Chapter Two

573 10 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
"What?! Engagement with that girl?!!"di makapaniwalang wika ni Justin sabay tingin sakin ng masama.

Alam ko naman na magiging ganito ang ang reaction niya pero okay lang. Magtitiis ako para sa kanya. Mahal ko eh.

Ngayon pala ay kasalukuyan kaming nasa bahay nila tita Janesse, yung bahay na gagamitin namin ni Justin na malapit lang sa university na pinapasukan namin. Excited na ako na makasama siya sa bahay. Alam 'kong mas mapapalapit ako sa kanya at mas magiging okay kami. Tsaka anim na buwan ko na din siyang sinusuyo at hanggang ngayon ay di pa rin ako sumusuko. Kahit na lagi niya akong pinagtatabuyan ay okay lang. Kasalanan ko din naman kasi kung bakit ganun na lang ang trato niya sakin. Hsst! Sana balang araw ay mapatawad niya ako. Sana bumalik ulit yung dating kami. Pero alam ko naman na bago mangyari iyon ay marami pa akong mapagdadaanan na pagsubok. Isa na dun ang ugali niya. Hsst!

"Hija, mauuna na kami."napabalik ako sa reyalidad ng sabihin iyon ni tita. Masyado akong nag-iisip kanina kaya hindi ko na namalayan na tapos na pala silang mag-usap ng anak niya.

"Sige po, tita. Mag-ingat po kayo sa daan."wika ko tsaka ako nakipagbeso sa kanya.

Nang makalabas sila ni tito ay humarap ako sa taong pinakamamahal ko, pero isang irap lang ang binigay niya sakin.

"Tsk!"inis niyang saad bago padabog na umupo sa sofa na nasa living room.

Bumuntong hininga muna ako bago ako ngumiti sa kanya kahit na nakatalikod siya sakin.

"Salamat dahil pumayag ka. Gutom ka na ba?"tanong ko sa kanya at ilang segundo pa ang lumapas ng hindi siya sumagot kaya kumibit-balikat na lang ako.

Talk to my hands ako ngayon. Pero okay lang dahil ito naman ang gusto ko. Dapat masanay na ako. Alam ko naman mahihirapan siyang patawarin ako pero okay lang. Kaya ko 'to. Ako pa!

Nagluto ako ng paborito niyang sinigang. Sana makuha siya sa asim ng sinigang na ito. Alam ko naman na di yun makakatangi dahil ang luto ko ang pinakapaborito niya sa lahat. Ayee! Naeexcite tuloy ako sa magiging reaction niya.

Hinanda ko na yung plato, kutsara't-tinidor, baso, tubig, at pati na rin yung kanin at ulam. Nang matapos ay nagtungo ako sa sala para tawagin siya pero wala na siya doon. Kaya naman dumiretso ako sa kwarto niya pero wala din siya du'n. Nanlulumo na lang ako na bumaba at bumalik sa kusina. Umalis pala siya 'di man lang nagpaalam. Psh! Kung sabagay, di naman na kami para ipaalam niya pa ang mga lakad niya sakin.

Kaysa lumamig ang niluto ko ay kumain na lang ako. Magtitira na lang ako ng ulam para sa kanya. May oven naman kaya ipainit na lang niya kapag dumating siya.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko bago ako umakyat sa kwarto ko. Alam ko naman na ayaw niya akong makasama kaya sa kabilang kwarto na lang ako matutulog. Dalawa naman ang kwarto dito eh.

Anim na buwan ko na siyang hinahabol at hanggang ngayon ay ganun pa rin ang treatment niya sakin. Siguro nga nasaktan ko siya pero mas nasasaktan naman ako kapag nakikita ko siya na may ibang babae na nakalingkis sa kanya. Kapag may ibang babae na hinahalikan niya. Ang sakit. Parang nadudurog ang puso ko dahil du'n.

Bago ako makatulog ay pinunasan ko muna ang luhang tumulo dala ng sakit na nararamdaman ko.

NAGISING ako ng may marinig akong kalabog sa labas ng pinto ko. Kaya naman dali-dali akong bumangon dahil ba'ka si Justin na iyon. Nang buksan ko ang pinto ay di nga ako nagkamali. Si Justin nga iyon.

Lumapit ako sa kanya para alalayan siya. Lasing na lasing eh at mukhang hindi na siya makatayo ng maayos.

"Gabi na. Saan ka ba pumunta?"tanong ko sa kanya habang inaalalayan siyang tumayo ng maayos.

"Ano ba?!!"sigaw niya sakin sabay tabig sa kamay 'kong nakahawak sa kanya. Kaya naman natama sa gilid ng lamesa yung kamay ko.

Naramdam ko na naman ang pangingilid ng luha ko. Ito na naman ako at nasasaktan, hindi lang emosyonal kundi pati na rin pisikal.

Naglakad na si Justin papasok sa kwarto niya kaya hinayaan ko na lang. Bumalik ulit ako sa kwarto ko at doon ko ibinuhos ang luha ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay binuhos ko na sa pamamaran ng pag-iyak ng tahimik. Damn! Ang sakit eh.

Pinahid ko ang luha ko at naramdam ko ang hapdi sa kamay ko kaya tinignan ko iyon at may sugat pala. Imbis na mag-iiyak ako ay tumayo na lang ako at ginamot iyon. Ayoko namang mainfect ang sugat ko. Mahal ko pa naman ang sarili ko pero mas mahal ko siya.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon