Chapter Seven

449 10 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Gabi na kami nakauwi at hinatid naman ako ni David dito sa bahay. Nagmamadali akong pumasok sa loob dahil naabutan 'kong bukas ang mga ilaw. Alam 'kong nandito si Justin at siguradong patay na naman ako sa kanya kung sakali.

"Where have you been?"napatigil ako sa paglalakad patungong hagdan ng marinig ko ang boses niya.

Kahit kinakabahan ako ay dahan-dahan akong humarap sa kanya para salubungin ang mga kilay niyang nagbabanggaan.

"D-diyan lang."nauutal 'kong sagot sa kanya.

Kinunutan naman niya ako ng noo dahil sa sinabi ko.

"Diyan lang! Are you fucking kidding me?!!"singhal niya na nagpalukso sa kaluluwa ko. Kasi naman! Nakakagulat siya kung sumigaw. Ramdam ko din ang galit, inis, at pag-aalala sa boses niya. Wait, pag-aalala? Meron ba siya nun?

"N-namasyal lang s-sa bayside."muling saad ko tsaka ako yumuko at pinaglaruan ang mga kuko ko sa hinlalaking daliri ko.

Natatakot ako sa kanya at kinakabahan din ako. Lagi naman siyang nagagalit noon kapag nakikita akong nagbibigay ng lunch niya pero ngayon parang iba. Parang mas di ko kakayanin ang galit niya ngayon.

"Go up and change your clothes. Sabayan mo ako sa pagkain."utos niya na agad ko namang ginawa. Ba'ka kasi mamaya ay madagdagan pa ang galit niya.

Agad akong nagbihis at nang matapos ay bumalik ako sa baba para sabayan siya sa pagkain. Masaya ako dahil pangatlong beses na niyang ginawa 'to. Pangatlong beses na niya akong sinasabay sa pagkain niya.

Adobo ang nakahain ngayon. Nang tikman ko ay halos masamid ako sa sobrang alat. Parang binudburan niya ng napakaraming asin sa sobrang alat ng adobo.

"Okay ka lang?"may pag-aalala sa boses niya habang tinitignan akong umiinom ng tubig.

"Oo. Ikaw ba ang nagluto?"tanong ko sa kanya na tinanguan naman niya.

"Masarap ba?"tumango na lang ako sa kanya kahit na napipilitan lang. Nakakahiya naman kasi sa kanya dahil siya na nga ang nagluto tapos sasabihin ko pa ng di masarap.

Pagtapos nu'n ay tahimik na lang kami sa buong hapag at nang matapos ay ako na ang nagligpit. Siya kasi ang nagluto kaya ako naman ang magliligpit. Okay na din sana ang adobo niya dahil nanonoot ang linamnam niya kaso maalat talaga. Magkakabato ako ng wala sa oras dahil sa adobo niya.

Nang matapos akong maghugas ay tumungo na ako sa living room at nandun siya. Nanunuod siya ng Truth or Dare na movie.

"Akyat na ako sa taas. Matulog ka na rin dahil gabi na."wika ko sa kanya tsaka bahagya siyang nginitian ng nakatuon na lang sakin ang atensyon niya.

Gusto mang lumukso ng puso ko pero syempre, pinipigilan ko ang sarili ko na kiligin dito. Mabilis akong umiwas ng tingin at naglakad patungo sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay pinatay ko agad ang ilaw tsaka ako nagdive noon habang kinikilig. This day was so happy! Improving na ang araw ko at sana magtuloy-tuloy na ito.

Di ko namamalayan na nakatulog na pala ako. Pero agad akong napabalikwas ng may marinig akong sunod-sunod na mga katok. Nagmamadali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ay isang yakap ang sumalubong sakin. Medyo napaatras pa ako ng kaunti dahil sa bigat ng katawan ni Justin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya tila ba ayaw akong pakawalan.

Ginantihan ko naman siya ng yakap at bahagyang tinapik ang likod niya. Ramdam ko din ang basa niyang sando na dala ng matinding pawis niya.

"Anong nangyari?"tanong ko sa kanya, pero di siya sumagot at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon