Chapter 33

1.7K 42 0
                                    

Chapter 33

HINDI KO ALAM kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa sinabi ni Jude ngayon sa akin o kung ano ba ang dapat ko sabihin sa kanya ngayon.

Pagkatapos naming magkahiwalay ni Wave, matagal-tagal bago ako ulit nagkaroon ng kaibigan na katulad ni Jude. I met Carla's first bago siya. At simula no'n ay naging mas close pa kami sa isa't isa.

Inaamin ko na madalas kaming pagkamalan ni Jude as a couple dahil palagi nga kaming magkasama. Sobrang bait na tao ni Jude. Sobrang caring niya kaya nga palagi kong sinasabi na ang swerte ng magiging girlfriend niya. Kaya itong pagsasabi niya sa akin na gusto niya ako nang higit pa sa kaibigan ay isang malaking pagkagulat at pagbabago para sa akin.

Hindi ko alam kung kailan, paano at kung saan nagsimula dahil simula pa naman noon ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya at wala nang hihigit pa roon.

"J-Jude..."

Tumingin ako kay Wave na ngayon ay nakasimangot pa rin. "Wave, pwede ba na hayaan mo muna kami mag-usap?"

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago ito bumuntong-hininga at saka tumango sa amin dalawa ni Jude. Bago ito umalis ay muli niyang tinignan si Jude na may halong pagbabanta ang tingin.

"I'll just give you twenty minutes with her Cabrera."

Umalis na si Wave habang hinila ko naman si Jude doon sa park kung saan palagi kaming nagkikita upang makapag-usap. Umupo ako roon sa may duyan at ganoon din siya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko sa kanya ngayon. Ito ang unang beses na may nagtapat sa akin at kaibigan ko pa. Akala ko sa mga libro lang nangyayari iyong magkakagusto ka sa kaibigan mo pero hindi pala. Para sa akin kasi, napakacomplicated nang ganoon dahil pupwede mawala iyong pagkakaibigan niyong dalawa kapag umamin ka. Iyong friendship na inalagaan niyo ng matagal, bigla na lang mawawala kasi may magbabago na at para sa akin, iyon ang bagay na ayoko mawala sa amin ni Jude.

Siya iyong tipo ng kaibigan na ayoko mawala.

"Kailan pa?" basag ko sa katahimikan na namumuo sa amin dalawa.

Tumawa si Jude ng marahan. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nagising ako na gusto na kita. I always cared for you. I always like you Reene, more than a little sister."

"P-Pero bakit ako? At saka..." Dahil sa sinabi niya ngayon sa akin, alam ko na may magbabago. Alam ko na hindi na kami babalik sa dati na magkaibigan lang ang tingin sa isa't isa. I didn't want to hurt anyone.

"Natatakot ka ba na may magbabago sa atin?"

Hindi ako nakasagot kasi totoo. Ayoko na may magbago sa amin dahil isa siya sa pinakamatagal kong kaibigan bukod kay Wave eh. Ayoko mawalan ng kaibigan dahil lang sa may gusto sa akin iyong tao. Ayoko rin makasakit dahil alam ko, ngayon pa lang hindi ko na maibabalik ang gusto matanggap ni Jude mula sa akin at nalulungkot na ako para roon.

Tumayo siya at pumunta sa harapan ko para lumuhod bago tuluyang hinawakan ang aking kamay. Ngumiti siya sa akin.

"Wala naman magbabago, Reene. Sinabi ko lang na gusto kita para alam mo."

Hindi ako nakaimik dahil biglang lumakas ang pintig ng puso ko sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Mas pinili ko na pagmasdan siya at ang ginawang pagtayo nito bago tumingin sa kaliwa.

"Tapos na kami mag-usap Cortez. You can go out now."

Kumunot ang noo ko at bahagyang nagulat nang makita ko si Wave na lumabas at nagtatago lamang doon sa hindi kalayuang malaking puno rito. Lumapit naman siya sa amin habang nakatago ang magkabilang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon