|Chapter Five|

171 4 0
                                    

Condition

[Ano?! Seryoso ka?! Bakit mo naman kasi kinaskasan yung kotse nung Robi na yun?!] sigaw ni Stacey sa kabilang linya. Tumawag kasi ako sa kanya through telephone.

"Malay ko ba kasi.. Akala ko talaga kasi na sya yung nagtanggal nung motorsiklo ko.." malungkot kong sabi sa kanya. Nakakainis talaga..

[Mag-ingat ka kasi. At isip isip din pag may time ha! Ayan tuloy napasubo ka diyan sa kondisyon niya. Wala ka namang magawa.]

"Nakakainis na nga eh. Hayy, anong gagawin ko? Ayokong gawin yung kondisyon niya. Pero medyo okay lang kasi mukha namang mabait yung asungot na yun"  ano ba yun? Ang gulo ko ah..

[Kasalanan mo din kasi! Ayan napala mo. Tanggapin mo nalang] naiinis nalang ako pag naaalala ko yun. Duh! Di nga ako inaalila ng tatay ko eh! Siya pa?!

"Oo na. Hayyy, ang tanga ko talaga!" wala na talaga akong magagawa. Eto na to.. Tanggapin ko nalang. Mukha namang mabait si Epal eh. Mukhang di naman nangangagat. >_<

[Beshy, yung prinsipyo natin ha! Ano ulit yun?]

["NEVER EVER DATE A GUY!"] sabay naming sabi ni Stacey.

"Duhh, di ako maiinlove dun noh! Tsk. Oo gwapo siya tsaka mayaman. Pero, di ko padin makakalimutan yung nangyari sakin dati. Enough reason na yun para di na maglovelife."

[Good! Ay wait beshy. Describe mo naman yung Robi Torres na yun] sabi ni Beshy.

Oo nga.. Ano nga palang mga face features niya?

"Maputi siya. Matangos yung ilong. Brown yung mata niya eh. Tapos ang pink ng labi niya. Para siyang baby, pero matangkad siya." isang bagay na di ko pwedeng ideny ay yung katotohanang gwapo siya. Gwapo talaga siya at mukhang bata. Cute at gwapo at the same time kumbaga.

[Wow! Yummy naman niya! Hihi. Makapagtransfer na nga dyan!] pabirong sabi ni Stacey.

"Baliw! Hahaha. Yung prinsipyo natin, nakalimutan mo na agad nung sinabi ko sayo yung features niya?"

[Syempre joke lang! Hahaha. Hala, low bat na yung phone ko. Sige na! Bye Beshy! I miss you! Sa sabado kita tayo ah! Bbye! Mwah!]

"Bye Beshy! Miss you more! Sige sige. Dating gawi ah!" at inend ko na yung call. Hayy, sana tuloy kami sa Sabado.

Kainis talaga yung lalaking yun. Ginawa pa akong slave. Para daw makabawi ako at mabayaran ko yung damage sa kotse niya ng 300,000. Eh siyempre maging slave nalang ako ng 3 months kesa maging slave forever dahil binayad lahat ng pera namin sa kanya!

"Katerina? Anak?" napatigil ako nang sumilip sa pinto si Papa.

"Bakit po Pa?" tanong ko sa kanya habang umupo siya sa kama ko.

"Nak, massage mo naman si Papa. Ang sakit talaga ng likod ko eh." sabi niya. At dumapa sa kama ko. Kung pipili ako ng taong pagsisilbihan ko araw-araw? Si Papa ang pipiliin ko. Dahil deserve niya lahat ng ginhawa na nakakamtan dito sa mundo.

Pinagpatuloy ko ang pag mamassage kay Papa.

"Nga pala, nakalimutan kitang tanungin kung saan nawala ang cellphone mo. Saan nawala yun? At paano?" tanong ni Papa.

Kwinento ko kay Papa lahat ng nangyari. As in, lahat! At kahit sa pagiging slave ko for 3months. Syempre, di na ako dapat nagtatago kay Papa. Siya na nga lang kasama ko sa buhay eh.

"Nak, hindi pwede. Mahihirapan ka lang sa pagiging alila dun sa mayaman na lalaking yun. Gusto mo mag-advance ako sa boss ko?" sabi ni Papa. Hayy, Papa talaga..

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon