Please do votes and leave a comment.
---
Pagbaba ko ay may mga naririnig akong tunog ng kubyertos sa kusina kaya naman dumiretso na ako doon. Naabutan ko si Justin na kumakain doon kaya tahimik na lang ako na dumiretso sa ref para kumuha ng fresh milk at mansanas.Tahimik lang kaming dalawa at walang nagkikibuan. Nang mailagay ko ang gatas sa baso ay ibinalik ko na lang ulit ito sa ref at dumiretso sa kwarto ko. Dito muna ako magpapalipas ng oras ba'ka galit pa kasi sakin yun eh. Galit na nga siya kagabi tapos dadagdagan ko pa. Ede, mas lalo na niya akong di pinatawad. Hayyy! Buhay.
Ilang minuto din akong naghintay sa kwarto ko bago bumaba. Saktong pagbaba ko ang siyang pag-alis naman niya, dahil narinig ko ang tunog ng kotse niya.
Agad akong dumiretso sa kusina para magluto ng lunch niya. Kahit na alam kong itatapon niya lang ito ay ipagluluto ko pa rin siya. Ganun ko siya kamahal.
NATAPOS ang mahabang oras at sa wakas ay lunch time na. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa department nila para ibigay ang inihanda kong pagkain sa kanya.
"Kyrie, si Justin ba hanap mo?"tanong sakin ng kaklase niya na si Mar.
"Nandiyan ba siya?"
"Naku, kaaalis lang. Ba'ka nasa covered court yun. Puntahan mo na lang."tumango ako sa kanya tsaka siya nginitian.
"Sige. Una na ako ha."tumango din siya tsaka siya nagwave. Nagwave back naman ako bago ko ituon sa daan ang atensyon ko.
Nagmadali akong pumunta sa covered court at naabutan ko sila doon. Nandun siya at kasama niya ang mga barkada at pinsan niya. Pare-pareho silang may kalingkisang babae na siyang inilingan ko na lang. Nasasaktan ako sa nakikita ko pero wala naman akong magawa. Ako yung may kasalanan eh.
Tumalikod na lang ako sa kanila at akmang aalis na sana ako ng tawagin ako ni Angelo, pinsan niya.
"Kyrie!"lumingon ako sa kanya at awkward na lang na nagkamot ng batok. "Napano yang kamay mo?"tanong niya pa sakin.
Napatingin ako sa kamay ko na may benda at agad ko iyon itinago sa likod ko.
"W-wala 'to."sagot ko at ibinaling sa iba ang tingin ko. Mukhang naindihan naman niya kaya nag-iba siya ng topic.
"Halika dito. Kay Justin ba yang dala mo? Akin na lang, tutal itatapon niya din naman."
Bahagya na lang akong ngumiti bago nagsalita.
"Kay J-justin kasi 'to eh."medyo ang awkward lang dahil sinabi ko iyon sa kanya. In fact ay alam 'kong itatapon lang naman ni Justin. Pero di bali, malay mo tanggapin na niya.
Lumapit ako kay Justin at di inalintana ang babaeng nakalingkis sa kanya at ang sama-sama ng tingin sakin.
"Ito oh, maglunch ka muna."nginitian ko siya kahit na nasasaktan ako sa mga tingin na binibigay niya. I know that I deserve this but damn! Sobra akong nasasaktan sa ugali niya ngayon. Sobra akong nasasaktan, the way he treat me.
Tumayo si Justin sa kanyang kinauupuan at lumapit sakin. Yung sakit na nararamdaman ko ay tila ba naglaho dahil sa wakas ay lumapit na siya sakin. At mas lalong nagdiwang ang loob ko ng kunin niya ang hawak 'kong lunch box. Yun pa lang ay masayang-masaya na ako.
Lumawak ang ngiti ko ng buksan niya iyon at napangiti siya sa laman. Atleast I see him again smiling. Pero agad na naglaho ang ngiti ko ng itapon niya sa pagmumukha ko yung pagkain na ginawa ko. Parang tumigil ang mundo ko at tanging ang ginawa lang niya ang nakikita ko. Ramdam ko din ang pangingilid ng luha ko dahil sa hiya at sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Love✔
General FictionHanggang saan ang kaya mong habulin para sa pag-ibig? LANGUAGE:English & Tagalog SERIES:Vallejos 1:Justin Vallejos GENRE:General Fiction STATUS:Completed AUTHOR:M.M (Miixxiimii)