Chapter Four

468 11 0
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Umaga na ako umuwi sa bahay na tinutuluyan namin ni Justin. Nagpalipas kasi ako ng gabi sa bahay kaya ngayon na lang ako nakauwi.

Agad akong dumiretso sa kusina para magluto ng agahan niya. Kahit na ganun ang nangyari kahapon ay pinagsalawang bahala ko na lang. Mahal ko eh. Kahit anong mangyari ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kahit pa paulit-ulit akong masaktan ay magtitiis ako dahil mahal ko talaga siya. Kahit na pagbalibalikatarin ang mundo ay siya pa rin talaga ang mahal ko. Siguro nga, sobrang tanga ko ng babae pero ganun talaga. He's my first and great love anyway.

Nang matapos ako sa pagluluto ay naghain na ako bago ako umakyat sa taas at kinatok siya sa kwarto niya.

"Magbreakfast ka na."wika ko bago ako tumalikod at dumiretso sa kwarto ko. Maliligo pa ako bago pumasok. Isa lang ang subject ko ngayong araw pero maaga nakasched yun.

Paglabas ko sa kwarto ko ang siyang paglabas din niya sa kwarto niya. Tinignan lang niya ako ng walang emosyon pero kahit ganun ang ginawa niya ay ngitian ko na lang siya.

"Kumain ka na."wika ko sa kanya bago ako nagpaunang bumaba.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ng magsalita siya.

"Samahan mo na ako."di ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Ramdam ko din ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi at ang pagpintig ng puso ko dahil sa saya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa kanya.

"S-sige."medyo na uutal 'ko pang wika.

Hindi naman na siya tumugon pa at naglakad na siya. Samantalang ako ay naiwan lang dito sa hagdanan habang pinagmamasdan ang likod niya. Maya-maya pa ay sumunod na ako sa kanya. Mahirap na ba'ka magalit pa.

Agad akong kumuha ng isa pang plato, kutsa't tinidor, at baso. Sinabayan ko siya sa pagkain at sa loob ng mahabang oras na yun  ay walang umiimik samin. Kahit na ganun ang nangyari ay masaya pa rin ako dahil sa loob ng anim na buwan ay ngayon na lang ulit kami kumain ng sabay. Nang matapos siya ay agad na siyang tumayo sa kinauupuan niya at bumalik ulit sa kwarto niya. Ako naman ay pumasok na sa school. Sandali lang naman ang klase ko ngayon tapos bukas wala na akong klase.

"Kyrie, tawag ka sa dean's office."bungad sakin ng kaklase ko na siyang tinanguan ko naman.

"Sige."naglakad na ako patungo doon sa office ni dean kahit na di ko naman alam ang rason. Wala naman akong nagawang kasalanan kaya bakit naman kaya ako ipapatawag ni Dean?

Kumatok ako ng tatlong beses bago ko narinig ang boses sa loob.

"Pasok!"

Pinihit ko ang seradura tsaka unti-unting pumasok sa loob.

"Good morning po, sir."ngumiti si Sir at inilahad ang upuan na nasa harapan niya kaya naman tumungo ako doon at umupo.

"Okay. Pinatawag kita dito, Ms.Madrigal dahil gusto 'kong sabihin na isa ka sa mga napili ng school para sa exchange student."panimula niya na kinunutan ko naman ng noo.

"Ho?"

"I said, isa ka sa mga exchange student. Pero wag kang mag-alala dahil matagal pa naman ito. Next-next month pa, pero gusto ko ng sabihin sayo para maayos mo na ang mga kailangan mo. Don't worry sa finances dahil ang school ang gagastos nito."napatango na lang ako kay sir dahil sa sinabi niya.

Di pa kami nagbabati ni Justin kaya ayoko muna sanang umalis pero ayoko din namang biguin si Sir. Siya kasi ang kaisa-isang tao na naniniwala sa kakayahan ko noon. Si sir ang laging nagchecheer up sakin. Parang pangalawang tatay ko na siya noon kaya ayoko siyang madisappoint.

"Eh, saan po ba ako mapupunta, sir?"tanong sa kanya.

Ngumiti muna si sir bago niya sinagot ang tanong ko.

"Sa Los Angeles."

_
BAGSAK ang balikat 'kong umuwi sa bahay. Kahit na isa lang naman ang subject ko ngayon araw ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod.

Pagpasok ko ay naabutan ko si Justin na nasa living room at nanunuod ng dead pool. Comedy-action yun kaya naman rinig na rinig ko ang pagtawa niya. Paano kasi, hinati sa dalawang bahagi si dead pool pero buhay pa rin siya. Gusto ko din matawa pero pinigilan ko yun dahil gusto ko munang marinig ang pagtawa niya. Namiss ko na kasi yun eh.

Mas lalong lumakas ang tawa niya ng mapalitan ng pambatang paa ang paa ni dead pool at di ko na mapigilan dahil natawa na din ako sa gesture ng paa niya. Napatingin siya sakin kaya napatahimik ako sa pagtawa. Hindi na rin siya tumatawa at tahimik na lang siyang nanunuod. Mukhang nasira ko pa ang trip niya.

Lumakad na lang ako patungo sa kusina para ipagluto siya ng lunch. Wala siyang pasok ngayon at bukas kaya naman makakasama ko siya. Yun ay kung di siya aalis ng bahay.

Nanghain ako ng sinagang na baboy at nang matapos ay tinawag ko na siya. Di naman siya nagreklamo at sumunod sakin. Medyo nakakapanibago lang dahil ang inaasahan 'kong sasabihin niya ay "ayokong kumain" "busog ako" "katatapos ko lang" masaya ako dahil medyo bumait siya.

Pinaghanda ko siya ng plato, kutsara't tinidor, at baso. Nang matapos ay aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Sit down and join me."wika niya na agad ko namang ginawa.

Ito na ang pangalawang beses na isinabay niya ako sa pagkain. Sa loob-loob ko ay nagdidiwang na ako sa saya. Mamaya, kapag nasa kwarto na ako ay magtatalon ako sa saya dahil sa nangyari ngayong araw na ito. Yung pag-asa ko ay parang mas naboast pa lalo dahil sa  pinapakita niya ngayon.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved

Chasing Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon