Dear Destiny Chapter 25

2.8K 73 16
                                    

"Jema" gising ni Deanna.

"Hmmm?" Sabi ng natutulog na anghel

"I'll be back as soon as possible" sabi ni Deanna.

Nakatulog na ulit si Jema hindi na niya ginising ang mahal niya.

"I love you Jema, wait for me please. Babalik ako as soon as pwede na" sabi ni Deanna.

Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya. Sinabi niya ang mga kailangan nilang gawin. Nagbilin din siya.

"De Leon you'll lead the team together with Jema ha. Hey wag mo siya papabayaan. Keep an eye on her balitaan mo ako and yung sinabi ko ha" sabi niya kay Bea.

"Yes boss. Hindi malalaman ni Jema na you'll be undergoing an operation"

"Mads. 3 months lang ako mawawala hindi habang buhay. Wag ka umiyak. You'll do great, may tiwala ako sainyo" sabi ni Deanna.

"Its not that Wong. Be careful ha, we'll pray for you. Hindi naman kasi biro yan. Babalik ka Wong ipromise mo"

"Yes Mads I promise. Ikaw naman Kianns take good pictures ha, we'll be needing that. See you" paalam ni Deanna.

"I will Deanna, I'll miss you so much. Balik ka agad ha"

"Guys ha. Walang malalaman si Jema, pigilan niyo siya pag gusto niya akong sundan. I'll take care of myself don't worry about me" sabi ni Deanna.

----

Deanna's POV

Pabalik na ako ngayon ng Manila. I'll be undergoing an operation. Si Ponggay ang magoopera sakin not because she's my friend its because she's a great doctor and I trust her.

"Are you ready Deanns?" tanong ni Ponggay.

"Pwede magpaalam sa family ko?" tanong ko.

"Anong paalam. Gigising ka pa naman eh" biro ni Ponggay.

"Bye Mom, Dad" sabi ko at niyakap ang magulang ko.

"Bye guys, gusto ko kayo una ko makikita if I wake up ha" sabi ko.

"Oo naman Deanns" sabi ng Ate Nicole niya.

"Goodluck ate, see you soonest" sabi ni Dean.

---

"Ready Deanns?" tanong ni Ponggay

"I trust you" sabi ko.

Pinatulog na ako nila Ponggay and they started the operation. Habang tulog ako napanaginipan ko si Jema.

---

She's looking at the view of Taal Volcano. Nasa People's park kami.

"Alam mo you always fit perfectly sa mga view. Una sa Davao, then sa Batanes, ngayon sa Tagaytay" sabi ko.

"Mas fit ako sayo" sabi niya. Nagblush ata ako.

"Uy nagblush siya" asar niya sakin.

"Anong blush? Di kaya" deny ko.

"Anong hindi ayan oh pulang pula" sabi ni Jema habang pinipisil ang cheeks ko.

It was like us together for the first time. Naalala ko nung unang beses naging kami. Sobrang nagblush ako nung sinagot niya ako.

"Oh bat ka nakangiti?" tanong niya.

"May naalala lang"

"Ako yon no?"

"Close enough" sabi ko at kinindatan siya.

"Let's go na I'm hungry" yakag ko.

"San tayo kakain?"

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon