|Chapter Eight|

81 1 0
                                    

Love o Infatuation lamang?

Hindi parin ako maka-get over kahapon. Leche. Nagka-pasa yung pisngi ko. Mukha tuloy akong nagblush on sa kanan kong pisngi na mapula na ngayon at mayolet pa. Hayyyyy.

Paano ako papasok neto? Nakakahiya.. Buti at hindi nakita ng tatay ko kagabi. Dahil kung nakita niya, maghhisterical yun. Daig pa yung taong nanakawan ng isang milyong pera. Yep, o.a siya. Unica hija ba naman niyang maganda ay may pasa eh. Chos. Maganda daw? That's what you called confidence.

Papasok na ako ng room. Nakita ko agad si Robi at sumikip yung dibdib ko.. Oo aaminin ko, may feelings na ko sa kanya pero di ko alam kung love ba o infatuation lamang..

First time ko kasing makaramdam ng feeling na ganito. Yung nagsslow motion lahat? Seryoso. Di ako nagbibiro. Yung feeling na hindi lang butterflies ang meron sa tiyan mo kundi pati buong Animalandia ang nagwawala pag nakikita mo siya..

Wala pa kong naging boyfriend.. Pero kaya ako naging man-hater ay dahil sa nangyari sa pamilya ko.. Simula noong nawala si mama samin, feeling ko lahat ng lalaki ay manloloko lamang at mang-aagaw basta basta. Na ang lahat para sa lalaki ay isang laro o trip lang..

Ang mahulog, talo. Dahil kahit ilang beses kang mahulog.. Bihira nalang ang may sasalo sayo at gagamutin ka after mong matamo ang damages sa puso mo..

Ang Boyfriend Kong PeymusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon