|Chapter Eleven|

103 3 0
                                    

Ang Gulo

Friday na ngayon at hindi ako makaget-over sa nangyari kahapon.

Ako kasi yung pinapatawag ng Guidance Counselor eh :'(

Ako daw kasi pasimuno. Hayy. Kainis. Mukhang mababadshot pa ko kay Sir Torres. Si Robi kaya? Alam kaya niya 'to? Kung bakit kasi ang aga niya umuwi kahapon eh. Hayst. Nakakatampo talaga yung ginawa niya.

Naglalakad na ako papasok sa gate when I saw him. I saw Robi.

And guess what? He's with Lindsay. Oh, what a good way to start my day. Tss.

Nagtatawanan pa sila at nagaapiran. Okay? Ang ganda ng scene. Nakakapang-init ng dugo. Bakit sila magkasama?!

Waaaaah. Bago ko pa naisip ang lahat, nasa likod na pala ako nila. Myghaaaaad. Magpigil ka Katerina!!

"Ehem" -Ako T___T di ko mapigilan ang sarili koooooo. Waaaaah

Patuloy parin sila sa pagtawa at pagkkwentuhan. Hellooooo? Andito akooooo.

"EHEM-EHEM. EXCUSE ME PO!" sabi ko ng katulad ni Mr. Mike Enriquez. Yung sa tv pag gabi. Yung taga-balita.

Sinabi ko na ng mas malakas. Pero waepek eh. Mga snobber 'tong mga 'to ah!! Lalo na 'tong si Robi, aba. Porket peymus siya? Tsk tsk.

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante at nagtatawanan pa sila. Lagot ka sakin mamaya, Robi!

"HOY ROBI TORRES! BAKA GUSTO MO KONG PANSININ DYAN?!" sabi ko. Nakakainis na ah. Kahapon ang sweet tapos ngayon ganito? Anyare?

Lumingon silang dalawa ni Lindsay na parang wala lang. Yehey pinansin na kooooo! >:)

Pero..

Umalis sila..

Palayo sakin..

Inisnob ako ng boypren kong peymus?

OH GREAT. What the hell just happen?

**

Dumiretso na ako sa upuan ko pagpasok ko sa room. Di ko tinitingnan si Robi. Badtrip parin ako sa ginawa niya. Iwan ba naman ako?!

Okaaaay, first LQ na ba namin 'to? Pero diba dapat ako yung nagsusungit at hindi siya dahil hindi man lang siya nagpaalam kahapon? Tss. Problema kaya netong lalaking 'to? Ayan tuloy, awkward. Tss.

Pumasok na si Sir Sta. Ana sa room with a dark aura on his face. Anyari?

"Katerina, can you give me a reason why the Top 1 of X-Aristotle is being called in the Guidance Office?" masungit niyang sabi.

Patay ka Katerina! Oo nga pala. Ngayon ang punta ko sa Guidance Office. Waaaaah. Ano ba 'tong araw na 'to. Nakakainis!

"U-uh S-sir kasi a-ano po eh.." wala akong masabi. Tiningnan ko yung Super Twins. Pero binigyan lang nila ako ng "Sorry we cant help you Katerina. Si Sir Sta. Ana yan eh" look. Hay. Naiintindihan ko naman yun. Tiningnan ko naman si Lindsay, nakasmirk pa talaga siya?! Lagot ka sakin ngayon.

"Ano na? Ms. Mendez?" sabi ni Sir ng may dark aura parin.

"Sir yung Robinations fans club po kasi, inaway po ako kahapon" sabi ko. Totoo naman eh. Di naman magkakaganun, kung di nila ko plinanong saktan. Tiningnan ko uli si Lindsay na namumutla. Guilty kasi ang bruha.

"Who's the leader of that club then?"

"Si Lindsay po Sir" tinuro ko si Lindsay. At halatang kinakabahan siya. Akala mo haaaa. Lagot ka ngayon. Pagbabayaran mo 'to.

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon