FLASHBACK
Deanna's POV
Ano nangyare kagabi? Uhh ang sakit ng ulo ko. What the F? Nasa sahig ako nakatulog. Kinuha ko ang phone ko sa bulsan ng jacket ko na nasa sahig din.
"Shit 10 missed calls? 7 texts? Galing kay Bea, Maddie, Ricci at ...... Jema?"
Una kong binuksan yung kay Bea
"Wong nasan ka na? Don't ditch your classes."
"Hoy Deanna Wong! Gumising ka na wala ka pa daw sa klase mo?"
Sunod naman ay kay Mads
"Wongskie! Hoy late ka na aba gising gising pag may time!"
Eto na kay Ricci.
"Hey Deanns wala ka pa daw sa class mo. Text me if you need a ride"
"Wong gumising ka na its already 11:30 am"
Shit anong oras na? Wth its already 12 pm. Im so dead, binuksan ko na yung kay Jema.
"Hi D, alam kong masama loob mo sakin ngayon pero please let's talk."
"D, forgive me na oh. Wala ka pa daw. Don't risk your grades Deanns. Pasok ka na I miss you na"
Nagreply ako sakanila.
"Eto na Bea paalis na, cafe in 15 mins"
"Otw ns Mads"
"Hey Cci thanks sa offer pero I have a car naman"
Hindi ko alam irereply kay Jema. Should we talk? Di ko na alam.
"I'm sorry Jema, I can't talk rn"
Agad agad akong naligo at nagbihis kinuha ko na ang bag ko at dumiretso na sa cafe.
"Ha! Ligo ka na and all but still you look wasted HAHAHA" asar ni Bea.
"Fuck you! Di ka nakakatuwa. You still owe me kwento" sabi ko with a glare.
"Anong owe you? You owe me Wong aba sayang gas ko paghatid sayo baka gusto mong ma-"
"Shut up! Fine hindi na" i cut her off.
"Tara na nga Wong malalate na tayo sa klase eh"
Pumunta na kami sa klase namin and shit I forgot kaklase ko si Jema sa subject na to. I entered the room and konti palang tao, I sat sa pinaka dulong chair at nirest ko ang arms ko sa armchair then subsob ulo and pikit. May tumabi sakin, the scent its familiar and realized kay Jema to. Inangat ko ulo ko and there she was. An angel sent from heaven, ang fresh at ang bango niya.
"Sorry wala na kasing available sit eh" she said.
Di nalang ako nagsalita at natulog ulit.
Jema's POV
Sobrang pagod ata to? She looks super wasted from last night.
"Okay para malaman na may naintindihan kayo let's have a pop quiz" sabi ni prof. hala pano naman tong isang to?
"Uy Deanns! Deaaaannnsss!"
"Hmmmm?" Sagot niya habang minumulat ang mata niyang antok na antok. Ang cute mo shet bat ka ganyan.
"May quiz oh eto papel" alok ko at kinuha naman niya
"Thanks"
After ng quiz...
"Bukas ibibigay ko ang results at ang makakuha ng top 3 highest score ay may reward syempre" sabi ni prof at naghiyawan ang lahat.
"Puta na hangover to ang sakit" reklamo ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
Dear Destiny
FanficAre you willing to give up everything for your one true love? Jema Galanza, a hopeful Engineer inlove with Deanna Wong, the daughter of the best Architect and the most famous model in the country. Are comebacks real? Find out. Teammates to rivals :...