Chapter Fifteen

406 6 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
"Dito na lang."wika ko kay David ng makatapat kami sa isang bahay bago ang bahay namin.

"Ihahatid na kita hanggang sa tapat ng bahay mo."pilit niya pero nakastop naman na ang motor niya dito.

Bumama na lang muna ako bago ako sumagot.

"Hindi na. Malapit naman na."

Ayoko lang kasi na makita siya ni Justin. Last time kasi na nakita siya ay nagdadabog siya. Ayoko lang maulit iyon dahil mahirap suyuin si Justin.

"Kung yan ang gusto mo. Pero sana pumayag kang ihatid kita ng tingin."pagsusumao niya na tinanguan ko na lang.

"Salamat pala sa araw na ito. Nag-enjoy ako."nginitian ko siya ng bahagya.

Kahit papaano naman kasi ay nag-enjoy ako sa accompany niya. Kahit na medyo nakakasakit yung kanta niya kanina ay napasaya niya pa rin ako. Kahit papaano ay nakalimutan ko ng panandalian ang problema ko kay Justin.

"Ako din. Thank you, Kyrie."wika niya at halos manlaki ang mata ko ng halikan niya ako sa pisnge.

Damn! Bakit ganun? Yung puso ko ay parang sasabog na sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Shock na shock pa rin ako sa ginawa niya. Siguro kung noon ay nangyari 'to ay ba'ka nangisay na ako sa sobrang kilig.

"Sige na. Goodnight, Ky."napabalik ako sa huwisyon ng marinig ko ang boses niya.

Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako nagsalita.

"S-sige.Night."nauutal 'kong sagot sa kanya at dali-dali na akong tumalikod at pumihit ng lakad.

Shit! Ano yun?! Bakit ganun ako makareact? Damn! Damn! Damn!

Bumunting hininga muna ako bago ko tinignan ang bahay namin. Patay na ang ilaw dito. Ba'ka tulog na siguro si Justin. Kumain na kaya yun? Kamusta kaya ang araw niya ngayon? Haiist!

Muli akong yumuko at nagpatuloy sa paglalakad. Binuksan ko yung gate namin at pumasok sa loob pero halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang malamig niyang boses.

"You're late. Ganito ba ang oras ng matinong babae at talagang sa kalye ka pa nagpahalik?"may halong pagkasarkastiko ang pagkakasabi niya pero nandoon pa rin ang lamig sa kanyang boses.

"A-ano..."

"Don't explain. I don't need your explaination, bitch."malutong niyang ani bago pumihit paralikod at naglakad na patungo sa loob.

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko para pigilan ang luhang nagbabadyak mahulog. Damn! Ang sakit. Ang sakit-sakit na sa kanya pa talaga nanggaling ang salitang yun. Pakiramdam ko ay tinusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko dahil sa salitang binitiwan niya.

Kahit na anong gawin ko ay hindi na talaga niya ako mapapatawad. Hindi lang naman ito ang unang beses niya akong tinawag na malandi eh. Sobrang sakit para sakin na tinatawag niya akong ganun. Sobra. Pero kahit ganun siya sakin ay sinusuyo ko pa rin siya. Gumagawa pa rin ako ng paraan para magkaayos kami at makapagpaliwanag ako sa mga nangyari noon. Kasalanan ko naman kasi talaga lahat eh. Sinaktan ko siya kaya dapat lang din na maranasan ko 'to ngayon. Siguro ito na ang karma ko.

Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang napakalawak na kalangitan na wala man lang kahit isang bituin. Pati langit ay nakikiisa din sa nararamdaman ko. Bahagya na lang akong napangiti dahil doon.

-
"How's your staying there, baby?"tanong sakin ng daddy ko habang hinahaplos niya ang buhok ko at ako naman ay nakayakap sa kanya.

Linggo kasi ngayon at naisipan 'kong dalawin ang daddy ko. Wala naman si Justin sa bahay dahil maaga siyang umalis at nagmamadali pa. Isang linggo na ang nakakalipas pero di niya pa rin ako pinapansin. Kahit kainin man lang niya sana ang mga inihahanda ko sa kanya ay di niya ginawa. Sinayang ko na naman kasi ang kaunting tiwala na binigay niya sakin. Hindi ko na alam kung paano kopa iyon ibabalik. Haiist!

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon