|Chapter Two|

283 5 3
                                    

Y so special?

Bahagyang tumingin muna ako sa tapat ng gate ng istraktura na ito. Malawak, maganda, maaliwalas at puno ng mga estudyante. At nakita ko ang isang arko na isinisigaw ang "Mataas na Paaralan ng ****"

Eto na 'to. Bagong buhay Katerina. Bagong karanasan.. Sana tuluyan ko nang makalimutan ang nakaraan.

*breath in* *breath out*

Nagbayad na ako kay manong sa tricycle. Duhh, hindi naman kami mayaman noh. Steady lang kami sa buhay yow. Hahaha.

Pumasok na ako sa eskwelahan. Suot ang bagong unipormeng magiging damit ko sa buong taon. Agad na hinanap ko ang seksyon ko sa bulletin board ng Registrar.

And I'll be at X- Aristotle. Saan ba yun? Nasa 3rd floor na ako. Dito daw yung mga rooms ng Grade 10 eh.

Hanap.. Hanap.. Hanap..

Ayun! Turo ko nang mahagilap ko ang seksyon ko. Hala! May teacher na! Dumiretso ako sa pintuan at sumilip. Pero imbis na sumilip ay natapilok ako papunta sa loob.

"Ouch. Tsk." reklamo ko ng sumalampak ako sa sahig.

"Ehem! Anong talent yang pinapakita mo sa amin Miss? Aber?" saad nung maitim na lalaki. Na nasa mid 30's na. At kung di ako nagkakamali, siya ang teacher.

Narinig ko ang mga tawanan ng mga magiging kaklase ko. Tumayo na ako at nagpagpag..

"Uhm, sorry sir or mam? Ay sir po."  pahamak ka talaga Katerina! Tsk. Kita mong naka-pants eh! Nagtaka ka pa kung sir or ma'am. Nako, patay ka talaga neto!

Tumawa na naman ang mga kaklase ko..

"What did you said?!" sigaw niya habang pulang pula at halos mag-usok ang ilong niya sa galit.

Yumuko nalang ako dahil sa kahihiyang naramdaman ko. Hindi 'to maganda para sa umpisa ko. Hayst..

"You must be Katerina Mendez? Tsk. Not good for your start! Haaaa, nako. Umupo ka na! At kayong lahat magsitahimik kayo! Haaaa." nakakatawa yung haaa niya! kung makautos akala mo aso ako. Eh paanong hindi malilito naka-talikwas yung kamay niya. May identity crisis lang? Hayy, ewan!

Dumiretso na ko sa upuan ko. Yehey! Nasa tabi ako ng bintana! Hehe. Favorite ko ang ganto. Yahooooo~

"Since first day at nagkaroon ng Jumble. Hindi niyo pa kilala ang lahat diba? Okay, introduce yourselves. Start from Row 1. And, Miss Katerina Mendez!"

"Yes sir?" taas ko ng kamay at nakita ko siyang umismid. Aba! Baklang to!

"You're the last one who'll introduce since you are late." at binuka ng mabilis ang kanyang pamaypay.

"Okay po sir." di na ako umangal pa. Hayy, huli ako? Ang dami nila eh. Nakita ko naman ang isang babae na galing sa Row 1 ang pumunta sa harapan.

"Hi everyone! Ako pala si Jamaica Ferrer! Sana maging close ko kayong lahat!" bungisngis niya. Ang masayahin naman niya. In fairness, maputi siya ah. At maganda din.

Pumalit naman ang isa..

"Good morning everyone! Ako si Julie Ann Sanchez. Mahilig akong magbasa ng mga stories sa Wattpad. Hoping ako na maging friends ko kayo lahat! Yun lang! Hihihi." anubayan. Isa pa 'tong hyper. Ano kayang nakain nila?

"Hi guys. Ako si Marilou Romasanta. Mabait sa mabait pero di ko kayo aatrasan." hala, katakot naman 'tong isa. Masyadong seryoso..

"Hi everyone. My name is Vina Marie Chua. I hope we'll make good friends this year. Thankyou" sabi nung medyo malusog at matangkad na babae.

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon