|Chapter Four|

150 1 0
                                    

Parking Lot Girl

Nandito na ako sa school ngayon, nakaready na yung banner. Hay, bangag ako ngayon dahil sa banner na yan at dahil sa letseng nangyari kagabi. Buti nalang stranger yung lalaki. Natakbuhan ko siya. Whoooo, nakaligtas ako! Mwuahaha. Pero sana di na kami magkita.

"Goodmorning Everyone" pumasok na yung teacher namin. Yung nasa mid-30's. Sir Darwin Sta. Ana yung pangalan niya.

Agad na tumayo ang lahat at binati si Sir.

"Ms. Mendez, as you can see today is the arrival of our Principal's Son. Are you ready? Diba I told you to make some preparations?" sabi niya habang nakatingin sa akin at nagpapaypay at ikot ng ikot sa room.

"Uh, yes Sir. I made a banner. I posted it on the top of our door, so he can see it immediately." nosebleed syete.

"Okay good." after niyang magsalita. Tinungo ko nalang muna yung ulo ko, dahil sobrang puyat ako. Masakit pa nga ulo ko eh..

Narinig ko yung mga tilian. Anong meron? Sa room at sa corridor merong tilian. May artista ba?

"Hi. I'm Robi Torres. Ugh, I don't usually speak tagalog. But I can understand. I can speak tagalog, but just a lil."

Tilian ulit nila nung nagpakilala na yung "Oh-so-paspecial-Robi-Torres". Sakit sa tenga!!!! Pero teka, bakit parang pamilyar yung boses niya? Di ko siya makita kasi nakatingin lang ako sa bintana. Lutang ako ngayon dahil sa banner na para sa kanya.

"Welcome to our school. Hope you'll enjoy here staying with your new classmates. Where's Katerina?" english english pa. Marunong naman ata magtagalog yan. Tapos hinahanap pa yung Katerina. Sino ba yun?

"KATERINA!" full force na sigaw ni Sir.

Agad na nagising ang diwa ko ng na-realize ko na ako pala yun tinagawag ni Sir.

"Ay katerina! Yes sir?" wala sa sarili ko ulit na sabi. Grabeee, badshot nanaman ako nito. Di ko na talaga mapigilan ang antok ko.

"This is Robi Torres, and Robi this is Katerina" minulat ko na yung mata ko.

"IKAW?! / IKAW?!" sabay naming sinabi. Okay Katerina, ito na ang karma mo.

"Do you know each other?" tanong ni Sir. Tahimik ang mga kaklase ko at parang nanonood ng palabas na pinaggagagawa ko.

"NO! / YES!" sabay ulit naming sabi. (a/n: si Katerina nagsasabi nung una. Tapos after ng slash, si Robi naman. Gets?)

"Yes sir, actually we met last night." sabi ni Robi. Waaaaah, patay ako neto.

"She's very friendly. She also offered me her space in the Parking Lot." ngising-ngisi nyang sabi. Urgh! Naaalala ko nanaman kagabi!!!! Bwiset!

"Good then. Katerina will be your companion for today. You may now sit beside her." wala bang mas mamalas pa? Companion ko na nga buong araw, katabi ko pa! Hayyyyyyyyy

Agad naman siyang dumiretso sa tabi ng upuan ko. Ako naman, nakatulala na lang. Urgh!

"Nice meeting you again, parking lot Girl" he said while smirking. Hayyy, you're doomed Katerina!

Inirapan ko nalang siya. Natapos ang subject ni Sir Darwin ng wala namang nanggugulong katabi ko.

Oras na ng Filipino namin, nagdidiscuss lang si Ma'am Rowenn.  Kinalabit ako ni Robi pero di ko naman siya pinansin.

"Hey. Parking lot girl" kalabit niya. Urgh! Wag ka ngang magulo, sobrang sungit pa naman ni Ma'am. Hayaan mo siya Katerina..

"Hey! Sige ka, I'll tell my Dad what happened yesterday. He's been asking pa naman what happened to my car. If I'll tell him, you're dead Parking Lot Girl." nanlamig ako sa sinabi niya. Pahamak talaga to eh. Pag ako napagalitan ni Ma'am ah.

"Ano ba kasi yun?" iritado kong sabi. Epal kasi masyado. Nagaabsorb na nga utak ko sa lesson eh. Nang-iistorbo pa!

"Text mo Papa ko. Tell him I'm here at the room already." aba! Kung maka-utos ah!

"Ano mo ko katulong?" mahina kong sabi sa kanya.

"Okay. I'll text him then." sabay tingin niya sa screen ng phone at pinipindot pindot na niya.

"Wait! Ako na!" ooops. Napalakas ata yung pagsalita ko.

"Miss Mendez! Lower down your voice! Kung ayaw niyong makinig, wag na kayong mang-istorbo sa discussion ko!" ito na nga ba sinasabi ko eh. Hayyy.

Dinilaan ako ni Robi at tinawanan ng mahina. Bwiset. Ka. Robi. Torres.

"O. Text him now." after niyang tumawa inabot niya yung iPhone niya. Taray, iPhone! Ako nga walang phone eh. Nawala kagabi.. Huhu.

Kinalikot ko naman yung phone niya. Pero ilang sandali lang..

"KYAAAAAAAH!" napatili ako ng sobrang lakas. At nabitawan ko yung iPhone niya. Dahil may lumabas na scary face dun sa screen ng iPhone niya. Ano to? Prank niya?

"HHAHAAAHAHAHAHAAAHAA!" tawa ng katabi ko.

"Mr. Torres and Ms. Mendez, go out now! Lumayas kayo sa harapan ko." pulado si Ma'am nung sinabi niya yun. Urgh, another badshot Katerina..

Wala na kaming nagawa kundi sumunod.

"Bahala ka diyan! Humanap ka ng lugar mo! Pahamak ka!" sabi ko nang tuluyan na kaming nakalabas at tumungo na ko sa canteen. Kaso itong kasama ko, sunod ng sunod at tawa padin ng tawa.

"W-wait. Wh-ere ar-re yo-ou g-going?" utal niyang sabi dahil sa pagtawa niya. Hmp! Nakakabwiset!!!!

"Sa impyerno! Sasama ka?!" sarcastic kong sabi.

"Urgh! Can you low down your voice? It's very irritating! I'm just asking lang naman kung saan ka pupunta. Bago lang kasi ako dito" reklamo niya. Di nga siya sanay magtagalog. Nahihirapan pa siya. Halata naman eh.

"Ewan ko sayo! Dun ka sa tatay mo!" sabi ko sa kanya nang nakasigaw ulit. Nakita ko naman siyang nagsmirk. T-teka.. Mukhang alam ko iniisip nito ah..

"Ayy oo nga. Dun nalang ako. I still have many things to tell him" sabi niya nang nakangisi sabay talikod sakin at umalis na siya..

Urgh! Sabi na eh! Tsk. Tumakbo ako at sinundan si Epal. Sinong Epal? Edi si Robi Torres.

"Hoy saglit lang! Wag mong sabihin sa Papa mo! Please!!!!" hila ko sa kanya. Nasa tapat na kasi kami ng Principal's Office. Buti walang mga teacher's, kundi dretso na talaga kami sa office nito.

"I won't tell him. But.. In one condition.." ito na nga yung iniiwasan ko eh. Urgh! Ayoko nang ganito -_______-

"Ano yun?" mahina kong sabi at naka-irap sa kanya.

"Ayaw mo naman ata e. It's okay. Bye!" sabay wave niya nang kamay niya. At aambang tatalikod. Pero syempre pinigilan ko na..

"Di, gusto ko! As in! Oo, gustong gusto ko! Oo!!!!!!" super sarcastic kong sinabi. Hayy, ano pa nga bang magagawa ko? Eh kasalanan ko naman talaga yung pagkasira ng likuran ng kotse niya eh. Tsaka wala kaming enough na pambayad dun noh. Tsaka ayokong ma-kick out sa School na 'to.

"Okay. Yun naman pala eh. The condition is.."

----

Sorry for the short update! :) #ABKP

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon