Chapter 69

1.7K 57 9
                                    

One more chapter before Epilogue. Maraming salamat Miracles!

Chapter 69

"Do you want to change your surname?" Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin ni Wave. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero ramdam na ramdam ko ang matinding pagkabog ng dibdib ko sa loob.

"A-Are you proposing?" nauutal na tanong ko. He licked his lower lip and continue to stare at me bago tuluyang tumango sa akin.

"Nasaan ang singsing mo?" tanong ko sa kanya. Ako naman ang tumitig sa kanya habang nagpipigil nang ngiti dahil sa reaksyong kitang-kita sa mukha niya.

"Nagpopropose ka, walang singsing? Paano kita sasagutin ng oo?" natatawang tanong ko sa kanya. Naningkit ang mata niya sa akin at saka umiling.

"I'll give you the ring once everything is okay. For now, I just wanted to hear your final answer. Do you want to change your surname with my surname?"

Tinitigan ko siya. Sa totoo lang, hindi ito iyong proposal na gusto ko. Iyong mga proposal na nababasa ko eh bongga pero narealize ko na hindi nga pala si Wave iyong tipo ng tao na hindi fan ng surprises. Kaya hindi na rin ako magtataka kung ganito siya magpropose sa akin. But it doesn't matter to me anymore.

As long as he wanted me to stay on his side forever, I won't mind to become his wife on the future.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya bago siya kinurot sa pisngi. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko pero sa huli ay napatawa na lang din.

Maya-maya ay bumisita si Mrs. Andrada sa bahay. Sa dalawang linggo na nagdaan ay puro kami bisita. Noong nakaraan ay si Sir Drew at si Ma'am Stella ang bumisita sa amin. Hindi nila isinama si Layla dahil baka mapaaga lang sila ng uwi. Naiiwan na rin naman si Layla sa yaya basta ay may gatas ito sa refrigerator.

Mabilis kong inilagay ang dala ni Mrs. Andrada na cake sa lamesa at saka siya pinaupo sa sofa. Wala iyong asawa niya dahil nakaduty pa ito sa ospital kung kaya't nauna na siya rito.

Nagkukwentuhan sila nang dalhin ko ang cake sa kanila. Nag-uusap sila tungkol sa kumpanya at kung kamusta na ito. Magaan ang loob ko kay Mrs. Andrada. Ilang beses pa lang kami nagkikita at hindi gaanong nagkakausap pero magaan na agad ang loob ko sa kanya.

Hindi ako masyadong nakikinig sa usapan nila dahil alam kong sa kumpanya na naman 'yon. Buti na lang ay dumating sila Carla para bisitahin kaming dalawa ni Wave. May makakausap na rin ako sa wakas. Hindi kasi ako makasali sa kanilang dalawa dahil halata naman na seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Ui, Reene! Anong ginagawa ni Mrs. Andrada rito?" tanong ni Carla. Mag-isa lang siya pumunta rito dahil wala si Josephine. Nasa Sihainessta raw kasi ito ngayon at may importanteng inaasikaso roon. Hindi nga lang namin alam kung ano. Masyado kasing pribado si Josephine pagdating sa personal niyang buhay.

"Dinalaw lang si Wave at nag-usap ng tungkol sa trabaho." Tumango-tango sa akin si Carla sa sinagot ko. Pagkatapos no'n ay nagchikahan na kaming dalawa habang sila Wave pa rin ay seryosong nag-uusap doon sa study room.

"So kamusta ang pagtira mo rito kasama siya?" nanunudyong tanong ni Carla sa akin. Noong sinabi ko sa kanila ni Josephine na sa pent house na ako ni Wave nakatira ay isang nakakabinging tili ang natanggap ko. Hindi sila makaget-over. Syempre ikinuwento ko 'yon sa buong detalye dahil ayaw nila na magkwento ako ng kulang-kulang. Tili sila ng tili noong sinabi ko na gusto ni Wave na tumira na ako kasama siya. Pero mas lalong lumala ang tili nilang dalawa noong sinabi ko rin na gusto ni Wave na pakasalan ako. What more pa kaya kung sinabi ko na nagpropose na siya sa akin kanina, iyon nga lang ay wala pang singsing dahil hindi pa siya nakakabili.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon