|Chapter Seven|

109 2 0
                                    

Selos?

"Goodmorning Class." bati ni Sir Lorenzo. Ang aming math teacher. Third subject na namin ngayon at after nito recess na.

Tahimik lang ako habang inaabsorb yung lessons. Nakakatamad talaga pag monday. Sana five days ang weekends! Whooo. Ang saya nun! Two days for school! Heaven!

Si Stacey, di ko na nakakausap. Hindi sinasagot ang tawag ko.. Hindi nirereplyan ang emails ko. Kahit sa skype, online naman. Pero laging decline ang nakukuha kong sagot sa kanya. Anyare dun sa babaitang yun?

Patuloy na nagddiscuss si Sir sa bago naming lesson. The best teacher to eh! Laging nagbibiro pag klase pero naiintindihan namin yung lesson. Ang cute cute! Hahaha. Kahit nga nagagalit, kengkoy padin. Biruin mo, pag nagalit sya. Tahimik na yung buong klase tapos biglang magtatanong kung gusto ba daw naming ilabas ni Sir saamin ang kapangyarihan niya! Hahahaha! Edi hagalpak ang tawa ng buong Aristotle! Grabe, sana ito nalang adviser namin. Kesa kay sir Sta. Ana >3<

Sulat lang ako ng sulat ng notes..

Hinahanap niyo ba yung Mr. Peymus? Andun siya sa tabi ng truepa. Eh wala eh, peymus na nga daw. Grabihan lang kasi pag recess akala mo may himalang nangyayari dito at ang daming nakadungaw sa bintana.

Ni hindi ko nga madistinguish kung sino sa kanila yung Robinations at Robilicious eh! Basta pag inirapan ni Calvin, Robinations yun! Hahaha! Ang kulit! Magkaaway kasi sila Lindsay at Calvin..

Bakit kaya may mga ganitong tao? I mean okay lang mag-idolize right? But to the point na ituring mo silang Diyos, like nakikipagsiksikan sa mga tao para makita sila. Iiyak pa para mapansin. Like, it's weird? Super weird. Pero sabi nga nila, walang basagan ng trip! Hahaha. Hahayaan ko nalang sila! Ako? Okay na sa pamumuhay ko. Wapaki ako sa mundo!

"Hey, samahan mo ko bumili ng pagkain sa Canteen mamaya" sabi nya with authoritive voice.

"Ge." tugon ko naman ng walang gana.

Several minutes had passed.

*Riiiiiiiiiiiiing!*

Yehey! Recess time! Ang dugo ng Math. Leche. I can't believe it! Four years na naming hinahanap si x. Nasaan ba siya ha? Nakakaloka.

"Katerina, tara na!" yaya ni Robi with authorative voice.

Sumilip ako sa mga bintana, at hindi ako nagkakamali. Ang mga matang lumilisik na akala mo papatayin ako eh. As if aagawin ko si Poging Robi. Yuck

"Marami pa pala kong ginagawa. Kaw nalang" pagkukunwari ko. Ayokong samahan siya eh..

"At ano naman yun? Ang pagddoodle ng kung ano sa back page ng notebook mo?" sabi niya. Nakadungaw na pala siya sa notebook ko.. Tss.

"Pwede ba, umalis ka na nga! Bumili ka nlng mag-isa mo" iritado kong sabi sa kanya.

"Teka, ano bang pinaghuhugutan mo dyan? Kanina ka pa masungit ah!" sabi niya sabay upo sa upuan niya.

"It's none of your business!!" sigaw ko sa.kanya. Nagtitinginan na lahat samin, nakakahiya na tuloy ( _ _)"

"Ang sungit mo talaga! Grumpy girrrrrl!" sabi niya sabay pout. Ang sakit sa tenga ng sigaw niya!!! Seatmates kmi dba? Pero nagsisigawan parin kami! Hayyyyyyy.

"Ewan ko sayo! Pangettttt!!!!" sabi ko sa kanya sabay dila.

"Bakit ka ba kasi naiinis? At tsaka hindi mo ko pinapansin. Tapos kanina di mko inantay sa gate! Tapos di mo ko tinabihan. Iniiwasan mo ba ko? Galit ka ba?" Oo Robi. Galit ako. Naiinis ako kasi iniwan mo ko nung photoshoot. Pumunta ka ba sa baby o honey mo? Ewan leche!

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon