|Chapter Six|

138 2 0
                                    

Honey? Baby?

Two months had passed. Isang buwan nalang di niya na ako slave. Ay? Sad lang? Magtigil!

Ang pakikitungo namin sa isa't isa? Ganun padin! Pero nagugulat na lang ako minsan kasi bigla siyang nagbibigay ng mga gamit. Minsan damit na pangbabae at damit na para kay Papa. Pero nakakagulat kasi may pirma lahat. Iniisip ko nga na baka bigtime pumirma nito! Bongga! Kaya tanggap lang ng tanggap! Sayang! Joke.

Palagi kaming nag babangayan. Lagi niya akong binibwisit! Kainis! As always, laging pa-special. Akalain niyo yun? May fans club na siya. Robilicious! Urgh! Kadiri isipin! Nakakasuka! Kilala niyo leader?

Edi si Calvin -_- Jusme! Sabog palagi eardrums ko! Kainis! Tapos yung Robination fans club. Oo, dalawa fans clab niya. Kadiri! Hahaha!

Si Lindsay yung leader. Yung Robilicious, mabait sa akin. Pero yung Robinations? Kulang nalang dalhan ako ng red card. Psh. As if naman aagawin ko yung peymus na yun! Wala kong balak mag-love life noh. W-A-L-A.

Tapos nung 1st grading, tie kami sa pagiging top 1. Odiba? Hahaha. Nagulat naman mga kaklase ko, kasi wala pa daw nakakatalo sa kanya. Ha! Ano akala niya? Papatalo ako? Mwuahaha!

Andito kaming mga PC (Photography Club) members sa Rizal Park. Kukuha kasi kami ng mga magandang shots. At syempre.. Kasama ko yung asungot na yun. Psh.

"Okay ready na ba lahat? Ang theme ngayon ay AFFECTION. It means kukuha kayo ng shots ng mga lovers dito. Okay?" sabi ni Sir Fernandez. Yung adviser ng club namin. He's nice naman. Kaso pasimuno ng pang-aasar samin ni Robi. Kadiri lang.

"Hala sir! Family day ngayon! Okay ka lang? Walang lovers dito!" saad naman ni Kuya Clyde. Na kung hindi ako nagkakamali ay may balak na namang gawin.

"Ay shiz. Oo nga. Sorry I forgot. Any suggestions what to do?" sabi naman ni Sir. Andito kami sa damuhan at naka-circle lahat. Andito naman si Robi. Nagtetext. Sino kayang katext niya? Masyadong busy. Psh.

Tumingin ako sa screen ng phone niya.

"Opo, baby. I love you. Take care."

Aba? May girlfriend na siya? Bakit hindi siya nagsasabi sakin? Urgh. Kainis!

Teka, why do I bother? Urgh. Nevermind.

"Sir, si Katerina at Robi nalang ang lovers natin! Pareho naman silang maganda at gwapo eh!" sabi ni Kuya Clyde. Bwisit talaga 'to eh! Sinasabi ko na nga ba, may plano to eh. Kainis! May girlfriend na yan oh. Busy na busy nga sa phone eh. Di ako mapapansin niyan.

"WHAT? NO WAY!" sabay naming sabi ni Robi. Maka-no way wagas! Ayaw niya sakin? Di wag. Ewan ko ba, nabadtrip ako bigla.

"Sir I agree." sabi ni Ate Sam. Ang girlfriend ng ungas na si Kuya Clyde. Bagay nga sila eh. Kaso sa sobrang kulit ni Kuya Clyde, nababatukan nalang ni Ate Sam! Hehe.

"Ako din Sir."

"Oo nga sir. Nice idea Clyde!"

"Sila na lang Sir!" sabi ng mga PC Members.

Kami nalang ni Robi ay napanganga. Lagi naman kasing ganito set-up eh. Pinagttripan kami nila palagi. At syempre, pasimuno si Kuya Clyde at Ate Sam!

***

"Ang bigat mo Katerina! Ano ba." sigaw ni Robi sa akin. Aba?

"Sorry naman! First time ko lang mag-ganito. Buti nga pumayag ako sayo eh." sagot ko sa pagrereklamo niya. Ang yabang kasi! Akala mo magaling. Di pa nga ko safisfied sa performance niya eh!

"Bakit? First time ko din 'tong gawin! Anong akala mo? Hustler ako sa ganito? Di porket gwapo ako, ganito lagi kong gagawin."

"Napilitan lang naman ako sayo ah! Tsaka pwede ba, maayos naman yung pwesto natin! Reklamo ka pa ng reklamo!"

O ano na mga nasa isip niyo? Okay pa ba kayo? Baka kasi nalilibugan na kayo? Wag greenminded mga tao! Andito kami ni Robi sa photoshoot. At pag pineste ka nga talaga ng peste, eh naka-piggyback ride pa ako sa kanya. SA KANYA.

Ang bango niya pksht..

Ano daw sabi ko? Mabango siya? *erase erase* masiyadong kadiri yung sinasabi mo Katerina!

"Aba! Mukha kayong mag-kaaway na nagpiggyback ride! Ayusin niyo naman!" sani ni Kuya Clyde. Na akala mo director kung makaeksena sa gitna.

"Eh kung i-piggyback mo sarili mo! Epal mo! Ikaw na nga pumilit samin eh! Psh." inis kong sabi sa kanya. Kailangan dw kasi may eye contact. Leche.

"Aba? Sumasagot ka pa sa Presidente ng Club? Tsktsk" medyo sarcastic niyang sabi. He he. President pala siya. Be nice Katerina! Hahaha

"Oh, game! Ulit!" sabi niya sakin. Nakakangalay na ha! Ito namang si Robi, panay ang text. Kainis.

Bumaba na ako sa likod niya. Nakakawalang gana kasi. Sino ba yung katext niya ha? Masiyado siyang busy!

Natapos na kami sa photoshoot. Medyo badtrip ako kasi di magaganda yung kuha, masyadong pilit. Kaya iniba nalang yung gaganap. Urgh. Epal kasi nitong si Robi.

"Hay natapos din! Tara kain tayo sa Kfc?" alok ni Sir. Oo nga, wala pa akong tanghalian. Hehe. Hapon na kasi kami natapos.

"Tara! Hoy Robi!" sigaw ko dun sa nagtetext na lalaking yun.

"Ano?" sagot niya ng hindi lumilingon sa akin.

"Kfc daw! Tara na" sabi ko ng walang gana. Ayoko na, bastos niya kausap. Di man lang humarap sa akin. Badtrip.

"Uh, sir. Sorry I gotta go. Katerina, una na ako ha? Si Honey kasi may sakit eh. Bawi nalang ako next time. Bye!"

Honey? Kanina sa text niya, baby? Sino ba yun ha? Masiyadong paimportante. At bakit ako naiinis? Ah ewan! Nakakainis ka Robi.

Feeling ko tuloy pinagpapalit niya ko.

Teka? Anong sabi ko?

---

Waaaaah! Lamest update so far. Hahaha. Vote, comment and be a fan :)

INSTAGRAM: _katecustillas

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon