Chapter Six

459 10 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Humihikab pa akong habang bumababa sa hagdan. Madaling araw na kasi akong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa mga galaw ni Justin.

Pagkadating ko sa puno ng hagdan ay narinig ko ang ingay sa labas. Kaya naman dumiretso ako doon at nakita ko si Justin na sinasara ang gate bago siya sumakay sa kotse niya. Ang aga pa ha? Saan naman kaya siya pupunta?

Nagkibit balikat na lang ako dahil ayokong mabadtrip ngayong araw. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Dumiretso na lang ako sa kusina at nagsalin ng fresh milk sa baso tsaka ako kumuha ng mansanas. Ito ang agahan ko at sanay na ako sa ganitong agahan.

Pumunta ako sa living room at sinindi ang T.V. Manunuod muna ako para maaliw ang sarili ko. Ayoko munang mag-isip ng mga bagay-bagay ngayon. Medyo maganda naman ang araw ko kahapon kaya gusto 'kong ipagpatuloy iyon.

Di ko alam kung anong oras na. Hindi ko rin dala ang cellphone ko kaya umakyat muna ako sa taas para kunin iyon. Pagbukas ay may five missed calls ako sampung text. Binuksan ko iyon at unknow number naman ang nakaregister kaya pinilig ko na lang ang ulo ko at di na pinansin iyon.

Nang ibubulsa ko na sana ay bigla siyang nagring. Yung number kanina na tumatawag ay yun rin ang tumatawag ngayon. Sinagot ko ang tawag dahil ba'ka si Justin iyon. Ba'ka nagpalit siya ng number. Pero nadisappoint lang ako ng hindi niya boses ang bumungad sakin.

["Ghad you answer it!"]masayang wika ng nasa kabilang linya. Lalaki ang boses niya kaya napakunot ang noo ko.

Number ni daddy, Justin, at ni tito John lang ang nakaregister na lalaki sa cellphone ko. Bukod dun ay wala na.

"Sino 'to?"tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Rinig ko naman ang pagtawa niya kaya naningkit ang mga mata ko kahit di naman niya nakikita.

["Magkasama lang tayo kagabi tapos nakalimutan mo na ako? Aww, ang sakit..."]sagot niya sakin na nagpalaki naman sa mga mata ko.

"David!!"

["Yes. The one and only."]

"Paano mo nalaman ang number ko?"tanong ko dahil sa pagkakatanda ko ay di ko naman binigay ang number ko sa kanya.

Tumawa ulit siya sa kabilang linya kaya sumingkit na naman ang mga mata ko.

["Seriously, Kyrie? Tinatanong mo pa ba yan? Malamang kinuha ko sa kapatid ko ang number mo."]napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinagot niya. Si Marie talaga! Bakit naman niya binigay sa kapatid niya ang number ko? Hsst!

"Burahin mo na yang number ko sayo."utos ko sa kanya pero nabwisit lang ako sa sinagot niya.

["Ah-oh! Mukhang di ko ata magagawa yun. Unless, sumama ka sakin ngayon para mamasyal sa labas."]napairap ako dahil dun.

Dati naman ay hindi ganito si David. Ang sungit-sungit niya noong highschool kami tapos ang ilap-ilap niya pa sa tao. Ano kaya ang magandang hangin na nagpabago sa ugali niya?

"Kuya naman eh!"medyo naaasar 'kong wika. Naalala kong ahead siya ng talong taon sakin kaya naman bwibwisitin ko siya sa pagtawag ng kuya.

["Oh? Bakit baby?"]natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil doon.

Ilang sandali pa ang lumipas ng humagalpak siya sa tawa.

["HAHAHAHAHAHAHAHA! I imagined your face."]ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Dahil sa inis ko ay binabaan ko siya ng tawag. Bwisit na David yun! Masasakal ko yun kapag nakita ko siya. Sabi ko, ako ang mang-aasar pero ako naman 'tong naasar. Aaaiiisssh!! Kainis ka DAVID!!!

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon