Please do votes and leave a comment.
---
Napabuntong hininga ako habang naglalakad dito sa quadrangle. Patungo ako ngayon sa building nila Justin dahil wala naman na akong subject kaya susunduin ko siya. Yun din kasi ang napag-usapan namin kaninang umaga bago kami naghiwalay ng landas.Habang papaliko ako ay may mga naririnig akong rumors galing sa mga estudyante na nakatambay dito.
"Yeah. Dalawa na nga sila."
"Oww, ang swerte naman ni Shane dahil naging boyfriend na niya si Justin."
"Sinabi mo pa. Alam mo matagal ko na ngang crush si fafa Justin eh."
"Hsst! Nakakainggit yung kissing scene nila."
Kinabahan ako sa narinig ko. Justin? Sana naman mali ang mga naiisip ko. Hindi naman sana ang Justin ko ang pinag-uusapan nila. Hindi sana siya. Alam 'kong mahal ako ni Justin. Mahal niya ako kaya di niya magagawa 'to sakin.
Pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala ang mga isiping iyon. Madami namang Justin sa mundo kaya sigurado akong ibang Justin ang tinutukoy nila.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko para makapunta na sa room nila. Malapit na ako sa mismong room nila ng makita ko siyang lumabas kasama ang isang babae. Pumunta sila sa tabing pinto at nag-uusap doon. Yung puso ko na nananahimik kanina ay parang hinihiwa na ngayon. Gusto ko mang lumapit sa kanila pero di ko magawa. Parang na glue na ang paa ko dito.
Siguro kaklase niya lang yan. Kaklase lang yan, Kyrie kaya wag kang mag-emote! Pagpapatahan ko sa sarili ko. Wala lang yan. Wala yan.
Paulit-ulit 'kong kinukumbinsi ang isipan ko na kaklase niya lang pero diko magawa. Lalo na ng makita kong hinalikan niya yung babae. Pakiramdam ko ay nabasag ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ramdam ko din ang pagbuhos ng luha ko. Gusto ko man silang sugudin pero di ko magawa. Masakit. Mapait. At nakakatanga. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa kanilang dalawa na naghahalikan.
Akala ko pa naman ay loyal siya. Akala ko pa naman ay akin na siya. Akala ko bumalik na kami sa dati. It's almost one month na kaming ayos pero mukhang in my dreams lang ata yun. Dahil kung totoo niya akong mahal ay hindi niya dapat gagawin yan. Di dapat siya hahalik sa ibang babae.
Naramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko at walang habas niyang tinakpan ang mga mata ko gamit ang kanyang palad. Salamat sa ginawa niya dahil kung magtatagal pa ako na tignan sila ay parang di ko na kaya.
"Get a room!"sigaw ng lalaking nasa likuran ko.
Boses pa lang niya ay kilala ko na. Boses pa lang niya ay nakakapagpakalma na. Pakiramdam ko ay may taong handang maging sandalan ko. May taong handang promotekta sakin.
Thank you, David.
Iginayak niya ako paikot at ganun pa rin ang pwesto naman. Tinatakpan parin niya ang mga mata ko habang naglalakad kami. Naglalakad palayo sa kanya. Palayo sa kanila.
Nang makababa kami sa hagdan ay doon na lang niya pinakawalan ang mga mata ko. Pero imbis na imulat ko ito ay isinubsob ko na lang sa dibdib niya at doon umiyak.
He patted my shoulder to make me calm but I can't. Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa niya.
"I-I thought, we're a-already okay. W-we already exchange our I-I love you's b-but that's not still enough. I-I love him. I really l-love him but it seems like.....he can't l-love me back. I-I am that stupid to chase him? To win his heart again?"daing ko kay David pero di siya nagsasalita. Puro buntong-hininga pang ang ginagawa niya.
Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga ang magmahal. Mahal ko naman siya pero bakit ganun? Bakit di niya magawang mahalin ako pabalik? Totoo kayang di na niya talaga ako mahal. Totoo kayang may iba na siyang mahal? Damn! I'm such a stupid to leave him. It's all my fault and I deserve this. I deserve this heartache.
Umalis ako mula sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib at tinignan siya.
"I don't know what to say. I'm not a love expert but I can be crying shoulder."wika niya sa akin at kahit papaano ay napagaan niya ang loob ko. Kahit papaano ay alam kung may taong handang maging sandigan ko kapag umiiyak ako.
Ngumiti ako sa kanya ng bahagya na siyang nginitian naman niya.
"Uuwi na ako."paalam ko sa kanya at tumalikod na.
"Ihahatid na kita."
"Salamat."yun na lamang ang nasabi ko dahil na uubusan ako ng salita pwedeng isipin.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved
BINABASA MO ANG
Chasing Love✔
Ficción GeneralHanggang saan ang kaya mong habulin para sa pag-ibig? LANGUAGE:English & Tagalog SERIES:Vallejos 1:Justin Vallejos GENRE:General Fiction STATUS:Completed AUTHOR:M.M (Miixxiimii)