Chapter 20

45.4K 1K 138
                                    

Chapter 20

Under The Stars and Silver Moon

The last thing I've heard is the loud slam of the door. Naiwan akong mag-isa sa kwarto at dahan-dahan na napaupo sa sahig. Now it's my turn to be stunned.

Matagal na rin pala silang wala ni Vien? All along I've been thinking that he's two timing. Masyado akong nag-isip nang mababa kay Yael. Nakalimutan ko, hindi pala siya ganoon.

He's a man with principles, he always do what he thinks is right. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing rumerehistro ang hitsura ni Yael kanina. He looks hurt and it's my fault.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tunog nang kanyang sasakyan. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko, muntik pa akong mawalan nang balanse pero mabuti na lang at hindi ako natumba.

Kaagad akong tumakbo patungo sa balkonahe at humawak sa railings. Lalo akong nanlumo nang makompirma kong sasakyan nga ni Yael ang narinig. Wala akong nagawa kung hindi panuorin na lang ang kanyang silver chevy na makalayo.

Baka hinatid niya si Vien? Humugot ako nang isang malalim na hininga bago ko pinunasan ang mga luha ko. I shouldn't be standing here, I must apologize and I will wait for him outside. Maghihintay ako hanggang sa makarating siya.

Fuck my pride! I can't hold back anymore. Mahal ko pa siya at hindi naman iyon nawala... Kahit na anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal ay hindi pa din umeepekto. Sarili ko lang ang pinapahirapan ko.

I'm not going to let him slip away.

I'm sorry, Vien. I'm not giving him up this time. Bahala na kung may masagasaan pa 'ko, ang alam ko lang ay hindi ko kayang ipamigay si Yael. I don't want to lose him this time.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako tuluyang umalis sa balkonahe. Bumaba ako at nadatnan ko si Charla na nagwawalis. Mukhang naramdaman niya na may nakatayo malapit sa kanya kaya ipiniling niya ang ulo niya sa gawi ko.

Namilog ang mga mata niya nang makita ako. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag-aalala niyang tanong habang nakatingin sa mukha ko. Napansin niya yatang galing lang ako sa iyak.

Pinilit ko ang sarili ko na ngitian siya. "Oo, Charla. Lalabas lang ako... pakitingnan-tingan na lang si Mikel ha? Tawagin mo na lang ako kaagad kapag nagising siya." Bilin ko.

Alanganin niya akong tinanguan. "S-Sige po, ma'am..."

Dumiretso na ako sa labas. Mula rito ay kitang-kita ako ang repleksyon ng tubig na nanggagaling sa swimming pool ang humahalik sa pader. Guess I'll just wait for him there. Pero tatanungin ko muna ang guard kung mga anong oras makakabalik si Yael.

Nagtungo ako kaagad sa guard house at nakita ko si manong Ferny. Siya ang guard na naka duty ngayong gabi. Kaagad niya akong napansin kaya hindi ko na kainalingan na tawagin pa siya.

"Maganda gabi po, ma'am Beatrix..." bati niya habang nakatingin sa akin.

Tipid akong ngumiti. "Magandang gabi rin, manong Ferny... napansin kong wala ang sasakyan ni Yael. Wala ba siyang sinabi sa inyo kung anong oras siya babalik?"

"Ah ma'am, hindi po si sir Yael ang nagmamaneho. Nag-utos po siya ng iba para ihatid si ma'am Vien sa condo niya." Paliwanag niya habang nakatingin pa din sa akin na parang may kung ano ako sa mukha.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nandito siya! Hindi siya umalis!

"Ganoon ba?" hindi ko naitago ang tuwa sa aking boses. Bagamat natutuwa ako ay hindi ko pa rin maikakaila ang kaba na nararamdaman ko.

When We Fall (When Trilogy #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon