Chapter Seventeen

458 10 2
                                    

Please do votes and leave a  comment.

---
"Ready na ba ang mga papeles mo?"tanong sakin ni Sir pagkaupong-pagkaupo sa upuan.

"Ah...eh...Sir, kasi..."di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ayokong sumama sa exchange student. Ayoko kasing iwan ulit si Justin dahil hindi pa kami nagkakaayos. Tsaka ayoko ng iwan pa siya ulit.

"Ano ba ang saaabihin mo, Ms.Madrigal?"tanong ni Sir habang ngiting-ngiti pa ito sakin.

Napabuntong hininga naman ako habang pinaglalaruan ang palad ko. Kaya 'to!

"Sir, p-pwede bang wag n-na lang sumama sa exchange student?"agad na kumunot ang noo ni sir dahil sa sinabi ko.

"Why? Hindi ka ba interesado? Sayang naman kasi, Kyrie. New learning system, don't you want?"sunod-sunod niyang tanong na mabilis ko namang inilingan.

"H-hindi naman po kasi ganun. M-may problema pa po kasi akong h-hindi naaayos."sagot ko sa kanya.

"Tungkol ba kay Justin?"muli akong napatingin sa kanya ng itanong niya iyon. "Alam ko na ang ginagawa sayo ni Justin. Bakit ka ba kasi nagtitiis sa pamangkin kong iyon!"reklamo ni sir at gulat na gulat naman ako sa sinabi niya.

Pamangkin? Si Justin?

"Oo. Kapatid ko ang papa niya. Sa lahat ng magpipinsan siya ang pinakamatigas ang ulo. Haiist! Hindi naman siya pinalaki ng magulang niya ng ganyan pero bakit siya nagkaganun."dugtong niya pa. Napayuko naman ako dahil doon.

Alam 'kong isa ako sa mga naging dahilan kung bakit nagkaganun si Justin. Sana bumalik na siya sa dati. Madami ng nahihirapan dahil sa ugali niya.

"Sorry po, Sir."wika ko sa kanya.

"Okay lang. Di mo naman kasalanan kung bakit siya nagkaganun. But back in our topic, tatangapin mo ba o tatangihan mo? You only have two days to decide? Sa makalawa na kasi ang flight niyo. Sana hindi maging hadlang ang pamangkin ko sa pagtupad mo sa pangarap mo."litanya ni Sir at bahagya niya pa akong nginitian.

Muli akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya.

"Pag-iisipan ko po. Tatawagan ko na lang po."

"Sige, maghihintay ako."wika niya sakin kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at lumabas ng office niya.

Nakakainis lang dahil kailangan 'kong mamamili. Ayaw kong iwan si Justin pero gusto din naman matupad ang pangarap ko. Hsst!

NAPABALIKWAS ako ng tulog dahil sa pagring ng cellphone ko. Agad ko iyon kinuha at sinagot.

"Hello?"inaantok kong wika.

Hindi ko alam kung sino ang tumawag dahil di na ako nag-abala pang tignan ito.

["Kyrie! Puntahan mo si Justin dito sa The Bar! Lasing na lasing na siya at naghahamon pa siya ng kaaway. Tetext ko na lang ang lugar. Bilisin mo."]parang nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya.

Si Justin? Lasing?

Agad akong bumaba sa kama ko at nagpalit ng dami. Damn! Bakit na naman kaya siya naglasing? Hsst!

Pinara ko ang taxi nmadadaan sa kinaroroonan ko. Sinabi ko kay kuya driver ang lugar at agad naman niya itong pinandar patungo doon.

Pagkababa ko sa sasakyan ay agad 'kong natanaw ang magpipinsan na inaawat si Justin dahil nagpupumilit na bumalik sa loob.

"Ano ba! Gushto koh pang uminom!"lasing niyang sigaw sa mga pinsan niya habang nagpupumiglas.

Nang makita ako ni Tyler ay agad siyang lumapit.

"Kyrie, patigilin mo nga yung pinsan ko. Nakakabwisit na eh. Tignan mo nga ang labi ko oh, sabog kasi sinuntok ako. Tapos tinatanong namin kung bakit siya nananakit pero pangalan mo naman ang sinasabi niya."paliwanag niya sakin habang nakahawak siya sa pumutok niyang labi. "Hsst! Paano na ako makakaporma kay Missy ngayon!"reklamo niya.

Hindi ko kilala kung sino yung tinutukoy niya. Siguro bago na naman niya. Pare-parehas lang kasi ang mga magpipinsang ito na mahilig sa babae.

"Pasensya na sa ginawa niya."paghingi ko ng tawad tsaka ko siya iniwan doon na puro reklamo lang ang ginagawa.

Tumungo ako sa dalawa pang pinsan ni Justin na umaawat sakin at halos sabay pa silang napalingon sakin.

"Hoy Justin! Andito na si Kyrie oh!"sigaw ni Anthony na may galos din ang pisnge.

Napalingon sakin si Justin at agad na nagliwanag ang mukha niya habang papalapit sakin. Pagewang-gewang pa nga eh. Halatang-halata na lasing siya.

"You came! You didn't left me!"masaya niyang bigkas at agad na yumakap sakin.

Sa paraang iyon ay parang nagdiwang ang puso ko dahil sa ginawa niya. Masaya siya dahil hindi ko siya iniwan. Kung gayun ay yun ba ang dahilan ng paglalasing niya?

Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti dahil sa sobrang kasiyahan.

"Tara na umuwi na tayo?"malambing 'kong bulong sakin at agad naman siyang umalis sa pagkakayakap sakin.

He cupped my face at then he smile before nodding me.

"Tara na, mahal."sagot niya tsaka niya iniakbay sakin ang braso niya.

Kahit na lasing na lasing siya ngayon ay di ko maiwasang hindi mapangiti dahil kahit papaano ay nagbalik ang dating Justin na minahal ko. Justin na kahit anong mang maging ugali niya ay mamahalin ko pa rin.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon