Chapter 61

1.5K 64 21
                                    

This might be the last update for this week. I'm not feeling well since friday and aside from that, masakit ang braso ko at likuran ko. I have to rest my arms and back for days kaya ito na muna ang last update.

Been trying to finish and post the remaining chaps for this week para makapagpahinga ng mas maaga pero mukhang kailangan ipostpone at unahin ang pahinga.

Anyway. I dedicated this chapter sa bestfriend ko, kizynellzyra because tomorrow is her birthday. Inadvance ko kase mahirap magpaload dahil sa ECQ. HAHAHAHHA.

Siya ang kacollab ko sa President series. Isa din siya sa mga admins ko sa Miichiiko23sStories. Mag-thank you din kayo sa kanya kasi sa kanya talaga tong plot ng TP at hinayaan lang ako na isulat at ituloy sa account ko. 😂

Chapter 61

Halos matawa ako sa reaksyon ni Silver nang sabihin ko ang mga salitang 'yon sa kanya. Kitang-kita ko kung paano namula ang buong mukha niya hanggang sa tenga at kung paano niya itinikom ang bibig niya mula sa pagkakaawang. Pilit niyang tinatago ang pagkahiya sa sagot ko habang nakatitig sa akin.

"S-Should I pick you up later?" Umiling ako.

"Hindi ako pwede ngayon but we can try on upcoming Saturday," nakangiting saad ko sa kanya. Hindi na naman siya nakasagot. Lalong namula ang buong mukha niya kaya mas lalo akong natawa. Nakuha pa niya umiwas ng tingin sa akin at saka uminom ng tubig.

Pagkatapos namin kumain sa pares ay saka niya ako hinatid pabalik sa office. Pinuntahan ko si Wave sa office pero wala siya roon kaya nagtanong ako kay Carla kung nasaan si Wave. Nagpunta raw ito sa ospital dahil nanganak na raw ang asawa ni Sir Drew. It's a baby girl.

Tinatawagan din daw ako ni Wave kanina pero hindi ako sumasagot. Nakasilent din pala kasi ang telepono ko at busy din ako sa pagkain kanina ng pares. Napasarap din ang kwentuhan namin ni Silver kaya hindi ko napansin na tumatawag na pala siya.

"Pupuntahan mo ba? Mukhang may iba pa siyang pupuntahan bukod sa ospital dahil kanina pa siya may kausap sa telepono." nag-aaalalang saad ni Carla.

"Hindi na. Puntahan ko na lang siya sa pent house niya mamaya." sagot ko sa kanya. May biniling pent house si Wave para hindi na siya umuuwi sa kanila kapag may trabaho. Mas mabuti ng ganoon kesa sa mahirapan pa siya umuwi dahil sa traffic. Malapit lang din sa opisina iyong pent house niya.

Hindi na bumalik si Wave sa opisina kaya ang dami niyang gamit na nakalimutan. Kinuha ko tuloy iyong coat niya at saka ibang gamit para iuwi sa pent house niya dahil baka nandoon na siya ngayon at kailanganin. Madalas siya magpuyat ngayon dahil ang daming problema sa kumpanya. Kung minsan pa nga ay nagvivideo-call pa siya sa akin sa dis-oras ng gabi kapag kailangan niya ng kausap.

Sa Pent house na niya agad ako dumeretso pagkatapos ng trabaho. Akala ko nga wala siya roon dahil malay ko ba kung umuwi siya sa mismong bahay nila, buti na lang may ilaw iyong pent house niya kaya alam kong nandoon siya.

Nagdoorbell ako. Ilang minuto ang itinagal bago tuluyang bumukas ang pinto. I was ready to greet him pero hindi ko nagawa dahil hindi si Wave ang lumabas kundi si Tanya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot lang siya ng bathrobe at mukhang kakatapos lang maligo.

"Oh Reene, ikaw pala 'yan." Tuluyan ng nanikip ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya. Bigla kong naimagine ang mga bagay na hindi dapat kaya lalong nanikip ang dibdib ko. Para iyong baha na rumagasa bigla sa dibdib ko.

"Naliligo pa si Wave eh, gusto mo ba pumasok?"

Mabilis akong umiling at ibinigay na sa kanya ang coat ni Wave at iyong ibang gamit niya. "H-Hindi na! U-Uuwi na rin ako!"

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon