|Chapter Three|

166 2 1
                                    

Patay ka Katerina!

Umuwi na ako sa bahay after ng class. Natulog muna ako. At pagkagising ko, naiwan akong mag-isa dito.. Umalis si papa eh, pumunta na siya sa office niya.

Kami nalang ni Papa ang magkasama sa bahay. Ulila na kami ni Papa kay Mama. Iniwan niya kami noong limang taong gulang pa lamang ako. Iniwan niya kami para sa lalaki niya, at nabalitaan ko nalang na namatay daw siya dahil sa isang car accident. Sobrang lugmok kami ni Papa noon. Isang malaking kawalan sa amin si Mama. Nawalan kami ng ilaw ng tahanan..

Mahal na mahal parin namin siya kahit iniwan na niya kami. At kahit ganun ang ginawa niya, di ko siya kinamuhian.. Tinuro kasi sa akin ni Papa na wag magtatanim ng sama ng loob kay mama. Dahil kahit baliktarin daw namin ang mundo, si Mama parin ang nagluwal sakin.. Si Mama parin daw ang nag-alaga sakin..

Kaya kahit galit ako kay mama, sinunod ko ang sinabi ni Papa. At simula noon, kinalimutan ko na ng tuluyan si Mama. Inalis ko na siya sa isip at puso ko.. Ngunit narito parin ang masasayang ala-ala namin. Mga alaalang hanggang sa isip ko nalang at alam kong hindi na mangyayari.

Napansin ko nalang na may tumulong mainit na likido galing sa mata ko. Hayy, tama na nga Katerina! Tama na.. Pinunasan ko na ang luha ko at nag-ayos na ng sarili. Kinuha ko ang notepad ko.. Hmmm, ano ba mga assignments ko?

Preparations for "Oh-so-paspecial-Robi-Torres" welcoming tomorrow ><

Yan lang ang nakita ko pero napabusangot na ako. Hayy, paano ba kasi to? Wala akong alam sa ganyan! Kainis!

Humarap ako sa laptop ko at nagresearch.

How to have a welcome ceremony?

Searching……

……i-welcome mo.

Ugh, anong sagot yan google ha? Naghanap ako ng iba pang results pero ito lang ang nakita ko.

Have a party.

Ewan ko, tanong ka nalang sa iba.

Dalhan mong foods sa condo niya.

Ok-aaaay? Naiinis. na. talaga. ako.. Konti nalang. talaga. magbabato. na. ako. ng. gamit. na. makikita. ko..

*breath-in, breath-out*

Hmmmmm, kalma Katerina! Kalma lang..

Nagulat ako nang nagring ang phone ko. Ano ba yan, istorbo sa pagiisip ko!

Beshy Calling

"Hello?" iritadong tanong ko. Wrong timing naman, baka masungitan ko 'to. Wag! Wag mong sungitan Katerina! Bestfriend mo yan remember? Focus lang. Puso! Puso Katerin-- Ughhhhh, ang corny ko na.

[Wazap? Sapsap?] sabi na eh. Istorbo lang to.. Masusungitan ko talaga 'to. Seryosoooo.

"Okay lang ako. Bakit ka ba tumawag?" iritadong tanong ko uli.. Hooo, pekyu ka Robi Torres! Iniistress mo ko eh!! Ang sungit ko na tuloy!

[Wala naman. Anyways, anong nangyari sayo? Ha? PMS-ing? Bakit ang sungit mo?] sunod sunod na tanong niya.

"Di ako nagp-pms! Ano ka ba! Eh kasi stress ako sa school eh." kunot-noo kong reklamo sa kanya.

[Ay? First day palang teh, stressed out ka na? Anyari? Iba yang school mo ha!] nilayo ko yung phone dahil sa pagtaas ng boses niya. Urgh, Stacy talaga..

"Meron kasing transferee sa school, tapos inutusan ako ng teacher namin na magprepare para sa pagdating nung ungas na yun." inis kong sabi kay Stacey.

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon