Dear Destiny Chapter 21

3.1K 73 7
                                    

Good evening Jema or should I say good morning? Haha. I'm assuming you received a letter for the homecoming. Do you mind if I ask you to come with me?

Its not a date. I just want you to be my company. That's all.

Its not just I don't want you to be my date. I just think its going to be awkward for the both of us. Anyways, do you mind?

Hindi mapigilan ni Jema ang ngiti. Kaso niyakag na niya si Fhen, ngayon hindi na tuloy maintindihan ni Jema ang kanyang desisyon.

"Maiintidihan naman ako ni Fhen diba? She even adviced me kay Deanna" sabi niya sa sarili.

To: Fhen Emnas

Good evemorning Fhen. You said parties aren't your thing right? Ok lang ba na kay Deanna na ako sumama? Sorry though.

Fr: Fhen Emnas

No problemo J. Alam mong support kita sakanya so go ahead. I made up my mind na pupunta ako. So I'll see you? Reserve me a dance.

To: Fhen Emnas

You're the best Fhen! I will hehe. Goodnight.

Hindi na nagreply si Fhen, baka nakatulog na.

To: Deanna Wong

Sure Deanns, I'll go with you.

Fr: Deanna Wong

Thanks Jema.

Natulog na ako at hindi ko na nireplyan si Deanna baka saan pa mapunta ang usapan.

----

"Good morning everyone!" Bati ni Deanna.

"Wow sigla ni Boss D ah?" Biro ni Bea.

"Ano bang hindi maganda sa umaga diba?"

"Bat ba maganda umaga ni Boss? HAHAHA" tanong ni Maddie.

"Syempre maganda ang umaga pag pumayag ang niyakag mo sa party"

Tumahimik ang lahat ng pumasok si Jema.

"Oh-owww! Ayan na ang happiness haha" biro ni Kat.

The team is getting ready papunta sa site kung saan itatayo ang coffee shop ni Nicole.

"Were here" sabi ni Kianna

"Laki ng space ah" sabi ni Isaac

"Kasama na parking dyan Saac" sabi ni Jema.

"Ohh"

"Okay team let's start. Ano plano?" Tanong ni Kat.

"Siguro titignan na muna natin yung lawak ng space tapos ccheck natin yung approximate size and distance niya" sabi ni Jema. Nakatitig lang sakanya si Deanna. Deanna always admired Jema lalo na pag sobrang professional niya magsalita.

"Lets go! Lets go!" Sigaw ni Deanna.

Buong araw sila nagsukat ng area at nagobserve ng mga manggagawa. Si Kianna naman busy sa pagpipicture. She was scoping the area ng makita niya si Deanna na basa na ng pawis. She quickly took a photo of her.

"Oh basa ka na. Halika nga" sabi ni Kianna at pinunasan si Deanna ng pawis. Nakita naman ito ni Jema at hindi naiwasan magselos.

Jema bakit ka nagseselos! Walang kayo! Wala kang dapat ikaselos! Nilalayuan mo siya diba? Shit Jema wag ka tumingin nakakahiya yan lang ang nasa isip ni Jema ngayon.

"Thanks Kianns" sabi ni Deanna and resumed sa trabaho.

Paalis na sila nang site and pabalik ng office to drop of the things they used.

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon