|Chapter One|

302 5 0
                                    

*kriiiiiiiiiing!!!!!!*

Nabuhay ang sistema ko sa napakaingay na tunog. Kainis! Ano ba yun? Tsk. Makatulog na nga ulit.

After 5 minutes of her peaceful sleep.

*kriiiiiiiiing!!!!!!*

"WAAAAAAAAAAAH!!!" walang hiya kong sigaw. Agad na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Anak? Okay ka lang?! Buksan mo to! Wag kang magtatangkang magpakamatay! Nak, buksan mo toooo--" natigil si Papa nang buksan ko ang pinto.

"Anong pinagsasasabi mo dyan Pa? Okay ka lang? Yuhoooo. O.A mo pa ah. Kaloka ka" sabay wagayway ng aking kamay sa harap ng mukha ni Papa. Di ako bastusing anak, sadyang ganito lang kami mag-usap ni Papa.

"Aray ko naman!" reklamo ko nang bigla akong batukan ni Papa. Arayku, ang sakit.

"Eh kung makasigaw ka kasi eh! Akala ko kung ano na! Ang aga aga nambubulabog ka. Maligo ka na nga at baka malate ka pa." sabi niya at umalis na sa tapat pintuan ng kwarto ko. Di ko naman agad naintindihan yung sinabi niya kaya sumilip ako sa pinto ko at sumigaw.

"Ha? Bakit malelate? May lakad ba ako?" tumigil sa paglalakad si Papa at lumingon sakin.

"Duhh, first day mo sa bago mong school ineng! Remember?" sabay muwestra ng kanyang hintuturo at winagayway. Tingnan mo 'to si Papa, parang timang. Nagbabakla-baklaan na naman.

"Makakalimutan ka na masyado anak. Sige na magbihis ka na dyan Lola Katerina." sabay tawa ng malakas at tuluyan na siyang bumaba ng hagdan. Loko talaga yun si Papa. Hayst.

Teka, ano na bang date ngayon? Tiningnan ko ang orasan ko "June 2, xxxx 4:00 am"

Oh em geee! This is really is it is it!!!! Excited na kong pumasok sa bago kong School! Wohoooooo! Ang saya saya!

Magkakaroon kaya ako ng mga bagong kaibigan? Oh-em-gi. I'm so excited!

Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang number ni Stacy.

Calling Beshy...

Ang tagal naman niya sagutin. Sabagay 4am palang eh! Hayy, Katerina talaga!

[Hello?]

"Goodmorning Beshy! First day ko ngayon sa bago kong school! ohmygod! Excited na ko!!"

[Ganun ba?]

Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. And I know what it means..

"Beshy naman. Alam ko nagtatampo ka parin. Sorry kasi sa facebook at text lang ako nakapagpaalam sa paglipat namin. Biglaan kasi talaga eh. Sorry na beshy." nakasimangot kong saad.

[I know. I know. Kainis naman kasi! Wala nang uubos ng pagkain sa ref ko.. Wala nadin akong maingay na bestfriend sa corridor! Haynaku ka! Pasalamat ka bestfriend kita! Mag-ingat ka dyan ha! Ang prinsipyo natin ha! Wag kakalimutan!]

"Opo nay Stacy! HAHAHA. Oo sige na. It's time to make ligooooo~" sabi ko sa high-pitch tone ko. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.

[Nay ka dyan! Hahaha. Sige na! Wag mo kong pagpapalit ah! Sige na. I love you!!!!]

At ibinaba ko na ang phone. Hayy, mamimiss ko yung bruhildang yun!

Naligo na ako at nakapagbihis na. Whooo! This is it! Okay Katerina Mendez, it's showtime!

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon