Dear Destiny Chapter 5

3.3K 67 2
                                    

Jema's POV

"Eh kung gusto ka niya? Gugustuhin mo din ba siya?" Tanong ni Fhen at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin kasi sa totoo lang, hindi ko alam nararamdaman ko for Deanna.

"Alam mo Fhen makinig nalang tayo kay prof haha"

"Segway ka naman eh and bitin"

"Kaibigan ko lang si Deanna hanggang dun lang."

"Eh ako? Pwede ba ako humigit sa kaibigan?" Sabi niya at grabe na ang tibok ng puso ko feeling ko mamamatay na ako. Kilig ba to or ano?

"Ha? A-ano sabi mo F-fhen?" Sabi ko na medyo nauutal.

"A-ahh... W-wala yon J-jema. Nagbibiro l-lang n-naman ako" sabi niya na mas nauutal.

At nakinig na kami sa prof, sumama nanaman ang pakiramdam ko. Di na ako makatayo at lambot na lambot na ako. "Deanna" bulong ko. Napansin ni Fhen at agad akong tinanong kung ok lang ako.

"Jema are you ok?"

"Ah oo Fhen medyo nanlalambot lang"

"Ang init mo Jema"

"F-hen" at tuluyan na akong bumagsak.

The last thing I heard before I fainted was Fhen's voice fading "Jemaaaaaaaa"

Deanna's POV

I can't stop thinking about her. Ok lang ba siya? Kamusta na kaya siya? Magaling na kaya siya? Sana. Jessica Margarett Galanza what did you do to me?

"Deanns mukang malalim iniisip mo ah" nagulat ako at katabi ko na pala si Kat.

"Ah hindi naman"

"Anong hindi? Eh halos 10 minutes ka nang nakatitig sa sahig"

"Ehh? Anong oras na?"

"Oh 9:32 na. Wala ata si prof cancelled na siguro klase"

"Bakit wala si prof?"

"Narinig ko may sakit, pano Deanns di na ata yon dadating. See you nalang mamaya!"

"Sige Kat salamat"

At umalis na si Kat habang ako nagtatalo padin konsesya ko. Nang may biglang tumawag. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ang natawag.

[Hello?]

Sino to?

[Is this Deanna Wong?]

Yes. Speaking.

[Ah Deanna si Fhen to]

Oh Fhen bakit? Pano mo nakuha number ko?

[Ah sa phone ni Jema] huh? Alam niya password?

Nasan siya? Nasan si Jema?

[Nasa clinic kami ngayon Dea--]

Pinatay ko ang call at hindi pinatapos si Fhen. Tumakbo ako papunta sa clinic at hindi ko namalayan nandun na pala ako sa sobrang bilis.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Fhen nakahawak sa kamay ni Jema.

"Jema" bulong ko sa sarili.

"Oh Deanna pinatayan mo ko akala ko di ka pupunta eh"

"Basta pagdating kay Jema lagi ako nandito"

"Ah ayos yan. Pareho tayo"

"Fenela Emnas, Fhen hahaha" while wanting to shake my hand.

Anong pareho tayo? Ulul. Sinabi ko sa isip ko habang nakakunot ang noo.

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon