Chapter Thirteen

379 7 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Stress akong lumabas sa room dahil sa activity na pinagawa ni Sir. Wala kasi akong assignment kaya may dagdag na activity ang ibinigay niya, to the point na umabot na ako ng alas dose. Grabi talaga magbigay ng parusa ang kalbong iyon. Mabuti na lang dahil yung accounting lang ang subject ko ng umaga.

Dumiretso ako sa canteen para maglunch muna. Ewan ko kung nasan si Marie. Ba'ka nakipagdate na naman ang babaeng iyon.

"Ate, isang order nga po ng sinigang at dalawang kanin."ganyan ako kagutom. Grabi!

"Ito na po ang order niyo."wika ni ate kaya nagbayad na ako sa kanya, tsaka ko kinuha ang tray ng pagkain ko.

Naghanap ako ng mapwepwestuhan dito at ng may makita ako ay dumiretso ako doon. Sa wakas ay uulan na naman ng pagkain ang tiyan ko. Nagugutom na din kasi ang mga alaga ko eh.

"Pwedeng makiupo dito?"tanong ng boses lalaki kaya naman napaangat ako ng tingin.

Si David pala na may dala-dala ring tray ng pagkain habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Sige lang."sagot ko sa kanya tsaka ko siya nginitian.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya naman ay salita lang ng salita.

"Buti na lang talaga at naiwan noon ni Marie ang notebook, kundi wala sana akong assignment. Mapapalabas na naman sana ako ng kalbong professor na iyon. Hahhaa!"tawa niya na di ko na lang pinansin dahil nasa pagkain ang atensyon ko. Gutom na gutom ako kaya naman walang kahit na anong salita ang gustong pumasok sa utak ko. Bahala siya diyan.

"Kyrie, ano pa lang gagawin mo mamaya?"tanong niya ng matapos na kami sa pagkain.

"Wala. Pagtapos ng huling subject ko ay uuwi na ako sa bahay. Bakit?"kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Ah..hehehe..."napapakamot pa siya sa kanyang batok habang may awkward na ngiti. "Yayayain sana kitang mamasyal mamaya. Yun ay kung okay lang sayo?"napabuntong hininga ako sa sinabi.

Dahil may utang na loob ako sa kanya ay tumango ako na siyang nginitian naman niya.

"3pm. Sa school gate na lang tayo magkita."wika ko bago ako tumayo sa inuupuan ko at naglakad na patungo sa next subject ko.

-
Dumating ang oras kaya pumunta na ako sa simabi kong pagkikitaan namin. Malayo pa man ako ay natatanaw ko na si David na palakad-lakad doon sa guard house habang nakayuko siya. Binilisin ko na lang ang paglalakad ko para makapunta na ako doon.

"Hey."bati ko sa kanya kaya agad siyang nag-angat ng tingin.

Isang matamis na ngiti ang pinakita niya sakin na talaga namang nakakadagdag sa kagwapuhan niya.

"Let's go?"tanong niya na tinanguan ko naman.

Binigay niya sakin ang isang helmet na kinunutan ko naman ng noo.

"Aanhin ko yan?"tanong ko sa kanya.

"Kakain mo."sarkastikong wika niya kaya naman napairap ako. "Malamang isusuot mo dahil sa motor ko tayo sasakay."dugtong niya at siya na mismo ang nagsuot sakin ng helmet.

Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya dahil sa wala akong masabi. Hanggang sa sumakay na siya sa sasakyan niya at enistart ang engine.

"Let's go."yaya niya at nilahad pa ang kamay.

Ilang ulit na akong nakasakay sa sasakyan niya pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan. Ang bilis-bilis niya kasing magpatakbo. Daig pa ang may emergency sa sobrang bilis eh. Tsk!

Kinuha niya ang palad ko at ipinatong niya iyon sa balikat niya. Nilagay ko naman ang bigat ko doon para makaangkas sa sasakyan niya.

"Wag mong bilisan ha!"paalala ko sa lalaking 'to.

"Tsk! Kumapit ka na lang."wika niya at walang sabi-sabi na pinaandar ang motor.

Potek! Bwisit talaga ang lalaking 'to! Di pa nga ako ready tapos pinaharurot na niya. Yan tuloy nasubsob ang mukha ko sa balikat niya habang nakayakap ako sa kanyang bewang ng mahigpit.

I heard him chuckle kaya sinamaan ko siya ng tingin kahit di naman niya nakikita.

"Grip me tight, baby."wika niya na siyang ikinataas naman ng balahibo ko.

Damn! What did he said?! He called me baby?!

"Anong baby'ng pinagsasabi mo diyan?! Tsk! Tsk!"singhal ko sa kanya na ikinatawa naman niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil pinagtritripan na ako ng lalaking 'to. Bwisit!

"I'm just concern."wika niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang unti-unting paghina ng takbo ng sasakyan niya.

"Concern ka diyan! Pinagtritripan mo ako eh!"sagot ko at ng tumigil ang sasakyan ay agad akong bumaba dito.

Bumaba din siya sa sasakyan niya habang may ngisi sa labi niya. Inirapan ko siya dahil sa ginawa niya.

"Don't be mad."mahihimigan ang lambing sa boses niya na nakakapagpatayo sa balihibo ko.

Kinikilabutan na talaga ako sa lalaking  'to. Tama pa ba na sumama ako sa kanya?

"Let's go."yaya niya at tsaka na niya ako hinila.

Nagpahila na lang ako sa kanya at bahagyang pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin.

Nasa tabing dagat pala kami at ang daming nagtitinda dito ng kung ano-ano. Well, I guess ay nasa Manila Bay kami.

"What food would you like to eat?"napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang boses niya.

Nakangiti lang siya sakin at pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Damn his smile! It gaves me unconcious heart beat!

Nilipat ko na lang ang paningin ko sa tapat ng stall na kinaroroonan namin. Puros street foods ang nandito kaya nagtataka akong napalingon sa kanya.

"Kumakain ka ng mga ito?"di makapaniwalang bulalas ko.

Wala kasi sa itsura ng lalaking ito na kumakain siya ng street food. Knowing him na ang arte-arte niya. Tsk!

"Yes, why? Hindi ka ba kumakain ng ganito?"tanong niya na agad ko namang inilingan.

"Syempre kumakain ako nito. Ang sarap kaya!"wika ko at humarap ako kay kuyang nagtitinda. "Kuya, benteng kwek-kwek nga po at sampung pisong kikyam."

Agad na nagsukat si kuya kaya nilingon ko muna si David na nakanganga ngayon. I snap my finger in front of his face to him back to the reality.

"Ano? Tutunga na lang?"tanong ko sa kanya kaya agad siyang napakamot sa batok niya.

Siguro ay di siya makapaniwala sa binili ko. Hmm. Ang konti pa nga lang yun kumpara sa binibili ko dati eh!

"Sorry."wika niya bago bumaling kay kuya. "Same order with her."

Si David na ang nagbayad sa order namin ng iabot yun ni kuya. Agad kaming naghanap ng mauupuan ng may makita kami ay doon na kami pumuwesto.

Grabi! Ang tagal ko ng di nakakain ng ganito. Ang sarap. Yum-yum-yum-yum.

Tumungin ako kay David na katabi ko lang at sarap na sarap din siyang kumakain sa street food niya. Gwapo si David at hindi maipagkakaila iyon. Naging ultimate crush ko nga siya noong highschool kami eh. Yung tipong lahat ng lakad niya ay alam ko. Lahat ng pangalan ng girlfriend niya ay alam na alam ko. Sobrang sungit niya pa nga noon at ang arte-arte. Lalo na kapag pumupunta ako sa bahay nila Marie ay lagi niya akong sinusungitan. Para siyang may dalaw lagi pero ngayon. Ito na siya at ang bait-bait sakin. Nangungulit at parang bata kung umasta. Hindi ko nga din aakalain na kumakain din siya ng street food eh. Sa sobrang kartehan ba naman ay di mo aakalain na kumakain siya ng ganito.

Pangak na lang akong napangiti dahil kay David. Hindi man naging maganda ang nangyari sakin kahapon at kaninang umaga ay napangiti niya pa rin ako kahit papaano. Kung pwede lang talagang pumili, sana si David na lang ulit.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon