung sasabihin o hindi.

"Wala lang naman iyong kay Tanya," sabi ko na lang para manahimik na siya. Natatakot ako dahil baka biglang lumabas si Wave ng opisina at marinig ang sinasabi ni Carla, eh di malalaman niya na pumunta ako rito at nakita sila? Malaking gulo iyon kung sakali at saka isa pa, wala akong balak na maaway ni Wave ngayon.

"Kung ganoon ay wala ka naman palang dapat ipag-alala kung wala lang."

Kumunot na naman ang noo ko kay Carla. Kasabay no'n ang paglabas ni Dani sa opisina ni Wave. Ano kayang nangyari?

"Wala naman akong ipinag-aalala," mabilis na sabi ko.

"Concern lang naman ako teh... First boyfriend mo kaya yang si Sir. Mahirap na kapag hindi pa rin nakakamove on."

Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na nagpapanggap lang kami ni Wave na magjowa hanggang sa manahimik iyong isyu. Nagtataka nga ako sa kanya dahil tapos na ang isyu at mukhang hindi na namin kailangan magpanggap pero patuloy pa rin ang set-up naming na 'to.

Hindi kaya nakalimutan na niya? Ipaalala ko ulit kaya sa kanya?

Bumalik na rin si Carla sa desk niya pagkatapos ko manahimik sa sinabi nito. Abala lahat ngayon sa opisina dahil magsisimula na ngayong buwan ang project na pinagkasunduan ng DM at saka ng Cortez.

They will create an RPG Mobile Game at ilalabas nila ito sa International kaya malaking proyekto ito. Iyon nga lang ay wala pa silang naiisip na magandang plot para sa nasabing project. May plot dapat ang game para iyon ang pagsimulan ng kwento pero wala pa silang naiisip.

Ngayon ko lang din naisip na hindi pala malabo na magkita si Tanya at si Wave rito sa loob ng opisina. Hindi naman sikreto na nagtatrabaho si Tanya sa Del Marcel. She's one of the major investors in Del Marcel and holding one of the biggest share. Siya rin ang head sa magiging project na ito kaya hindi talaga malabo na magkaroon ng interactions between her and Wave.

Maya-maya ay lumabas si Wave sa kanyang opisina. Nagkatinginan kaming dalawa habang hawak ang tablet kung saan nakalagay lahat ng schedule niya ngayong araw.

Agad akong lumapit sa kanya.

"You are scheduled on a presscon today Sir."

Para kasing pumutok na bomba ang balita nang malaman ng iba na magkakaroon ng project ang dalawang malaking kumpanya. Lalo pang lumaki iyon nang sabihin na ilulunsad nila ang larong gagawin sa International.

"May party din kayong aatendan ngayong gabi. It's an after party on DMMGC."

I heard him 'tsk' bago tumingin ulit sa akin.

"Cancel it," matigas nitong sabi sa akin na agad ko rin naman sinunod. Hindi na kataka-taka na hindi siya aatend no'n dahil hindi naman talaga siya fan ng mga magarbong party.

Mabilis ko tuloy idinial iyong telephone number ng Del Marcel para tawagan ang secretary ni Sir Silver at sabihin na hindi makakapunta ngayong gabi si Wave kaso walang sumasagot kaya hinanap ko number ni Sir Silver sa cellphone ko.

"Sinong tatawagan mo?" tanong niya na hindi pa rin umaalis.

"Si Sir Silver. Hindi ka aatend ng party di'ba?"

"You can call his secretary."

"Walang sumasagot." Lalong naging visible ang inis sa kanyang mukha. Mabilis nitong kinuha ang phone ko at itinago sa bulsa.

"Don't call him. I'll just talk to him."

Pagkatapos no'n ay yinaya ako ni Wave na kumain sa labas. Dapat nga ay dadalhan ko siya ng lunch kasi iyon ang gusto niya kapag natatambakan siya ng trabaho lalo na at busy siya ngayon. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka ko dahil nakuha pa niya akong yayain na kumain sa labas. Hindi na lang din ako nagreklamo pa sa paanyaya niya.

Kumain kami sa paborito niyang restaurant. Masarap naman kasi talaga ang pasta roon. We both like creamy pasta. Sobrang nakakabusog din. Nakakahiya lang dahil sobrang ginto noong presyo para sa isang tao tapos palagi pang libre ni Wave. Iniisip ko nga kung kinakaltas pa ba niya iyon sa sweldo ko kasi namamahalan talaga ako.

"Hinahanap ka ni Mommy sa bahay. You should visit them."

"Syempre naman. Pero pwedeng next week na lang? Family day ng kapatid ko sa school nila. Gusto niya akong pumunta."

Kahapon ako tinawagan ni mommy tungkol sa family day na sinasabi ni Kiel. Kinukulit ito para sabihin na samahan ko siya sa pagpunta sa nasabing event.

"Sure. Pwede natin puntahan si Kiel at ipasyal after ng family day."

Kumunot ang noo ko. "Bakit may natin?" tanong ko habang naka-emphasize ang salitang natin kasi wala naman akong matandaan na inimbitahan ko siya sa family day.

"Your little brother texted me."

"Alam ni Kiel ang number mo?"

Hindi ako makapaniwala na inimbitahan ng batang iyon ang boss ko na pumunta ng family day. Ayaw din ni Wave sa mga ganoong event kaya nagugulat talaga ako sa mga sinasabi niya ngayon sa akin.

Bumalik na kami sa opisina. Pero maya-maya ay lumabas din ulit ako dahil kinakailangan ko mag-withdraw ng pera para ipadala kay mommy. Medyo nadelay kasi ang sweldo ng mga empleyado ngayong buwan dahil sa nangyayari ngayon sa kumpanya.

Nagrelease na nga rin ng notice si Wave na wala silang dapat ipag-alala dahil maaayos naman agad iyong problema. Nakalabas din sa media ang pagnanakaw ng pera sa Cortez Empire kaya halos araw-araw dinudumog si Sir Wave ng mga reporters ukol dito. Ang dating mahigpit na seguridad sa opisina ay mas lalo pang humigpit ngayon dahil sa mga hindi kilalang tao na basta-basta na lang lumalapit kay Wave at sa mga empleyado rito sa Empire.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Carla sa akin.

"Magwi-withdraw ako tapos magpapadala ng pera. Kailangan ko kasi magpadala kela mommy ngayon." Dali-dali kong inayos ang bag ko at tinignan kung wala ba akong naiwan bago ako lumabas. Ayokong bumalik dahil lang sa may naiwan ako.

"Anong sasabihin ko kay Sir Wave kapag hinanap ka niya?" pahabol nitong tanong sa akin.

"Sabihin mo may pinuntahan lang ako sa ATM," mabilis na sabi ko sa kanya.

Naging maayos ang pag-withdraw ko sa ATM. Iyon nga lang ay kinakailangan ko pa sumakay sa taxi dahil offline iyong ATM na malapit lang sa Cortez kaya kinakailangan ko pa magtungo sa GMM para roon mag-withdraw. Pabalik na rin sana ako dapat sa opisina kung hindi ko lang nakita si Tanya na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Reene, pupwede ba tayo mag-usap?"

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon