|Chapter Nine|

122 3 0
                                    

The Feeling is Mutual

Ugh, grabiii. Nakahiya talaga yung ginawa ko kahapon.. Nainis kasi talaga ako eh. Ayun naamin ko sa kanya lahat =_______=" kaines.

*flashback*

"Uy, PLG galit ka ba?" tanong ni Robi saakin. Ilang araw ko na kasi siyang di pinapansin.. At bukas lastday ko na as slave niya. Saya lang noh? Akala ko talaga di kayang umibig ng puso ko simula nung nangyari noon.. Ugh. Patay ako neto kay Stacey pag nalaman niyang kumikiringking ako. Kakalbuhin ako nun. x_x Hmm, ano kayang gagawin ni Mama pag nalaman niyang may kras ako? Magagalit ba sya o hindi? Kung buhay sana siya..

"Hindi" sabi ko nang matipid. Gusto ko sanang sabihin OO! Galit ako! Manhid ka kasi! Nyeta ka! Bulag pa. Di man lang magtanong bakit may pasa ang pisngi ko. Kasalanan mo kaya to! Bwiset!

Pero wala eh. Magmumukha lang akong tanga at baka pagtawanan pa niya ako. Hayy buhay. Ngayon nalang iibig, nganga pa.

"Then why are you avoiding me?" sabi niya. Halata mong malungkot siya. Namimiss kaya ko neto? Tss. Chura. May girlfriend na siya eh. At mas okay kung iwasan ko na lang siya. Wag masiyadong assuming Katerina. Masakit yon.

"Ayoko na kasi maging slave mo. Masyado kang moody at nahihirapan ako. Ngayong buwan lang naman ako nagfail diba? Babayaran ko nalang yung natirang 100,000." sabi ko sa kanya at sabay upo sa upuan ko.

Enebeyen, katabi ko pala kras ko. Saklap naman.

"No. Ayoko. I don't accept cash. Gusto ko paghirapan mo" sabi niya ng nakangisi.

"Pwede ba. Ayoko na nga eh. Humanap ka nalang ng bago mong slave" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Ayoko. Gusto ko ikaw" sabi niya sabay upo sa tabi ko.

My heart just skipped a beat. Emeged, kinikilig ako. Wag niya sana mahalata. Pero jusko! Kenekeleg eke ng benggeng bengge. Hehehe. Kahit alam kong, Gusto ko ikaw yung mahirapan ang ibig niyang sabihin. Eh hayaan mo na, double meaning eh. Hahaha.

"A-ayoko s-sayo" sabi ko sa kanya. Ano ba yan, utal-utal pa. =„=

"Eh gusto ko ikaw eh. Ayoko sa iba. Di ka iiwas sakin. You get me?" bigkas niya with an authorative voice.

Naku, naghuhuramentado na yung puso ko.. Kailangan ko nang tapusin lahat. Ayokong mapunta pa sa point na fall na fall na ako sa kanya.. Alam ko naman na wala akong pag-asa sa peymus na 'to eh :'c

"Pwede ba Robi! Forever ka nalang bang ganyan? Ha? Gusto mo ikaw lang nasusunod? Alam mo ikaw, ang selfish mo eh. Di mo ba nakikita 'tong pasa sa pisngi ko? Alam mo bang dahil sayo 'to? Sinampal ako ng isa sa mga die-hard fan mo. Alam mo ba yun?! Hindi diba?! Hindi mo alam kasi manhid ka! Ang manhid mo! Nakakainis ka! At dahil dyan sa sobrang manhid mo, di mo alam na iniiwasan kita kasi naiinggit ako dyan sa girlfriend mo. Ni hindi ka man lang nagsasabi. Nagmumukha pa kong tanga! Tss. Masaya ka na? Masaya ka na nasabi ko sayo lahat? Tss. Ayoko nang maging slave mo." sabi ko ng buong puso. Buong kaluluwa. Buong damdamin. Buong diwa. Chos.

Naghiyawan lahat ng kaklase ko.. Nang-asar pa talaga. Nakikita ko silang lahat, dahil habang sinasabi ko yung sona ko kay Mr. Peymus ay di ko namalayang napatayo na pala ako.

"Yiiie. May lovers na pala dito eh! I'm so kinikilig"

"Oh my! Bagay kayo! Robi ah, pati si Katerina natamaan ng alindog mo!"

"Go for it Robi! Ligawan mo na!"

Tumayo si Angelo at nilagay ang kamay sa beywang.

"Ay! Bongga yan! Go for it! Follow your heart Katerina! Push niyo yan! Ako na jojombag sa mga haters mo! Kaloka! Kinikilig ako to the deepest point of Marianas Trench!" sabi niya with matching palakpak pa.

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon