Chapter 27

1.6K 56 4
                                    

Chapter 27

"ANO BA TALAGA ANG GINAGAWA MO RITO?" nakakunot-noo na tanong niya sa akin.

Nakakailang tanong na siya sa akin pero hindi ko iyon sinasagot. "Dapat ay nagpapahinga ka. Baka kung mapaano ang braso mo, Kareene."

"Nabored ako okay? Kaya pumunta ako rito," pagdadahilan ko.

"Can I see your wounded arm?"

Hindi na ako nakaangal pa dahil basta na lamang niya kinuha ang braso ko at tinignan 'yon. Kakapalit ko lang ng benda no'n dahil nilinis ko siya bago ako pumunta rito. Naningkit ang mata nito sa akin at saka dahan-dahan binitawan iyon. Bumuntong-hininga siya at saka tamad na umupo sa mahabang sofa.

"Hindi pa ba tayo uuwi? You need to rest."

Umirap ako. Eto na naman siya sa pagpapahinga. Kaonti na lang ay siya na ang pagpapahingahin ko dahil iyon ang palaging lumalabas sa bibig niya.

"Buong maghapon na akong nagpapahinga. Paano kaya kung pumunta tayo sa isang lugar na makakawala ng boredom ko?"

Tinitigan niya ako na puno ng pagdududa. Siguro ay iniisip niya na may kakaiba sa akin ngayon pero wala naman talaga. I just wanted to make him smile. That's all.

"Saan naman tayo pupunta?" Napaisip ako. Hindi ko nga pala napaghandaan ang lugar na pupuntahan namin dahil sa nangyari kanina. Nakakainis. Dapat pala nagplano muna ako.

"Amusement Park?" Tinitigan na naman ako ng best friend ko na para bang nagtatanong kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Ayoko ulitin iyong mga lugar na pinuntahan na namin pero wala naman akong maisip na ibang lugar na pwede puntahan. Amusement Park is the only option I have for now.

Umiling sa akin si Wave. "Nevermind. Let's go."

"Sa Amusement Park?"

Umiling ulit siya sa akin. Alam ko naman talaga na kahit kailan ay hindi niya magugustuhan ang amusement park. He never like it ever since we were kids. Pero dinala niya ako roon nang minsan niya akong makita na malungkot para mapasaya. Talagang nag-effort siya na sumakay sa rides na kasama ako at sobrang na-appreciate ko 'yon.

"I know a place that you'll like it for sure."

Nagulat ako roon at nakaramdam ng kaonting inis kasi hindi ko naman siya yinaya para pasayahin ako. It's the other way around kaso sinabi ko nga pala na bored ako. Hindi man halata sa kanya pero alam ko na siya iyong tipo ng tao na gagawin lahat para mapasaya ka and that's what I really like about him.

Iyong pagiging thoughtful niya sa ibang tao kahit hindi halata.

"Why are you smiling?" Napakurap ako sa kanya at pagkatapos ay mabilis na umiling. Tinignan na naman niya ako na parang nagdududa dahil iba na naman ang kinikilos ko. Masama ba na mapangiti dahil sa kanya?

"Wala. Tara na nga."

Hinila ko ang kamay niya nang bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya nilingon ko siya. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ang braso ko at inilagay iyon sa bewang niya habang iyong kabilang braso niya ay nasa balikat ko. Sa ayos naming dalawa ay para akong nakayakap sa kanya ngayon.

"Oh bakit?" tanong niya nang mapansin nito na kanina pa ako nakatingin sa kanya. Dahil mas matangkad siya sa akin ay kinakailangan pa niya yumuko nang bahagya para tignan ako.

Para talagang higante itong si Wave.

"Nahihirapan ako sa posisyon natin."

"Patangkad ka kasi."

Umirap ako at lumayo ng bahagya sa kanya bago ilagay ang kamay sa bewang. "Wow ha. Kasalanan ko ba kung higante ka at regular size lang ako?"

Umiling na naman ang magaling kong kaibigan at hinawakan na lang ang kamay ko. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto noong nasa tapat na kami ng sasakyan niya. Naiiling akong pumasok sa loob at hinayaan siya na magdrive para dalhin ako sa lugar na sinasabi niya. Hindi na rin ako nagtanong kung saan iyong lugar na tinutukoy niya dahil hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung paano ko siya papasayahin na hindi natatapos ang araw na 'to.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon